Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
1
Sumasampalataya ako sa Banal na Simbahang Katolika
2
Ang Espiritu Santo, bilang pinagmulan at nagkaloob ng lahat ng kabanalan, ang Siya ring nagkaloob ng kabanalan sa Simbahan. (cf. Gawa 1:1-14)
3
Ang salitang SIMBAHAN Simbahan sa Latin Ecclesia, galing sa Griyegong ekkalein, na ang ibig sabihin, “tinawag mula sa.” Ibig sabihin, pagtitipon – ang pagtitipon ng mga tao. Ang kahalintulad na salita sa Filipino ay, “iglesia.”
4
Ang salitang SIMBAHAN At ang kahalintulad na salita naman sa Griyego ay Kyriake, na kung saan ang salitang englis na “Church at German Kirche” ay galing; ibig sabihin, “bahay ng Diyos.”
5
Ang salitang SIMBAHAN Ang mas malalim na kahulugan nito ay, “kung ano ang para sa Diyos.” Sa Bagong Tipan, ang ibig sabihin ng “ecclesia” ay bago; tunay na Israel…
6
Ang salitang SIMBAHAN Sa paglipas ng panahon, ang salitang “ekklesia” ay nagpapahiwatig ng simbahan na tinatag ni Hesus sa Jerusalem… Ang Jerusalem ang naging “Inang Simbahan.” (Arbp. Legaspi)
7
Sa Kristiyanong pananaw, ang SIMBAHAN ay:
pagtitipon sa pagsamba (liturgical assembly) lokal na komunidad pangkalahatang komunidad ng mananampalataya. (Arbp. Legaspi)
8
SIMBOLO NG SIMBAHAN (CCC # 753-757)
Bilang isang “sheepfold” – tirahan ng tupa na kung saan ang daan ay walang iba kundi si Kristo, ang Mabuting Pastol. (Lumen Gentium # 6)
9
SIMBOLO NG SIMBAHAN Bilang isang “cultivated field” – lupang-sakahan - nakaugat sa mga propeta at patuloy na inaalagaan ni Kristo, “the true vine.” (Lumen Gentium # 6)
10
SIMBOLO NG SIMBAHAN Tinawag rin bilang “building of God.”Ang tahanan ng Diyos, kung saan ang kanyang pamilya ay nagtitipon… (Lumen Gentium # 6)
11
SIMBOLO NG SIMBAHAN Tinawag rin bilang “Ina” – walang-bahid na kabiyak ng walang-bahid na tupa. Sa kanya inihandog ni Kristo ang Kanyang buhay… (cf. CCC # 757)
12
THE FOUR MARKS OF THE CHURCH
1. IISA Ito’y nagpapahayag ng pagkakaisa ng Katawan ni Kristo: Iisang Panginoon, iisang pananampalataya, iisang binyag; iisang Diyos at Ama ng lahat… (Ef. 4:5)
13
ANG PANALANGIN NI HESUS
“Maging iisa sana ang lahat kung paanong nasa akin ka, Ama, at ako’y nasa ‘yo. Mapasaatin din sana sila upang maniwala ang mundo na ikaw ang nagsugo sa akin. Ibinigay ko naman sa kanila ang luwalhating ibinigay mo sa akin upang maging isa sila gaya ng tayo’y iisa: ako sa kanila at ikaw sa akin.” (Juan 17:21-23)
14
THE FOUR MARKS OF THE CHURCH
2. BANAL The word holy means set apart for a special purpose by and for God. Hindi ito nangangahulugan na ang mga kasapi ng Simbahan ay hindi na magkakasala o ang institusyon ng Simbahan.
15
Ang Simbahan ay banal dahil itinatag mismo ito ni Kristo na banal: “… at sa batong ito itatayo ko ang aking Iglesya.” (Mt. 16:18)
16
THE FOUR MARKS OF THE CHURCH
3. KATOLIKO Greek word καθολικός (katholikos) means universal (pangkalahatan). Ang Simbahan bilang katawan ni Kristo ay hindi limitado sa oras, lugar, at kultura. Mt. 28:18-20: Misyong ibinigay ni Kristo sa mga unang alagad.
17
THE FOUR MARKS OF THE CHURCH
4. APOSTOLIKO Ang simula at paniniwala ay nakaugat sa turo ng mga Apostol ni Hesus at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.
