Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
1
Kataga ng Buhay Disyembre 2010 1
2
"Walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos."(Lc 1:37)
3
Nang ipinahayag ng anghel kay Maria ang paglilihi niya kay Jesus, Siya ay nagtanong, “Paano ito mangyayari?” Tumugon ang anghel, “Walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.” At upang pagtibayin ito, ibinigay niya ang halimbawa ni Elisabet na sa kanyang katandaan ay naglihi pa. Si Maria ay nanalig at Siya ay naging Ina ng Panginoon.
4
Ang Diyos ay makapangyarihan at malimit Siyang tawagin sa ganitong pangalan sa Banal na Kasulatan. Nagpapahayag ito ng Kanyang kapangyarihan sa pagbabasbas, paghuhusga, paggabay sa mga pangyayari, at pagtupad ng Kanyang mga plano.
5
May isa lamang hangganan ang kapangyarihan ng Diyos: ang kalayaan na ibinigay Niya sa tao. Ang tao ay maaaring sumalungat sa kalooban ng Diyos at maging mahina, o piliin ang landas kung saan siya tinawag at makibahagi sa kapangyarihan ng Diyos.
6
"Walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.”
7
Ang mga salitang ito ay nag-aanyaya sa atin na ganap na magtiwala sa pag-ibig ng Diyos Ama. Kung may Diyos at Siya ay Pag-ibig, makatwiran na ganap tayong magtiwala sa Kanya.
8
Nasa Kanyang kapangyarihan ang lahat ng biyaya – makalupa at espiritwal, posible at hindi posible. Ibinibigay Niya ito sa lahat ng humihingi at hindi, dahil tulad ng nakasulat sa Ebanghelyo, “pinasisikat ng Ama ang araw sa masasama at sa mabubuti”. Inaasahan Niya na kumilos tayo tulad Niya, mahalin ang lahat at manalig na:
9
"Walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.”
Paano natin ito isasabuhay?
10
Lahat tayo ay nahaharap sa mahirap o masakit na kalagayan, sa ating personal na buhay o ugnayan sa ibang tao.
11
Kung minsan, pakiramdam natin ay wala tayong lakas dahil nauunawaan natin na nakakapit tayo sa mga bagay o tao na umaalipin sa atin at nais nating makalaya dito.
12
Malimit din ay nahaharap tayo sa mga pagwawalang-bahala o pagiging makasarili at humihina ang ating loob dahil sa mga pangyayari na tila hindi natin kayang harapin.
13
Sa mga ganitong pagkakataon tayo matutulungan nitong Kataga ng Buhay
Sa mga ganitong pagkakataon tayo matutulungan nitong Kataga ng Buhay. Nais ni Jesus na maranasan natin ang ating sariling hangganan hindi upang panghinaan tayo ng loob, bagkus ay tulungan tayong maunawaan na “walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.”
14
Nais Niya tayong ihanda na maranasan ang di-pangkaraniwang lakas ng Kanyang biyaya na makikita lalo’t higit kung hindi natin kayang kumilos mag-isa.
15
"Walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.”
16
Kung tatandaan natin itong kataga ng Diyos sa mahihirap na sandali, mararanasan natin ang taglay nitong lakas dahil nakikibahagi tayo sa kapangyarihan ng Diyos.
17
Ngunit may isang kondisyon: tupdin natin ang kalooban ng Diyos at ipakita natin sa iba ang pag-ibig na inilagay Niya sa ating puso. Sa ganoong paraan, katugma tayo ng makapangyarihang pag-ibig ng Diyos para sa lahat. Sa Kanyang pag-ibig, lahat ay mapangyayari at magaganap ang Kanyang plano para sa bawat tao at sa sangkatauhan.
18
May natatanging sandali na maaari nating isabuhay itong Kataga at maranasan ang lahat nitong bunga: sa panalangin. Sinabi ni Jesus na ipagkakaloob Niya ang anumang ating hilingin sa Ama sa Kanyang ngalan.
19
Hilingin natin sa Kanya ang pinakamahalagang bagay para sa atin ngayon, sa paniniwala na kaya Niyang gawin ang lahat: kalutasan sa matitinding problema, kapayapaan sa mundo, gamot sa malulubhang sakit, pagkakasundo at pagkakaisa sa pamilya at lipunan.
20
Bukod dito, kung sama-sama natin itong hihilingin na may ganap na pagkakaisa at pagmamahalan, si Jesus mismo sa ating piling ang hihiling nito sa Ama, at tulad ng Kanyang pangako, ito ay ating makakamtan.
21
Isang araw, taglay ang pananalig sa kapangyarihan at pag-ibig ng Diyos, ipinagdasal namin ang isang kaibigan na may tumor. Ipinagdasal namin na sa susunod na x-ray ay mawala na ang tumor. At ganoon nga ang nangyari.
22
Dapat tayong magkaroon lagi ng walang-hanggang pagtitiwala na tayo ay nasa bisig ng Ama na kayang gawin ang lahat. Hindi ito nangangahulugan na lagi nating makakamtan ang anumang hilingin natin.
23
Ang kapangyarihan ng Diyos ay lakas ng isang Ama, at ginagamit Niya ito para lamang sa kabutihan ng Kanyang mga anak, maunawaan man nila ito o hindi. Ang mahalaga ay manalig tayo na walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos. At mararanasan natin ang isang kapayapaan na hindi pa natin alam.
24
"Walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos."(Lc 1:37)
Sinulat ni Chiara Lubich
Similar presentations
© 2024 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.