Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
Published byEmilia Macías Aguilera Modified over 5 years ago
1
Kataga ng Buhay Abril 2008 Ciao Chiara
2
“Ang katarunga’y magdudulot ng kapayapaan, ang katuwiran ay magbubunga ng katahimikan at kapanatagan.” (Is 32:17)
3
“Minsan pang ibubuhos sa atin ang Espiritu
“Minsan pang ibubuhos sa atin ang Espiritu. Kung magkagayon, ang ilang ay magiging matabang lupa at ang bukirin ay pag-aanihan nang sagana.” Ito ang simula ng talata na pinagkunan ng Kataga ng Buhay sa buwang ito.
4
Ipinahayag ni Propeta Isaias noong ikalawang bahagi ng ika-8 siglo bago kay Kristo ang hinaharap na punò ng pag-asa para sa sangkatauhan, halos isang bagong paglikha, isang bagong “hardin” na pinaghaharian ng katuwiran at katarungan, may kakayahang magbigay ng kapayapaan at kapanatagan.
5
Ang bagong panahon ng kapayapaan (shalom) ay gawa ng Banal na Espiritu, ang lakas ng buhay na nagpapanibago ng sangnilikha. Magaganap ito sa pamamagitan ng paggalang sa kasunduan na ginawa ng Diyos at ng Kanyang Bayan at sa pagitan ng mga tao ng Bayang ito, dahil hindi maaaring paghiwalayin ang ugnayan ng Diyos at ng sambayanan.
6
“Ang katarunga’y magdudulot ng kapayapaan, ang katuwiran ay magbubunga ng katahimikan at kapanatagan.”
7
Ang mga salita ni Isaias ay panawagang muli sa matapat at tunay na pananagutan sa pagsunod sa mga alituntunin ng lipunan. Nakakatulong ang mga tuntuning ito na iwasan ang pagiging makasarili at bulag na paghuhusga. Itinataguyod nito ang magandang ugnayan at pagtutulungan na tungo sa panlahat na kabutihan.
8
Posible bang mamuhay ayon sa katarungan at katuwiran?
Oo, ang mahalaga ay kilalanin natin ang lahat ng tao bilang mga kapatid, at tingnan ang sangkatauhan bilang isang pamilya, sa espiritu ng pangkalahatang kapatiran.
9
Paano natin ito magagawa kung wala ang presensya ng Ama ng lahat?
Inilagay na Niya sa puso at katauhan ng bawat tao ang tinatawag na pangkalahatang kapatiran. Sa katunayan, ang pangunahing kalooban ng Ama ay magturingan ang Kanyang mga anak bilang magkakapatid at magmahalan sila.
10
Kaya’t ang tangi at pinakamahusay na Anak ng Ama, ang Kapatid ng bawat tao, ay naparito sa lupa at iniwan sa atin ang pagmamahalan bilang panuntunan ng buhay-panlipunan.
11
Ang paggalang sa mga batas ng sama-samang pamumuhay at ang pagtupad sa tungkulin ay isang pagpapahayag ng pag-ibig. Ang pag-ibig ang sukdulang pamantayan ng bawat pagkilos. Binibigyang-buhay nito ang tunay na katarungan at kapayapaan.
12
Kailangan ng mga bansa ng mga batas na higit na angkop sa mga pangangailangan ng buhay panlipunan at pangdaigdigan. Higit sa lahat, ito ay nangangailangan ng mga tao na namumuhay ayon sa pag-ibig. Ang pamantayang ito ay katarungan, at sa pamantayang ito lamang nagkakaroon ng halaga ang mga batas.
13
“Ang katarunga’y magdudulot ng kapayapaan, ang katuwiran ay magbubunga ng katahimikan at kapanatagan.”
14
Paano natin isasabuhay ang Kataga ng Buhay sa buwang ito?
15
Higit nating ituon ang sarili sa ating mga tungkuling pang-propesyonal, sa etika, katapatan, at pagsunod sa batas.
16
Kilalanin natin ang kapwa bilang bahagi ng iisang pamilya na naghihintay ng ating pagsasa-alang-alang, paggalang at pakikiisa.
17
Kung ang ating ugnayan sa kapwa ay nakabatay sa patuloy na pagmamahalan (na una at higit sa lahat ng bagay) bilang ganap na pagpapahayag ng ating pag-ibig sa Diyos, ang ating katarungan ay magiging kalugod-lugod sa Diyos.
18
“Ang katarunga’y magdudulot ng kapayapaan, ang katuwiran ay magbubunga ng katahimikan at kapanatagan.”
19
Dahil nais ng isang pulis sa timog Italya na makibahagi sa higit na nangangailangan sa kanilang bayan, nagpasya ang buo niyang pamilya na manirahan sa isang bagong purok na hindi pa maayos ang daan, walang ilaw, tubig, sasakyang pampubliko at mga pangunahing pangangailangang panlipunan.
20
Nagkwento siya, “Sinikap naming bumuo ng malalim na ugnayan sa bawat pamilya at kapitbahay sa purok na iyon. Kinilala namin at nakipag-usap kami sa isa’t isa upang maging tulay sa pagitan ng mamamayan at nangangasiwa. Sa pamamagitan ng nabuong lupon para sa layuning ito, unti-unting naging aktibo at pangunahing tagakilos ang tatlong libong naninirahan doon.
21
“Nakatanggap kami mula sa pondong pampubliko para sa pagpapaayos ng purok. Ngayon isa na itong huwarang purok. Mayroon ding mga gawain para sa paghuhubog ng mga kinatawan mula sa mga iba pang lupon ng buong bayan.”
22
“Ang katarunga’y magdudulot ng kapayapaan, ang katuwiran ay magbubunga ng katahimikan at kapanatagan.” Sinulat ni Chiara Lubich
Similar presentations
© 2024 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.