Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
1
Ang Ebanghelyo mula sa Patmos
Liksyon 1 para sa ika-5 ng Enero, 2019
2
Pambungad. Apocalipsis 1:1-8.
Ang aklat ng Apocalipsis ay koleksyon ng mga pangitain ni Juan noong pagkaulong nya sa isla ng Patmos, sa Aegean Sea na malapit sa Turkey. Kailangang maunawaan natin ang balangkas ng Apocalipsis upang maunawaan natin na maayos ang mga propesiya dito. Turkey Patmos Greece Ang ating pag-unawa sa Apocalipsis ay ibabatay sa susunod na balangkas: 1 Pambungad. Apocalipsis 1:1-8. Tala ng propesiya ng kasaysayan ng Iglesia, gamit ang mga iglesia sa panahon ni Juan. Apocalipsis 1:9 - 3:22. Mas detalyadong tala ng kasaysayan ng Iglesia. Apocalipsis 4:1 - 11:19. Ang Dakilang Tunggalian mula sa panahon bago dumating si Jesus sa unang pagkakataon hanggang sa Ikalawang Pagdating. Apocalipsis 12:1 - 19:21. Mga pangyayari bago ang Ikalawang Pagparito. Apocalipsis 20:1 - 22:5. Pasya. Apocalipsis 22:6-21. 2 3 4 5 6
3
Ang Pahayag Apocalipsis 1:1-3
Sino: Kristo Jesus. 1:1a Bakit: Para ipahayag ang hinaharap. 1:1b Paano: sa paggamit ng mga simbolo. 1:1c Pakinabang: upang maging mapalad. 1:3 Pagbati mula sa may akda: Dios. Apocalipsis 1:4-6 Pangunahing Tema: Ikalawang Pagparito. Apocalipsis 1:7-8 Sa dulo ng unang siglo, sinulat ni Juan kung ano ang ipinakita sa kanya. Siya ang huling apostol na buhay. Ang layunin, akda, at tema ng aklat ay ipinaliwanag sa pambungad.
4
“ANG APOCALIPSIS NI JESUCRISTO”
(Apocalipsis 1:1a) Ang pamagat ng aklat na—Apocalipsis— ay salin ng unang salita sa wikang Griego: apokalupsis (ibig sabihin ay “ipakita”, “tuklasin”, “ihayag”) Sa Apocalipsis, ipinapahayag ni Jesus ang Kanyang sarili at ipinapakita ang hinaharap. Naroon sa buong aklat si Jesus bilang pangunahing tauhan. Ang Apocalipsis ay kadugtong ng mga aklat ng Gospel, dahil sinasaad dito ang mga pangyayari mula sa Pag-akyat sa Langit. Ang mga simbolo sa sanctuaryo ay ginamit upang ipaliwanag ang gawain ng pamamagitan ni Jesus alang alang sa atin doon sa Sanctuaryo sa Langit.
5
“ANG MGA BAGAY NA NARARAPAT MANGYARING MADALI”
Apocalipsis 1:1b Ano ang ipinahayag ng Dios sa Apocalipsis? Ang mga pangyayari mula sa panahon ni Juan hanggang sa Bagong Lupa. Bakit? Upang maunawaan natin na hawak ng Dios ang lahat ng pangyayari dito sa mundo. Upang masiguro natin na makakasama natin Siya magpakailanman, kahit sa kahirapan. Upang mahanda tayo sa Kanyang Pagdating. Upang sundin natin Siya dahil sa Kanya tayo umaasa. Upang manampalataya tayo. “At ngayon ay sinabi ko sa inyo bago mangyari, upang, kung ito'y mangyari, ay magsisampalataya kayo.” (Juan 14:29)
6
Ang dalawang punong olibo (Zec. 4)
SIMBOLO, SIMBOLO, SIMBOLO “[…] at kaniyang ipinadala at ipinaalam sa pamamagitan ng kaniyang anghel sa kaniyang alipin na si Juan..” (Apocalipsis 1:1) Ang Griegong salita na sinalin na “ipinaalam”—sēmainō—ay ibig sabihing “upang ipaliwanag ng may simbolo.” Ano ang kasama doon? Kung pag-aaralan natin ang Biblia, hanapin dapat natin ang literal na kahulugan ng talata, maliban kung may pakahulugan dito. Sa Apocalipsis, hahanapin natin ang pakahulugan, maliban kung may malinaw na literal na kahulugan. Ang dalawang saksi (Rev. 11) Ang dalawang punong olibo (Zec. 4) Ang mga simbolo sa Apocalipsis ay kumakatawan sa mga tunay na pangyayari sa kasaysayan o sa hinaharap. Kalimitan sa kanila ay simbolo sa Lumang Tipan, kaya dapat nating pag-aralan ng tama ang Lumang Tipan.