18
Dalawang Pamamaraan ng Pag-unawa sa kahulugan ng Simbahan (cf
Dalawang Pamamaraan ng Pag-unawa sa kahulugan ng Simbahan (cf. CCC # ) 1. Looking at the Church from the “outside” (visible Church) 2. Looking at the Church from “inside” (spiritual Church)
19
1. Looking at the Church from the “outside.”
Ito ay kalipunan ng lahat ng mga nabinyagan na pinag-iisa sa pananampalataya sa ilalim ng pamumuno ng Sto. Papa, ang kahalili ni San Pedro. Ito ay tinatawag na “Juridical Church” – Ang Simbahan bilang isang organisasyon sa ilalim ng legal na pagsasama…
20
Ang Simbahan ay kailangang maging konkretong organisasyon kung ninanais nitong matugunan ang layuning magturo, magpabanal, at mangasiwa sa mga nananampalataya.
21
2. Looking at the Church from “inside.”
Ito ay buhay na organismo, buhay na Katawan, si Kristo ang ulo at ang mga nabinyagan ay mga kasapi, at ang Espiritu Santo bilang kaluluwa nito.
22
Ang Simbahan ay Mistikong Katawan ni Kristo
Ang Simbahan ay Mistikong Katawan ni Kristo. Ako ay kasapi ng katawang ito na binigyan ng tungkulin sa bisa ng mga Sakramento.
23
Si Hesus – Ulo ng Simbahan
Itinatag ni Hesus ang Simbahan sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Mabuting Balita, ang pagdating ng Paghahari ng Diyos… (CCC # 763)
24
Sabi ni San Pablo: “Tingnan ninyo: iisa ang katawan at marami ang sangkap nito… Katawan ni Kristo kayo at bawat isa sa inyo ay sangkap nito.” (I Cor. 12:12,27)
25
Ang Espiritu Santo – kaluluwa ng Simbahan
Ang Banal na Espiritu, na ipinagkaloob ni Kristo bilang ulo sa mga kasapi nito, ay nagtatatag, nagbibigay-buhay, at nagpapabanal sa Simbahan… (CCC # 747)
26
Si Sta. Maria at ang Simbahan
Sa pamamagitan ng biyaya at tungkulin ng pagiging Ina, si Sta. Maria ay kaisa ng kanyang Anak, ang Tagapagligtas, sa iisang biyaya at paglilingkod. (Arbp. Legaspi at LG 63)
27
Si Sta. Maria at ang Simbahan
Dahil dito, si Sta. Maria ay may malalim na kaugnayan sa Simbahan. (Lumen Gentium #63)
28
Si Sta. Maria at ang Simbahan
Ang relasyon ng Mahal na Ina kay Hesus ay nagpalakas ng kanyang relasyon sa Simbahan. (Arbp. Legaspi)
29
Si Sta. Maria at ang Simbahan
Sa pamamagitan ng kanyang pagiging Ina ni Hesus, Si Maria ay Ina rin ng mga Kristiyano. (Arbp. Legaspi; cf. LG #61)
30
Si Sta. Maria at ang Simbahan
Noong Nov. 21, 1964, prinoklama ni Pope Paul VI si Sta. Maria bilang Ina ng Simbahan (cf. closing Address: AAS 56)
31
Three Stages of the Church
1. Ang Simbahang Maluwalhati 2. Ang Simbahang Naglalakbay. 3. Ang Simbahang Naghihirap
32
1. Ang Simbahang Maluwalhati
Ito ang makalangit na simbahan… may sapat at tumpak na komunyon sa pag-ibig: komunyon ng tao sa Diyos, at komunyon ng bawat tao kay Hesus. (Arbp. Legaspi)
33
Ang Simbahang maluwalhati ay komunyon ng mga banal at muling nabuhay sa mga patay, i.e., yaong mga walang bahid ng pagkakasala at ang mga nasa estado ng kaluwalhatian. (Arbp. Legaspi)
34
Ngunit may pag-asa ito: pati ang sangkinapal ay ililigtas sa pagkaalipin sa mga puwersa ng kabulukan at makikibahagi sa laya at luwalhati ng mga anak ng Diyos. (Rom. 8:21)
35
2. Ang Simbahang Naglalakbay
Ito ang simbahang patuloy na umuusbong at naglalakbay sa lupa. Umaasa sa pagtatapos ng kaharian… umaasa at nagmimithing makiisa sa kaluwalhatian kasama ang hari.(cf. LG #5)
36
3. Ang Simbahang Naghihirap
Ito ang simbahan sa purgatoryo… ang simbahan na wala na sa lupa at wala pa sa langit, tinatapos ang paglilinis sa kasalanan (purification). (cf. LG #51)
37
Ang katotohanan sa turo ng purgatoryo ay nakapaloob sa ikalawang libro ng Macabeo tungkol sa paghahandog para sa mga patay upang patawarin ang mga ito sa kasalanan. (cf. 12:46 )
38
Ito ang SIMBAHANG ating minamahal
Ito ang SIMBAHANG ating minamahal. Ang unang Simbahang itinatag ni Hesus sa pamumuno ng unang Santo Papa na si Pedro.
39
MARAMING SALAMAT PO!
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.