Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Pamamahala ng pagbibigay ng Sustansiya sa palay

Similar presentations


Presentation on theme: "Pamamahala ng pagbibigay ng Sustansiya sa palay"— Presentation transcript:

1 Pamamahala ng pagbibigay ng Sustansiya sa palay
Key Check 5: Sapat na sustansiya mula pagsusuwi hanggang maagang paglilihi at pamumulaklak Unang Bahagi: Pag-unawa sa Sistemang Palay Check

2 Ang Katotohanan tungkol sa Sustansiya
Ang sustansiya ay kailangan ng halaman para lumaki. Ang tamang pamamahala ng sustansiya ay nakabubuti sa paglaki ng halaman at pagbunga. Ang palay ay lumalaki at mas tinatalaban ng abono kapag maraming natatanggap na init ng araw. Sa lahat ng mga elementong sustansiya, ang palay ay nangangailangan ng mas maraming nitroheno o N, phosphorus o P, Potasyo, zinc o Zn, at sulfur o S.

3 Kakaunting suplay ng sustansiya
Bakit kailangan ng palay ang mga abono? Ang mga sustansiya mula sa abono ay pandagdag sa mga kulang na sustansiya ng lupa. Klima Di- organikong abono N-P-K Kakaunting suplay ng sustansiya Lupa Organikong abono Mga nabulok na halaman Tubig-irigasyon

4 Mas maraming uhay, mas maraming butil
Sapat na sustansiya magmula sa pagsusuwi hanggang sa paglilihi ng palay at pamumulaklak ay nagbibigay katiyakan sa maganda at pare-parehas na paglaki, pag-uuhay, at pagkamit ng pinakamataas na ani na kaya ng barayti Ang sustansiya ay kailangan para magkaroon ng maraming suwi, uhay, at butil na may laman Mas maraming uhay, mas maraming butil Mataas na ani mula sa maraming suwi at uhay Para sa sabay-sabay na paggulang

5 Pagtataya ng Key Check 5 Naglagay ng patabang Nitroheno sa panahon ng pagsusuwi hanggang sa paglilihi at pamumulaklak kung ang basa sa leaf color chart (LCC) ay mababa sa 4 para lipat- tanim at mababa sa 3 para sa direct wet-seeded rice. urea DS = 1.5 bag/ha urea WS = 1 bag/ha

6 Bilang ng mga tundos/m²
Pagtataya ng Key Check 5 Para sa lipat-tanim na palay Nagkauhay ng hindi bababa sa 300 uhay/m2 sa panahon ng pamumulaklak. Pumili ng 10 tundos na magkakahiwalay na nakahiris (diagonal) sa bukid at bilangin ang mga uhay. Bilangin kung ilan ang uhay/m2. Uhay/m² = Kabuuang bilang ng uhay 10 tundos x Bilang ng mga tundos/m² =

7 Karaniwang bilang ng uhay
Pagtataya ng Key Check 5 Para sa direct wet-seeded rice Nagkauhay ng hindi bababa sa 350 uhay/m2 sa panahon ng pamumulaklak. Gumamit ng 0.5 m x 0.5 metro kuwadrado (0.25 m2). Pumili ng 3 magkakahiwalay na lugar na di bababa sa 1 metro ang layo mula sa pilapil at nakahiris sa bukid. Bilangin ang uhay sa bawat kuwadrado at kunin ang karaniwang bilang. Kwentahin ang bilang ng uhay/m². Bilang ng uhay/m2 = Karaniwang bilang ng uhay 0.25 m2 tundos

8 Paano makakamit ang Key Check 5?

9

10 1 Paano makakamit ang KEY CHECK 5?
Alamin at pamahalaan ang mga kailangang sustansiya ng inyong palayan ayon sa nakalap na impormasyon at pangangailangang sustansiya at napagdesisyunan na gagamiting abono. Leaf Color Chart Minus-One Element Technique Nutrient Omission Plot

11 Minus-One Element Technique
Eksperimento gamit ang paso para masukat ang kulang na sustansiya sa lupa. Leaf Color Chart Kasangkapan para makita ang kalagayan ng Nitroheno sa palay. Nutrient Omission Plot Paraan upang matantiya ang kakulangan ng suplay ng sustansiya para mapagbasehan ng irerekomendang abono na gagamitin.

