Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
1
Filipino BAHAGI NG AKLAT
2
Ang Mag-anak na Pilipino
Ang mag-anak na Pilipino ay nabibigkis ng pag-ibig at paggalang. Ang ama ay siyang haligi ng tahanan. Ang ina naman ang patnubay. Ang mga magulang ang sandigan ng mga anak sa kanilang pisikal na pangangailangan. Sila ang nagbibigay ng pangangailangan sa pag-aaral. Nagpapakasakit sila para mapabuti ang kanilang mga anak. Iginagalang at minamahal ng mga anak ang kanilang mga magulang. Tumutulong sila sa mga gawaing bahay pagkatapos ng mga gawain sa paaralan. Ito ay dahilan ng pagiging masaya ng mag-anak na Pilipino.
3
Mga Tanong: 1. Ano ang tinutukoy sa kwento? 2. Ano ang tungkuling ginagampanan ng isang ama sa pamilya? 3. Bilang isang anak paano kayo tunutulong sa inyong mag-anak?
4
Ayusin ang mga titik upang malaman ang tinutukoy sa bawat bilang.
5
Naglalaman ng mga salitang nakaayos nang paalpabeto at nagbibigay ng kahulugan at iba pang impormasyon tungkol sa salita N I Y O K U D S R A Y
6
Naglalaman ng mga mapang nagsasabi ng lawak, distansya, at lokasyon ng mga lugar. Ipinakikita rin dito ang mga anyong-lupa at anyong tubig na matatagpuan sa isang lugar S A L T A
7
Ang ginagamit na batayang aklat ng mga mag-aaral sa ikalimang baytang ng DLSZ
5 M A P U L
8
Bahagi ng Aklat
9
Mahalagang malaman natin ang mga bahagi ng aklat upang magamit natin ito nang wasto. May mga bahagi ng aklat na magagamit para sa iba’t-ibang hangarin.
10
Pabalat – takip ng aklat kung saan mababasa ang pamagat ng aklat, may akda, at manlilimbag
11
Pahina ng Pamagat – pahinang kasunod ng pabalat at katulad ng nakasulat dito
12
Pahina ng Karapatang Sipi – nilalaman nito ang taon ng pagkakalimbag, ang naglimbag, at ang lugar kung saan nilimbag ang aklat
13
Dedikasyon – pahinang kakikitaan ng mga pangalan ng nais pasalamatan ng may-akda at handugan nito ng aklat.
14
Panimula – maikling paliwanag sa pagkakabuo ng aklat
15
Paunang Salita – ito ay nagtataglay ng nais iparating ng may-akda sa mambabasa
16
Talaan ng Nilalaman – listahan ng mga paksa at ng pahina nito
17
Teksto o Katawan ng Aklat – ito ang kabuuan ng lahat ng paksang tinalakay
18
Bibliyograpi – paalpabetong talaan ng mga aklat at iba pang sanggunian
19
Glosari – talaan ng mahihirap ng salitang may kasamang katuturan o paliwanag
20
Indeks – paalpabetong listahan ng paksang tinalakay sa akda at kung saang pahina makikta ito
21
Tukuyin kung aling bahagi ng aklat ang magbibigay ng sumusunod na impormasyo
Ang palimbagang gumawa ng aklat. Ang layunin ng may akda sa pagsulat ng aklat. Mga maliliit na kaisipang magbibigay ng karagdagang impormasyon sa paksang sinasaliksik na nakasulat nang sunud-sunod at paalpabeto. Kailan unang nalimbag ang aklat. Baybay, bigkas at kahulugan ng ilang mahihirap na salitang ginamit sa mga kwentong nasa aklat. Ang sumulat ng aklat. Nagsasabi o nagbibigay paliwanag kung anu-ano ang maaaring mabasa at matutuhan sa aklat. Ang pagkasunud-sunod ng mga araling taglay ng buong aklat Ang tanggapan ng palimbagang gumawa ng aklat. Nagbibigay ng mga kaalaman at kasanayang dapat matutuhan ng mga dapat gumamit ng aklat.
22
Sabihin kung saang bahagi ng aklat mababsa ang mga sumusunod:
1. Yunit I Ang Ating Kapaligiran Luntiang Kaparangan……………..78 Sa Dako Pa Roon…………………….86 2. pal.tok png, gulod Pi.ta png. Hangad; nais 3. Ang Filipino Ngayon at Bukas ay binubuo ng mga araling magpapatibay ng mga kaalaman at kasanayang pangwika ng mga batang nasa ikalawang baiting. 4. Pangngalan, 212 di-konkreto, 320 konkreto, 319 ng bagay, 215 ng lunan, 211 ng tao, 87-89 5. Mga Tulang Pambata nina Ruby Leo at Naomi Lyn
Similar presentations
© 2024 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.