Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
Published byFrancisca Affonso Aldeia Modified over 6 years ago
1
PAGBASA ang pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina na nangangailangan ng masusing pag-iisip sa ipinahayag na mensahe ng sumulat isang proseso ng aktibong pakikipag-ugnayan o interaksyon ng bumabasa sa nakalimbag na mga titik sa bawat pahina ng babasahin
2
Kahalagahan ng PagbAsa
1. Nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay 2. Nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di-inaasahang suliranin sa pangaraw-araw 3. Nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin 4.Nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at karununggan
3
5. Nakapagbibigay ng aliw at kasiyahan 6
5. Nakapagbibigay ng aliw at kasiyahan 6. Nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay 7. Nagsisilbing susi sa malawak na karunungan na natipon ng daigdig sa mahabang panahon.
4
MGA LAYUNIN NG PAGBASA Bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang layunin kung bakit nagbabasa. Sa pangkalahatan, nagbabasa tayo upang makakuha ng mga impormasyon, mapalawak ang ating mga kaalaman, at mag-aliw.
5
MGA TEKNIK NG PAGBASA Ayon kay Badayos, may mga teknik sa pagbasa na dapat isaalang-alang: Iskaning Mabilis na teknik ito ng pagbasa na ang pokus ng mambabasa ay makuha lamang ang mga espesipikong impormasyon.
6
2. Iskiming Gaya ng iskaning, ang iskiming ay mabilis na teknik din ng pagbasa, subalit pangkalahatang impormasyon naman ang ating hinahanap. 3. Kaswal Ang teknik na ito ay tinatayang pang – ubos oras lamang ng pagbasa. Sa madaling sabi, wala kang tiyak na layunin at intensyon kaugnay sa iyong binabasa.
7
4. Kritikal nangangahulugang pagsusuri at pagsasala ng mga impormasyong iyong natatanggap. Ibig sabihin, ikaw ay lumilikha ng sarili mong pamantayan upang paniwalaan o hindi paniwalaan ang isang bagay na nabasa mo. 5. Komprehensibo tumutukoy sa pagkuha ng lahat ang detalye maging ito man ay maliit o malalaking detalye.
8
6. Pribyuwing Ang mambabasa ay tanging kinukuha lamang ang lahat ng mahahalagang impormasyon ng isang babasahin. 7. Replektib Replektib na teknik ang pagbasa kung maisasabuhay ng isang mambabasa ang kanyang binabasa at nauunawaan niya ito nang lubos.
9
8. Muling – Basa Tinatawag ito sa Ingles na re–reading at tumutulong sa mga mambabasa na maging pamilyar sa mga detalye ng binabasa tungo sa lubos na pag – unawa. 9. Pagtatala Notetaking naman ito kung tawagin sa Ingles na malaki ang naiaambag sa mambabasa. Nagagawa kasi nitong mabigyang emphasis o haylayt ang iyong binabasa. Kadalasan itong isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasalungguhit sa teksto, paglalagay ng asterisk, paggamit ng haylayter at iba pa.
10
ANG APAT NA ANTAS NG PAGBASA
1. Literal na Pang-unawa Ang pang-unawang ito ay ang kakayahang pansinin ang katotohanan o opinyon sa binasa. Mahalaga ang kakayahang ito upang malaman ang pinakadiwa ng binabasa batay sa mga patunay o saliksik.
11
2. Pagbasa sa Pagitan ng Salita (Inferential Level)
ang kakayahang maintindindihan o unawain ang kaakibat na kahulugan ng mga nakalimbag na salita.
12
3. Pang-unawang Kritikal
nangangailangan ng malawak na kaalaman sa paksang binabasa upang mapagtanto at makabuo ng matatag na pananaw.Ang mga bagay na maaaring makatulong sa bumabasa sa larangang ito ay ang pagsasaalang-alang kung sino ang may akda, ang paninindigan nito, mga karanasan at ang may kinalaman o patungkol sa may akda.
13
4. Malikhaing Antas ng Pagbasa (Creative Level of Comprehension) ang kakayahang maiugnay sa buhay ang mga binasa. Sa antas na ito, nagaganap ang pagbabago sa buhay o pananaw ng isang mambabasa, ito ang pinakamahalagang antas ng pagbabagong naidudulot.