12 Bago! Bago! Nutrient Manager for Rice
computer-based decision tool software -nagbibigay ng tiyak na alituntunin sa pangangasiwa ng sustansiya para sa palay.

13 Isaalang-alang ito! Bukod sa kakulangan sa sustansiya, isaalang-alang din ang mga sustansiyang nagsisilbing lason sa pagdi-desisyon kung anong sustansiya ang dapat gamitin. Ang pagkalason ay nangyayari kapag ang mineral ay nasa anyong makakapinsala sa mga halaman. Ang mga bulate (parasitiko) ay naninirahan sa bituka ng tao gaano man kalinis at kalusog ang isang tao.

14 Pagkalason Sa Kalawang (Iron)
Ang Iron o kalawang ay natural o likas na nasa lupa. Kailangan ng mga halaman ang Iron. Subalit ang iron ay pwedeng makapaminsala sa mga bukirin na palagiang lubog sa tubig. May maliliit na tuldok sa gawing ibaba ng dahon, kung saan ang tuldok ay nag-uumpisa sa dulo ng dahon. Ito ay maaari ring may manilawnilaw-kahel hanggang kayumangging kulay. IRRI Anong dapat gawin? Iwasan ang palagiang pagkalubog sa tubig ng mga lupang mahirap patuyuan, gawing balanse ang pataba, at patuyuin at bungkalin ang lupa pagkatapos mag-ani upang mawala nang mabilis ang kalawang.

15 Paano makakamit ang KEY CHECK 5?
Alamin at pamahalaan ang mga kailangang sustansiya ng inyong palayan ayon sa nakalap na impormasyon at pangangailangang sustansiya at napagdesisyunan na gagamiting abono. Alamin ang tamang uri at dami ng pataba, at ang tamang panahon sa pag-aabono!

16 Right KAT! Right kind Right amount Right timing
Ang pagbibigay ng wastong sustansiya ay nakakapagpataas ng kinikita at nakakamit ang inaasam na dami ng ani. Right kind Ang sobrang sustansiya ay maaaring magdagdag ng pinsala ng peste. Ang kakulangan sa sustansiya ay maaaring magdulot ng mabagal na paglaki ng punla, mas kakaunting bilang ng suwi, at magaang timbang ng butil. Right amount Ang wala sa panahong paglalagay ng abono ay nakakadagdag sa gastos at nakakapagpabawas ng kakayahang tumanggap ng sustansiya. Right timing

17 NITROHENO Bansot, naninilaw ang mga halaman. Ang matatandang
dahon o buong halaman ay naninilaw na berde.

18 NITROHENO Mga nagagawa ng Nitroheno
Ang Nitroheno (N) ay tumutulong para sa: Mabilis na paglaki ng halaman Mabilis na pagtaas ng halaman at dami ng uhay Pinalalaki ang sukat ng dahon Pinararami ang bilang ng butil sa bawat uhay Malaking porsiyento ang may lamang butil sa bawat uhay Nakapagtaas sa protina ng butil

19 NITROHENO DAMI Ang sobrang nitroheno lalo na sa pagitan ng paglilihi at pamumulaklak ay nakakapagpahapay sa halaman at madaling kapitan ng mga peste. Ang sobrang paglalagay ng Nitroheno ay magastos. Gamitin ang mga resulta ng LCC at Nutrient Manager bilang basehan para matiyak ng ayos ang dami ng ilalagay na nitroheno.