7
E.G.W. (The Acts of the Apostles, cp. 57, p. 582)
“In figures and symbols, subjects of vast importance were presented to John, which he was to record, that the people of God living in his age and in future ages might have an intelligent understanding of the perils and conflicts before them.”
8
PINAGPALA Pagbasa Pagdinig Pag-ingat
“Mapalad ang bumabasa, at ang nangakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon: sapagka't ang panaho'y malapit na.” (Apocalipsis 1:3) Ang Apocalipsis ay isang liham. Kung tumatanggap ng liham ang local na iglesia sa panahong iyon, binabasa ito sa harap ng mga kapatiran. Lahat ay matamang nakikinig dito. Ang una sa pitong pagpapala sa Apocalipsis ay bumibilang sa tatlong aspeto ng buhay Kristiano: Pagbasa Pagbahagi ng Pahayag ni Jesu Kristo. Pagdinig Pag-aaral sa Pahayag ni Jesu Kristo. Pag-ingat Pagsunod sa mga aral sa Pahayag ni Jesu Kristo.
9
PAGBATI MULA SA MAY AKDA
“Biyaya ang sumainyo nawa, at kapayapaang mula doon sa kaniya na ngayon, at nang nakaraan at darating; at mula sa pitong Espiritu na nasa harapan ng kaniyang luklukan; At mula kay Jesucristo na siyang saksing tapat.” (Apocalipsis 1:4-5) Binahagi ni Juan ang paghangad sa biyaya at kapayapan ng tunay na may akda ng liham, gaya ng ginawa ni Pablo at Pedro sa kanilang mga pagbati (Ro. 1:7; Eph. 1:2, 1P. 1:2): ANG AMA: “At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA” (Exodu 3:14) ANG BANAL NA ESPIRITU: “Ang pitong mga Espiritu” (Isaias 11:2-3; Zacarias 1:11) ANG ANAK: “JesuCristo” Propeta (“ang tapat na saksi”) Saserdote (“ang panganay sa mga namatay” na “naghugas sa ating mga kasalanan”) Hari (ang tagapamahala sa lahat ng hari sa lupa”) Tinapos ni Juan ang kanyang pagbati sa pag-alala sa gawain ni Jesus. Mahal Niya tayo, Tinubod Niya tayo, at ginawa Niya tayong mga hari at mga saserdoteng kasama Niya.
10
THE MAIN THEME “Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa.” (Apocalipsis 1:7) Si Jesus ay dumarating sa alapaap (Mateo 24:30). Makikita natin Siyang dumarating, parehong makikita ng mga nabuhay at mga hindi namatay (Daniel 12:2). Iyong mga tumusok sa Kanya ay ipagtatangis Siya (Zacarias 12:10) Si Jesus ay muling darating na personal, maluwalhati, at marangya. Iyon ang pangyayaring hinaharap natin. Ang Ikalawang Pagparito ni Jesus ay laging nakatala sa aklat ng Apocalipsis. Magdadala Siya ng kalayaan sa mga naghihintay sa Kanya, at hatol sa mga tumakwil sa Kanya. Tiniyak ni Juan ang kasiguruhan ng Ikalawang Pagdating sa paggamit ng dalawang mga kataga: “Totoo” [nai (gr.), amén (heb.)].
11
“When the books of Daniel and Revelation are better understood, believers will have an entirely different religious experience. They will be given such glimpses of the open gates of heaven that heart and mind will be impressed with the character that all must develop in order to realize the blessedness which is to be the reward of the pure in heart. The Lord will bless all who will seek humbly and meekly to understand that which is revealed in the Revelation. This book contains so much that is large with immortality and full of glory that all who read and search it earnestly receive the blessing to those ‘that hear the words of this prophecy, and keep those things which are written therein.’” E.G.W. (Testimonies to Ministers and Gospel Workers, cp. 11, p. 114)
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.