14
Mga Hakbang sa Pagbasa 1. Komprehensyon o pagkaunawa
Higit pa ito sa pagkilala ng mga salita dahil sa nangangaghulugan ito nang lubos na pag-unawa sa pagkakaugnay-ugnay ng mga salita sa loob ng mga pangungusap sa isang talata ng isang buong akda o artikulo.
15
2. Persepsyon o pagkilala
Nakapaloob dito ang pagkilala sa mga salita. 3. Reaksyon Kinapapalooban ito ng dalawang hakbang: Una ay ang pa-emosyunal na ang bumabasa ay humahanga In sa estilo at nilalaman ng akdang kanyang binabasa at ang ikalawa ay paintelektwal, na ang bumabasa ay nakapagpapasya sa kawastuhan at tinataglay nitong lohika sa kanyang akdang binabasa.
16
5. Kabilisan/Kabagalan ng Pagbasa
4. Asimilasyon Hakbang ito ng pagkuha sa mga impormasyon o kaalaman na iuugnay at isasantabi muna pansamantala sa isipan upang muling balikan sa oras ng pangangailangan. 5. Kabilisan/Kabagalan ng Pagbasa tumutukoy sa panahon o oras ng isang mambabasa. Ipinaliliwanag dito, ang kabilisan o kabagalan ng isang mambabasa taglay ang layunin at dahilan niya sa pagbasa, pagpapalawak ng vokabularyo, at marami pang iba,at higit sa lahat ang ginagamit na wika.
17
6. Kasanayan at Kaugalian sa Pag-aaral
Ipinapaliwanag dito, na ang kasanayan at kaugalian sa pagbabasa ay nakasalalay sa isang mahusay na atityud o sistema ng pagbabasa ng isang indibidwal.
18
Mga Dapat Tandaan Tungo Sa Mabisang Pagbasa
1. Pumili ng lugar na makakaramdam ng komportabilidad. 2. Tiyakin na walang hadlang ang lugar na pinili. 3. Iwasang magbasa sa lugar na sobrang komportable. 4. Alamin ang oras kung saan alerto ang isipan. 5. Tiyakin na laging may oras sa pagbabasa. Gawin itong habit kung maaari.
19
6. Laging isaisip ang layunin kung bakit nagbabasa upang lalong tumaas ang motibasyon sa pagbasa. 7. Magkaroon ng barayti ng babasahin upang hindi ito kasawaan. 8. Ang diretsong tatlong oras na pagbasa ay mainam. Subalit, matapos ang tatlong oras, maglaan ng dalawampung minutong break. Sabi nga sa Ingles, breaking the monotony.
20
9. Sa tuwing nagbabasa, iwasan ang paghawak sa susunod na pahina ng binabasa. Nagbubunsod ito ng pagmamadali sa pagbabasa na maaring magresulta sa mababang antas ng komprehensyon. Nagtataglay ito ng epektong sikolohikal. 10. Laging tandaaan, mataas ang posibilidad na kaunti lamang ang maunawaan sa tuwing binibilisan ang pagbabasa kung ihahambing sa mabagal na magbasa at pilit na inuunawa ang binabasa.
21
11. Iwasan ding bilangin o tingnan kung gaano karami ang pahinang babasahin. Nagdudulot din ito ng hindi magandang saloobin tungo sa mabisang pagbasa.
22
12. Para sa mga magbabasa nang tahimik, siguraduhing iwasan ang sumusunod:
a. Lipping Madalas na paggalaw na labi na kung minsan ay nagiging hadlang sa mabisang pagbasa. Upang maiwasan ito, kumuha ng bolpen o lapis at itapat ito sa iyong labi sa paraang horizontal. Gawin ito sa loob ng isa hanggang dalawang linggo hanggang sa tuluyan na itong maalis.
23
b. Tongue – Warbling Madalas na paglalaro ng dila sa loob ng bibig na nagdudulot ng tunog at nagsisilbing hadlang din sa mabisang pagbasa. c. Jawing Madalas na paglalaro naman ito ng panga dulot din ay hadlang
24
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.