20 NITROHENO Tyempo ng Paglalagay
Gamitin ang LCC kada ika- 7 araw mula 14 DAT o 21 DAS hanggang sa maagang pamumulaklak. Kung S ay isinabog 14 DAT o 21 DAS, ang pagbasa sa LCC ay magsisimula sa 21 DAT o 28 DAS. Tiyakin ang tamang panahon ng paglalagay ng nitroheno sa pamamagitan ng paggamit ng LCC. Kung higit sa 5 sa 10 dahon ay mababa sa 4, magsabog ng 1.5 sakong urea o 3.5 sako ng S tuwing panahon ng tag-ulan. (Gumamit ng ammonium sulfate sa halip na urea kung ang halaman ay kinakikitaan ng kakulangan sa sulfur o kung hindi gumamit ng abonong nagtataglay ng sulfur.

21 NITROHENO Tyempo ng Paglalagay (Basal) pagsusuwi paglilihi
pamumulaklak paghinog Paghahanda ng lupa Organiko punla pagsibol

22 POSPORO Sintomas ng kakulangan: Bansot, matingkad na berdeng dahon na may makitid at may maigsing tirik na mga dahon at kakaunting suwi.

23 POSPORO Mga nagagawa ng Posporo Posporo (P) tumutulong para sa pagdami ng mga suwi, paglago ng ugat, maagang pamumulaklak, at pagkahinog. Ang kakulangan sa posporo ay nagdudulot ng patpating mga puno at bansot o mabagal na paglaki. Ang dami ng dahon, uhay at butil kada uhay ay nababawasan din.

24 POSPORO DAMI Gamitin ang mga resulta ng MOET test at ng Nutrient Manager bilang basehan para sa tamang pag tiyak ng dami ng P na gagamitin.

25 POSPORO Tyempo ng Paglalagay (Basal) punla pagsibol pagsusuwi
pamumulaklak pagkahinog paghahanda ng lupa Organic (Basal) paglilihi

26 POTASYO Sintomas ng kakulangan: Matingkad na berdeng halaman na may manilaw-nilaw na kayumangging kulay sa palibot ng dahon o matingkad na kayumangging batik na unang nakikita sa dulo ng matandang dahon.

27 Mga Nagagawa POTASYO Pinabubuti ng potasyo ang paglago ng ugat at pinalulusog ang halaman at tumutulong para hindi ito humapay. Pinatatatag din nito ang halaman laban sa mga peste at mga sakit. Ang kakulangan sa K ay malimit na hindi napapansin dahil ang mga sintomas ay hindi kaagad lumalabas hanggang sa huling bahagi ng paglaki ng halaman at hindi ito madaling makilala tulad ng sa kakulangan ng nitroheno.

28 ZINC Sintomas ng Kakulangan: Maalikabok na kayumangging
batik sa itaas na bahagi ng dahon ng bansot na halaman na lumilitaw 2-4 linggo pagkatanim.

29 Mga nagagawa ZINC Zinc (Zn) nakakatulong sa pagpapaganda ng punla at sa kabuuang paglago ng halaman. Ang problema sa kakulangan ng Zn ay kailangang isaayos para makamit ang mataas na ani. Sa mga lupang kulang ang zinc, ang NPK ay hindi kayang makapagbigay ng magandang ani maliban na lang kung ang kakulangan sa Zn ay maiwawasto.

30 Mga nagagawa ZINC Zinc (Zn) nakakatulong sa pagpapaganda ng punla at sa kabuuang paglago ng halaman. Ang problema sa kakulangan ng Zn ay kailangang isaayos para makamit ang mataas na ani. Sa mga lupang kulang ang zinc ang NPK ay hindi kayang makapagbigay ng magandang ani maliban na lang kung ang kakulangan sa Zn ay maiwawasto.

31 ZINC Dami Maglagay ng 25 kg zinc sulfate kada ektarya sa 14 araw pagkatapos maglipat-tanim minsan sa isang taon tuwing tag-araw. Gamitin ang mga resulta ng MOET test at ng Nutrient Manager bilang basehan para sa tamang pag tiyak ng dami ng Zn na gagamitin.

