Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
1
Modyul 8. Pakikilahok at Bolunterismo
Inihanda ni Mary Krystine P. Olido para sa Ikalawang Markahan ng Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9
2
Mahalagang Tanong: Bakit mahalaga ang pakikilahok at bolunterismo?
4
“Hindi mainam na mag-isa ang tao; bibigyan ko siya ng makakasama at makakatulong.”
-Genesis 2:18
5
Dr. Manuel Dy Jr. “Mahalaga sa pagpapakatao ang pagkilala ng tao na kailangan niya ang lipunan dahil binubuo siya ng lipunan at binubuo niya ang lipunan.” ”Sa lipunan sumasakasaysayan ang tao”.
6
DIGNIDAD Pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang kapwa Ang paggalang sa dignidad ng tao ang nagsisilbing daan upang mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili.
7
TAO = PANLIPUNAN hindi makakamit ng tao ang kaganapan kung hindi siya makikipamuhay kasama ang kapwa. Lipunan ang tanging lugar para sa mga indibidwal upang makamit ang kanilang tunguhin Kailangang makibahagi ang tao para na rin sa pagbuo ng kaniyang pagkatao.
8
PAKIKILAHOK Isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
9
Kahalagahan ng Pakikilahok
Maisasakatuparan ang isang gawain na makatutulong upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan Magagampanan ang mga gawain o proyekto na mayroong pagtutulungan Maibabahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
10
Antas ng Pakikilahok ayon kay Sherry Arnsteinis
Impormasyon Konsultasyon Sama-samang pagpapasya Sama-samang pagkilos Pagsuporta
11
PAKIKILAHOK Hindi ito minsan ngunit patuloy na proseso. Mula dito nabibigyan ng saysay ang iyong pagiging tao na nilikha ayon sa wangis ng Diyos Mula dito nahuhubog ng tao na mapukaw ang kaniyang damdamin at kaisipan na siya ay kasangkot at kabahagi ng kanyang lipunan sa pagpapalaganap ng pangkalahatang kabutihan
12
Hindi ka nakikilahok para sa pansariling interes
Hindi ka nakikilahok para sa pansariling interes. Kung ito ay mangyayari, mawawala ang tunay na diwa ng pakikilahok; napapalitan ito ng pansariling kapakinabangan.
13
BOLUNTERISMO Paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa lipunan Pagbibigay ng sarili sa hindi naghahangad ng anumang kapalit Maaaring tawaging bayanihan, damayan, kawanggawa o bahaginan
14
Benepisyong makakamit sa BOLUNTERISMO:
Nagkakaroon ng kasiyahan ang isang tao kapag siya ay naglilingkod Nagkakaroon siya ng personal na paglago Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at relasyon sa iba Nagkakaroon siya ng panahon na makilala hindi lamang ang iba kundi pati na rin ang kanyang sarili
15
BOLUNTERISMO Mula sa mga benepisyong ito, naiaangat ang pagkatao ng tao at nagiging mapanagutan siya sa kaniyang lipunan na nagiging daan tungo sa kabutihan ng lahat.
16
Ano ang pinagkaiba ng PAKIKILAHOK sa BOLUNTERISMO?
17
PAKIKILAHOK BOLUNTERISMO
Nagiging konsiderasyon ang personal na interes o tungkulin Kailangang gawin dahil may mawawala sa iyo Hindi ka apektado kung di mo gagawin ngunit mananagot ka sa konsyensya mo dahil di ka tumugon sa pangangailangan ng kapwa. Hindi lahat ng pakikilahok ay may aspekto ng bolunterismo pero lahat ng bolunterismo ay may aspekto ng pakikilahok.
18
Bishop Teodoro Bacani Jr.
“Huwag lamang makuntento sa mga araw-araw na karaniwang gawain, yung hindi nababahala at pinababayaan lamang tumakbo ang mundo, bagkus kinakailangan na ang kabataan ay manggulo-ibig sabihin ay magsikap na humanap ng pamamaraan at maging kasangkapan para sa ikauunlad ng buhay at lipunan”.
19
3 T na dapat makita sa pakikilahok at bolunterismo:
TIME (Panahon) TALENT (Talento) TREASURE (Kayamanan)
Similar presentations
© 2024 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.