Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

PAGKAKAISA SA PANANAMPALATAYA

Similar presentations


Presentation on theme: "PAGKAKAISA SA PANANAMPALATAYA"— Presentation transcript:

1 PAGKAKAISA SA PANANAMPALATAYA
Liksyon 8 para sa ika-24 ng Nobyembre, 2018

2 Ang Walang hanggang Pabalita Ikalawang Pagparito ni Kristo
Ang pakikibahagi ng kaparehong doktrina ay isang sangkap na nagbibigkis (Gawa 2:42). Maaari tayong magkaroon ng iba-ibang paniniwala sa mga hindi mahahalagang bagay. Ngunit ang pagkakaroon ng parehong pangunahing paniniwala ay nagbibigay ng pagkakaisa sa mga mananampalataya sa buong mundo. Maraming kaparehong doktrina ang Adventist Church sa ibang mga Kristianong iglesia. Ngunit, naniniwala tayo sa mga natatanging doktrina kaya matuturing tayong naiiba. Ang Walang hanggang Pabalita Ikalawang Pagparito ni Kristo Ang Santuaryo sa Langit Ang Sabado Ang Kalagayan ng Namatay

3 ANG WALANG HANGGANG PABALITA Ano ang walang hanggang pabalita?
“At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa't bansa at angkan at wika at bayan.” (Apocalipsis 14:6) Ano ang walang hanggang pabalita? Magandang balita, na pinagkasundo tayo ni Jesus sa Dios sa Kanyang kamatayan. Tinatawag itong atonement. Sa ganitong paraan, napapatawad tayo at napapawalang-sala (Roma 3:24-25). Ang luklukan ng awa sa kaban ng tipan ay inilagay sa pagitan ng banal na presensya at ng utos. Si Jesus ang ating luklukan ng awa, ang pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan (1 Juan 2:2; 4:9-10; 1 Pedro 2:21-24). Iyong mga tumanggap kay Jesus ay nagkakaisa sa iisang pananapalataya at iisang misyon: ipangaral ang walang hanggang pabalita.

4 IKALAWANG PAGPARITO NI KRISTO
“Sapagka't ang ating pagkamamamayan ay nasa langit; mula doon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo.” (Filipos 3:20) Naniniwala tayo na babalik si Jesus dito sa Lupa gaya ng ipinangako Niya: Tunay na pagdating gaya ng Kanyang pag-akyat (Gawa 1:11) Makikita ng lahat (Mt.24:26-27; Rev. 1:7) Maririnig (1Co. 15:52) Mabubuhay ang mga patay at mababago ang mga buhay (1Ts. 4:13-18) Di natin alam kung kalian ito mangyayari, pero tinawagan tayo upang maghintay sa Kanya. Darating Siya sa anumang oras (Mt. 24:36; 25:1-13). Ang Ikalawang Pagparito ay nagbibigkis sa atin sa pag-asa habang naghihintay tayong mabuhay ng walang hanggan kasama ang Dios ng pag-ibig at biyaya.

5 ANG SANTUARYO SA LANGIT
“[Si Jesus ay] Ministro sa santuario, at sa tunay na tabernakulo, na itinayo ng Panginoon, hindi ng tao.” (Hebreo 8:2) Ang Biblia ay puno ng mga talata tungkol sa temple o santuaryo sa langit, ang tirahan ng Dios (Awit 11:4; 102:19; Rev. 7:15; 15:5; Heb. 9:24). Ang santuaryo sa lupa at mga serbisyo dito ay makakatulong upang maunawaan natin ang tungkulin ng santuaryo sa langit. Pakay nito na alisin ang kasalanan. Si Jesus ang Punong Saserdote sa santuaryo sa langit. Namamagitan Siya doon para sa atin (Heb. 7:25). Ang Araw ng Paglilinis ay kumakatawan sa paghuhukom na mangyayari sa santuaryo sa langit bago ang Ikalawang Pagparito (na nagsimula noong 1844, tingnan ang Lev. 16; Dan. 8:14). Ang gawain ni Kristo sa santuaryo sa langit ay nagbibigkis sa atin sa pagkilala natin ng patuloy sa awa at biyaya ng Dios.

6 “Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin.” (Exodu 20:8)
ANG SABADO Pinagpala at pinakabanal ng Dios ang Sabado sa Paglalang (Gn. 2:3) Espesyal na panahon ito na itinangi para katagpuin ng Dios ang Kanyang bayan (Lv. 23:3) Sagisag ito ng bayan ng Dios (Eze. 20:20) Ang Sabado ng Lumang Tipan. Ipinangilin ni Jesus ang Sabado at idiniin ang gawaing pampagaling nito (Lk. 13:10-17) Ipinangilin ng mga apostol ang Sabado at nangaral sa mga Hudio at mga Hentil (Gawa 13:44; 16:13) Ang Sabado sa Bagong Tipan Pinapaalala nito ang kalayaan mula sa kasalanan (Dt.5:15) Kinikilala natin ang Dios bilang may-ari ng ating buhay at oras (Ex. 20:8-11) Pinag-iisa tayo nito sa spiritual na kapahingahan kay Kristo (Isa. 58:13-14) Ang Sabado ngayon “Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin.” (Exodu 20:8)

7 ANG KALAGAYAN NG NAMATAY
“Datapuwa't pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat, ‘Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan.’” (1 Corinto 15:54) Hindi tayo magiging imortal kung hindi magapi ang kamatayan. Walang imortal na “kaluluwa” na nabubuhay matapos na tayo ay mamatay. Dios lang ang imortal (1Tim. 6:15-16). Ibibigay Niya ito sa atin sa Ikalawang Pagparito (1Co. 15:50-55; 1Ts. 4:13-18). Sa ngayon, natutulog lang muna tayo sa kamatayan hanggang sa araw na gisingin tayo ng tinig ni Jesus (Ecc. 9:5-6, 10; Awit 146:4; 115:17; Jn. 11:11-15; Jn. 5:28). Ang ating pagkaunawa sa kalagayan ng namatay ay nagbibigkis sa atin sa pagkilala ng ating pagkalimitado at pagdepende sa Dios para sa ating paghinga.

8 “Bagaman may kanya-kanya tayong gawain at responsibilidad sa harap ng Dios, hindi tayo dapat sumunod sa sarili nating desisyon, sa kabila ng mga opinyon at pakiramdam ng kapatiran; sapagkat magdudulot ito ng gulo sa iglesia. Tungkulin ng mga ministro na igalang ang pasya ng kapatiran; ngunit ang kanilang relasyon sa isa’t-isa, pati na rin ang doktrina na itinuturo nila, ay dapat masubukan sa kautusan at patotoo; at kung ang puso ay natuturuan, walang magiging pagkakahati sa atin. Ang iba’y kikiling sa kaguluhan, at malalayo sa mga dakilang palatandaan ng pananampalataya; ngunit gagawa ang Dios sa pamamagitan ng Kanyang mga ministro upang magkaisa sa doktrina at sa epiritu.” E.G.W. (Testimonies to Ministers and Gospel Workers, cp. 3, p. 30)


Download ppt "PAGKAKAISA SA PANANAMPALATAYA"

Similar presentations


Ads by Google