32 ZINC 14 DAT Zinc sulfate TYEMPO NG PAGLALAGAY punla pagsibol pagsusuwi
paglilihi pamumulaklak paghinog Paghahanda ng lupa Organic Zinc sulfate

33 SULFUR Sintomas ng kakulangan: Paninilaw ng mga batang
dahon, kakaunti ang mga suwi, madalang at maigsi ang mga uhay, kakaunti ang mga butil at atrasado ang paggulang.

34 Mga Nagagawa SULFUR Sulfur (S) tumutulong upang maging pare-pareho ang paggulang ng palay.

35 SULFUR DAMI Ang dami ng sulfur sa S (12% sulfur) bilang inirekomenda para maisaayos ang mga kakulangan sa posporo at potasyo ay sapat para maiwasto ang karaniwang kakulangan sa sulfur. Gamitin ang mga resulta ng MOET test at ng Nutrient Manager bilang basehan para sa tamang pag tiyak ng dami ng S na gagamitin.

36 TYEMPO NANG PAGLALAGAY
SULFUR Gumamit ng S bilang basal o topdress S (ammonium sulfate) sa halip na urea. Gumamit ng 3.5 sako ng ammonium sulfate kada ektarya sa panahon ng tag-araw at 2 sako ng ammonium sulfate kada ektarya sa panahon ng tag-ulan.

37 SULFUR TYEMPO NANG PAGLALAGAY punla pagsibol pagsusuwi Paglilihi
pamumulaklak paghinog Paghahanda ng lupa Organic

38 Sa Kabuuan… K Alamin ang tamang KIND o uri ng sustansiya na kailangan ng inyong halaman. Gamitin ang pagtaya sa sustansiya at decision-support tools para magabayan ka sa tamang abono na gagamitin. A Alamin ang tamang AMOUNT o dami ng abonong gagamitin. Ang sobra o kulang ay hindi mabuti. Alamin ang tamang TIMING sa paglalagay ng abono para malaki ang masulit sa ginastos sa abono at maraming sustansiya ang mapakinabangan ng halaman. T

39 Mga Isinagawa RESULTA PAKINABANG Ginamit ang tamang abono
Ginamit ang tamang dami ng abono Ginamit ang abono sa tamang panahon RESULTA Nagamit ang sapat na sustansiya sa panahon ng pagsusuwi hanggang sa maagang paglilihi at pamumulaklak PAKINABANG Magandang Ani

40 Magbalik Aral Tayo! Nitroheno Posporo Potasyum Zinc Sulfur punla
pagsibol pagsusuwi paglilihi pamumulaklak paghinog

41 Matching game N def Fe toxicity S def Zn def K def P def N def P def
While the answers are hidden, you can ask a volunteer from the participants to match the words below to the pictures. Zn def K def P def N def P def K def S def Zn def Fe toxicity 41

42 Pamamahala ng pagbibigay Sustansiya sa palay
Key Check 5: Sapat na sustansiya mula pagsusuwi hanggang sa maagang paglilihi at pamumulaklak

43 CREDITS Instructional presentation designer: Ms. Ev Parac Sources of technical content/reviewers of presentation: Mr. Wilfredo Collado; Mr. Efren Laureles, IRRI; Mrs. Constancia Mangao and Mrs. Pelagia Orpia, BSWM Note: Adapted from powerpoint presentations developed by: Ms. Evelyn F. Javier, Mr. Salvador Yabes; Engr. Eugenio Castro, IRRI; Dr. Manny Regalado You may use, remix, tweak, For more information, visit: & build upon this presentation non-commercially. However, always use with acknowledgment. Unless otherwise stated, the names listed are PhilRice staffers. Produced in 2011. Text: 43


Download ppt "Pamamahala ng pagbibigay ng Sustansiya sa palay"

Similar presentations


Ads by Google