Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
1
Alam mo bang may KARAPATAN din ang mga BATA?
Ito ay makikita natin sa United Nations Conventions of the Rights of the Child or UN CRC Ibig sabihin ay aalagaan tayo ng Gobyerno natin
2
Ano ba ang mga karapatan natin na kasama sa UN CRC?
APAT NA PRINSIPYO ANG NILALAMAN NG UN CRC: 1) PAGKAKAPANTAY-PANTAY (article 2 ) 2) KAPAKANAN NG MGA BATA (article 3) 3) PROTEKSYON AT PAG-UNLAD NG MGA BATA (article 6) 4) PAKIKILAHOK (article 12)
3
Anong ibig sabihin ng pagkapantay-pantay?
Ang karapatan ng mga bata ay para sa lahat – kahit ano pa ng kulay, relihiyon, paniniwala, katayuan sa buhay, lahi, kapansanan, ari-arian, at iba pa. Ibig sabihin, di tayo pwedeng apihin kahit sino man, kahit kapwa nating kabataan. At tayo rin ay kailangang gumalang sa ating kapwa, kasama na ang ating mga guro, magulang, kaibigan.
4
Anong ibig sabihin ng Kapakanan ng Bata?
Sa lahat ng bagay ukol sa mga bata tulad ng desisyon ng korte, magulang, nag aalaga sa mga bata, kailangang isipin at isa alang alang lagi ang kapakanan o ang higit na makakabuti sa mga bata.
5
Ano ang ibig sabihin ng Proteksyon at Pag-unlad mg mga bata?
Karapatan ng bata na mabigyan ng proteksyon mula pa sa sinapupunan ng nanay hanggang sa paglaki. Tayo ay may karapatang umunlad sa pamamagitan ng edukasyon, mabuting kalusugan, buhay espiritwal, moral, kultura at sports
6
Mabuhay, magkaroon ng pangalan at nasyonalidad
Ano ang mga halimbawa ng mga karapatan ng bata?
7
Magkaroon ng pamilyang magmamahal at kakalinga
8
Mamuhay sa isang tahimik at kaayaayang kapaligiran
9
Magkaroon ng sapat na pagkain at malusog at masiglang pangangatawan
10
Mabigyan ng magandang edukasyon at mapaunlad ang potensyal
11
Bigyan ng mga pagkakataon upang maglaro at maglibang
12
Proteksyon mula sa pang-aabuso, pagsasamantala, kapabayaan, karahasan, at panganib
13
Ipangtanggol at bigyan ng tulong ng pamahalaan
14
Malayang magpahayag ng pananaw
Similar presentations
© 2024 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.