Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Kataga ng Buhay Oktubre 2008.

Similar presentations


Presentation on theme: "Kataga ng Buhay Oktubre 2008."— Presentation transcript:

1 Kataga ng Buhay Oktubre 2008

2 “Magbigay kayo, at bibigyan kayo ng Diyos: hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo.” (Lk 6:38)

3 Nakatanggap ka na ba ng regalo mula sa isang kaibigan at pagkatapos ay pakiramdam mo ay nais mo itong suklian?

4 Hindi dahil napipilitan kang tumbasan ito, bagkus dahil sa pag-ibig at pasasalamat. Nakakatiyak ako na nangyari na ito sa iyo.

5 Kung ganito ang naramdaman mo, isipin mo kung ano ang nararamdaman ng Diyos, ng Diyos na pag-ibig.

6 Sinusuklian Niya ang bawat handog na ibinibigay natin sa kapwa sa ngalan Niya. Malimit itong maranasan ng mga tunay na Kristiyano. At malimit sila ay nagugulat.

7 Hindi kailanman tayo masasanay sa mga paraan ng Diyos
Hindi kailanman tayo masasanay sa mga paraan ng Diyos. Maaari akong magbigay ng isanlibong halimbawa. Maaari rin akong magsulat ng libro tungkol dito.

8 Makikita mo na totoo ang mga salitang “hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo.” Ang Diyos ay laging bukas-loob na tumutugon, masagana.

9 Gabì na sa Roma, Italya. Sa kanilang apartment, isang maliit na grupo ng mga babae na nagsisikap magsabuhay ng Ebanghelyo ang bumati sa isa’t isa bago tuluyang matulog.

10 Nang sandaling iyon ay may kumatok sa pinto
Nang sandaling iyon ay may kumatok sa pinto. Sino kaya ang taong iyon sa ganoong dis-oras ng gabi? Natagpuan nila sa pinto ang isang tatay, balisang-balisa at nawawalan ng pag-asa. Sa susunod na araw ay pinalalayas na ang kanyang pamilya dahil hindi sila makabayad ng upa sa bahay.

11 Nagtinginan sila sa isa’t isa at tahimik silang nagkasundo
Nagtinginan sila sa isa’t isa at tahimik silang nagkasundo. Binuksan nila ang kanilang pinagtataguan ng lahat nilang sweldo. May lalagyan para sa gas, koryente, telepono, nakahanda para sa mga babayaring ito. Hindi sila nag-atubiling mag-isip kung paano nila iyon babayaran, ibinigay nila ito lahat sa mamâ .

12 Masaya silang natulog ng gabing iyon
Masaya silang natulog ng gabing iyon. Nakakatiyak sila na may titingin sa kanilang mga pangangailangan.

13 Maagang-maaga pa lang kinabukasan ay nakatanggap sila ng tawag sa telepono.
Ang mamang iyon uli. “Parating na ako, magta-taxi ako.” Nagulat sila kung bakit magta-taxi pa, kaya’t naghintay sila.

14 Nang makita nila ang mukha ng mama ay naunawaan nilang may nangyari
Nang makita nila ang mukha ng mama ay naunawaan nilang may nangyari. “Kagabi, pagka-uwi ko sa bahay, nakatanggap ako ng mana na hindi ko inaasahan. Naramdaman ko sa puso ko na gusto kong ibigay ang kalahati sa inyo.” Ang halagang iyon ay doble ng halagang bukas-loob nilang ibinigay noong gabi.

15 “Magbigay kayo, at bibigyan kayo ng Diyos: hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo.”

16 Naranasan mo na rin ba ito
Naranasan mo na rin ba ito? Kung hindi, tandaan mo na ang handog ay dapat ibigay na hindi iniisip ang sarili o naghihintay ng kapalit. Ito ay para kaninuman na humihingi. Subukan mo. Hindi upang makita kung ano ang magiging bunga, bagkus dahil nais mong mahalin ang Diyos.

17 Maaari mong sabihin: “Wala akong maiibigay.” Hindi iyon totoo.
Kung talagang nais natin, mayroon tayong walang hangganang kayamanan: ang ating libreng panahon, ang ating pagmamahal, ngiti, payo, kapayapaan, ang ating mga salita na maaaring humikayat sa isang mayroon na magbigay sa isang wala...

18 Maaari mo ring sabihin: “Hindi ko alam kung kanino ibibigay.”
Tumingin ka sa paligid mo. Mayroong maysakit sa ospital, isang balo na laging nag-iisa, isang kaklase na hindi nakapasa kaya nawawalan na ng pag-asa, isang kabataang malungkot dahil hindi makahanap ng trabaho, isang nakababatang kapatid na nangangailangan ng tulong, isang kabigan sa kulungan, isang bagong kasamahan sa trabaho na kulang pa ang tiwala sa sarili. Si Kristo sa bawat isa sa kanila ay naghihintay sa iyo.

19 Palitan natin ang ating saloobin ng mga saloobin mula sa Ebanghelyo, ito ang tatak ng isang Kristiyano. Ito ang kabaligtaran ng pagiging sarado at nagpapahalaga lang sa sarili.

20 Huwag magtiwala sa mga bagay dito sa mundo; sa halip, magsimulang umasa sa Diyos. Dito makikita ang pananampalataya mo sa Kanya na mapapatunayan sa mga handog na matatanggap mo.

21 Ngunit maliwanag na hindi nagbibigay ang Diyos upang tayo’y payamanin
Ngunit maliwanag na hindi nagbibigay ang Diyos upang tayo’y payamanin. Ginagawa Niya ito upang marami at marami pang iba, kapag nakita ang maliliit na milagrong nangyayari sa atin na bunga ng ating pagbibigay, ay magpapasyang gawin din iyon.

22 Ang Diyos ay nagbibigay sa atin dahil kung tayo ay higit na mayroon, higit din tayong makakapagbigay sa kapwa. Tayo ay mga tagapamahala ng mga pag-aari ng Diyos, at nais Niyang magbahaginan tayo sa ating sambayanan, upang masabi sa atin tulad ng sinabi sa mga unang sambayanang Kristiyano: “Walang nagdarahop sa kanila....”

23 Hindi ba ito ang paraan upang makatulong ka sa pagbuo ng matibay na batayang espiritwal para sa pagbabago ng lipunan na siyang pinakahihintay ng ating mundo?

24 “Magbigay kayo, at bibigyan kayo...”
Nang sinabi ni Jesus ang mga salitang ito, tiyak na iniisip Niya una sa lahat ang gantimpala na ating matatanggap sa langit. Ngunit ang gantimpala na ating matatanggap dito sa lupa ay patikim at garantiya na ng ating gantimpala sa langit.


Download ppt "Kataga ng Buhay Oktubre 2008."

Similar presentations


Ads by Google