Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
1
Proyektong Panturismo
Tagaytay Proyektong Panturismo
2
Pagkain Bukod sa malamig na klima at magagandang tanawin, binabalikan ang tagaytay dahil rin sa mga masasarap na pagkain. Sumikat sa tagaytay ang bulalo. Masarap at mainit ito at babagay sa klima na malamig. Sumikat rin ang matatamis na Pinya. Binabalikan ang Tagaytay dahil sa kanilang matatamis at masasarap na pinya.
3
Personalidad Ang mga sikat na tao sa tagaytay ay sina Leslie at Dolores Paelmo dahil sa kanilang masarap na pagluluto ng bulalo. Sikat din ang kanilang mayor na si Agnes Tolentino.
4
Pagdiriwang Ipinagdiriwang tuwing Mayo ang Pilipinyahan Summer Festival dahil sa pagpapataguyod ng kanilang matatamis na pinya. Kanila ring ipinagdiriwang ang Santacruzan, ito ay ang pagparada ng mga kababaihan ng nakagown. Mayroon rin silang pagdudula ukol sa pagkamatay ni Hesus.
5
Kasaysayan Ang salitang Tagaytay ay nagmula sa salitang “taga” na ang ibigsabihin ay putulin at “itay” na ang ibig sabihin ay ama. Sinasabing merong mag-ama na nangangaso ng baboy ramo nang atakin sila nito. Nang aatakihin na nito ang ama, sumigaw ang bata ng “taga itay!”. Ang sigaw ng bata ay narinig sa buong kanayunan. Simula noon, tinawag ng “Tagaytay ang lugar kung saan narinig ang sigaw ng bata.
6
Lugar at Pasyalang Sikat
Ang ilan sa mga tourist spots sa Tagaytay ay ang picnic grove, peoples park in the sky, sky ranch, at ang taal Volcano. Sa mga lugar na ito mauunawan mo ang klima ng lugar. Katulad ng Sky ranch at picnic grove mayroong mga rides katulad ng horse back riding, zipline at ferris wheel.
7
Lugar at Pasyalang Sikat
Tagaytay Picnic Grove Dito madalas dumayo ang mga pamilya, turista at iba pa dahil dito maraming mga gawain ang maaari mong maisagawa katulad ng pag-picnic, pagpapalipad ng saranggola, pagsakay ng zipline, at iba pa. Dito mo rin makikita ang magandang tanawin ng Bulkang Taal at ang lawa nito Palace in the sky Ito ang mansyon na ipinagawa ng ating dating pangulong Ferdinand Marcos. Ang mansyon na ito ay hindi natapos sa paggawa ngunit ito ay binuksan sa publiko para sa magandang tanawin ng Bulkang Taal
8
Lugar at Pasyalang Sikat
Sky Ranch Dito matatagpuan ang pinakamataas na ferris wheel sa ating bansa. Residence Inn Mayroong Mountain Resort at Zoo dito sa residence inn. Sa zoo maaaring magpakain ng mga hayop Taal Volcano Adventure Ang Taal Volcano Adventure ay iniaalok sa mga taong pumupunta sa picnic groove. Dito tayo makakaranas ng “full adventure” papunta sa bunganga ng bulkan at pabalik sa baba. Ngunit kailangan muna pumunta ng Talisay, Batangas dahil doon ginagawa ang adventure. May mga resort doon na nag-aalok ng “boat ride” papunta sa isla ng Taal at pagdating doon, mamimili ka kung sasakay ka ng kabayo pataaas o maglalakad
9
Kwentong Bayan Ang salitang tagaytay ay nagmula sa salitang “taga” na ang ibigsabihin ay putulin at “itay” na ang ibigsabhin ay ama. Sinasabing merong mag-ama na nangangaso ng baboy ramo nang atakin sila nito. Nang aatakihin na nito ang ama, sumigaw ang bata ng “taga itay!”. Ang sigaw ng bata ay narinig sa buong kanayunan. Simula noon, tinawag ng “Tagaytay ang lugar kung saan narinig ang sigaw ng bata.
10
Sining Ang Museo Orlina ay isang museo sa tagaytay na nagpapakita ng mga sining at scultura ng tagaytay. Makikita dito ang mga pagpipinta na nakakaalam ng kasaysayan ng tagaytay.
11
Larong Pambata Ang mga karaniwang nilalaro ng mga batang taga tagaytay ay ang piko at naglalaro rin sila ng isports katulad ng Volleyball.
12
Kabuhayan Simpleng kabuhayan lamang mayroon ang mga taga tagaytay. Namumuhay sila sa kanilang mga tanim na palay. At marami rin silang pinya at masarap ng bulalo kaya sila nakilala ng mga tao kaya ngayon madalas na puntahan ang tagaytay.
13
Bakit dapat puntahan ang TAGAYTAY?
Ang lamig ng lugar at dami ng pwedeng pasyalan sa Tagaytay ang dahilan kung bakit pinipili ng ilan na pumunta rito. Laganap man ang komersiyalismo sa lugar, hindi pa rin nawawala ang natural na ganda nito. Upang makipagsabayan sa iba pang tanyag na pook pasyalan, sinisikap ng mga taga-Tagaytay na maging iba ang karanasan kapag doon nagpunta. Ngayon maaari ng humigop ng sabaw ng bulalo o di kaya’y kumain ng bagong pitas na pinya habang tinatanaw ang ganda ng Taal lake.
Similar presentations
© 2024 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.