Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
1
NAPAPANAHONG MGA ISYU EKSISTENSYALISMO
2
KATOTOHANAN batay sa pagkaunawa at pagpili ng isang indibidwal.
“anumang bagay na nais piliin ng isang tao nang buong kalayaan at responsibilidad, para sa kanya, makabuluhan ito at totoo.
3
naiiba dahil ang tao mismo ang pinagmulan nito batay sa kani-kaniyang kasalukuyang sitwasyon, pansariling pananaw, katuturan at pagpapakahulugan sa mga pangyayari.
4
MGA PINAPAHALAGAHAN ang bawat isa ay nagpapasya kung anong mga bagay ang kanyang nararapat pahalagahan. Pagpapahalaga batay sa nararamdaman, naiisip, at pinaniniwalaan ng isang indibidwal.
5
KATANGIAN NG TAO Ang tao ay may kakayahan para sa lahat ng bagay at sa proseso ng pagbibigay-kahulugan sa kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang pagpili at pagkilos. Ang indibidwal ay madaling kausap, at sanay makipagpalagayang loob sa kapwa, malakas makaimpluwensya at madaling maimpluwensyahan.
6
MASAYANG BUHAY pinakamahalagang bagay upang makamit ng bawat indibidwal ang kakayahan at makapamili ng gustong gawin upang maging isang tunay na tao.
7
MATANDANG KAUGALIAN(KULTURA)
Higit na mahalaga at makahulugan para sa isang indibidwal ang kumilos nang naayon sa pinaniniwalaan niya kaysa sa pinaniniwalaan ng nakararami na hindi naman akma sa kanyang kalagayan-walang kamatayang kultura at matandang kaugalian
8
PAGKAMALAYA NG TAO “AKO NGA”-ito ang kabuuan ng isang indibidwal kung saan saklaw ang lahat niyang ‘sulok’ o dimensyon tulad ng pangkaluluwa,pangkaisipan,pangkatawan at pangmoral.
9
PAGKAMALIKHAIN NG TAO Paglikha at pagbibigay-kahulugan o katuturan sa isang bagay bilang pagpupursigi upang maging isang tunay na indibidwal. Pinakamahalagang nagawa ng tao ay ang mapaunlad ang sarili na maging isang tunay na indibidwal.
10
KAKAYAHAN NG TAO Naniniwala ang mga eksistensyalista na may kakayahan ang bawat indibidwal,kakayahan sa kanilang sariling buhay, pag-iisip, pakiramdam, pagpili at pagkilos.
11
KABUTIHANG-ASAL (MORALIDAD)
Pagpapaalala sa bawat isa na magpakatotoo, maging tunay sa sarili, at huwag magkukunwari.
12
PAGPAPASYA Responsibilidad ang ginagamit sa pagpapasiya ng indibidwal sa anumang bagay na kanyang gagawin.
13
PAGMAMAHAL Pagmamahal at pangangalaga sa sarili at ang pagmamalasakit sa pansariling pag-unlad ang pananaw ng mga eksistensyalista tungkol sa pagmamahal.
14
KINABUKASAN Ang buhay sa hinaharap ay nasa kamay ng bawat indibidwal.
Walang sinuman ang maaaring magdikta kung ano ang magiging bukas ng isang tao maliban sa kanyang sarili.
15
LINANG NA SARILI(KULTURA)
Ang indibidwal ay may sarili at natatanging kalinangan sa sarili o kultura na siya lamang ang tanging nagmamay-ari.
16
PAGBABAGO Ang tao ay patuloy na nagbibigay-kahulugan sa kanyang sarili sa pamamagitan ng mga pagpili at pagkilos.
17
MITHIIN NG PAGHUBOG Kailangang tulungan at hubugin ang bata na maging tunay ang kanyang pagkatao.
18
PAKSANG-ARALIN May mga aralin na makahulugan at may kapakinabangan tulad ng halimbawa ng suliranin at kalagayan ng tao na dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa ibang aralin na malayo a karanasan at kalagayan ng isang indibidwal.
19
KAALAMAN Kaniya-kaniya batay sa pangangailangan, karanasan, at kalagayan ng isang indibidwal.
20
TUNGKULIN NG GURO Dapat magpamalas ng tunay na pagkatao sa kanyang mga mag-aaral habang patuloy nitong tinutuklas, sinusuri at kinikilala ng mabuti ang kanyang sarili.
21
PAMAMARAAN NG PAGTUTURO
Ginaganyak ng guro ang bawat mag-aaral na ipahayag ang sarili sa pamamagitan ng mga activities
22
MGA INAASAHAN SA MAG-AARAL
Maging mapanuri sa buhay at sa mga pangyayari sapagkat malaki ang maitutulong ng mga ito sa paglikha ng sarili nilang pagkatao. Makakatayo sa sariling paa, malayang makapag-iisip at magiging responsible sa lahat nilang mga gagawin.
23
ANTAS NG KAKAYAHAN Individual differences (hindi magkakapareho ang isip, kakayahan, pangangatawan, saloobin at damdamin, hilig at pagkatao)
24
MGA KARAPATAN Kalayaan ng bawat indibidwal ang pinakadiwa ng eksistensyalismo.
25
PAGSUSULIT Hindi upang tiyakin ang grado,nakatuon sa pag-unlad at paglago ng kanyang pagkatao.
26
ANTAS NG PAG-AARAL Sinikap na ipakilala ang malayang paaralan, malayang silid-aralan
27
TEKNOLOHIYA Hindi pinagtuunan ng pansin-maaaring umagaw ng atensyon at mapagtuunan ng pansin ng tao. Maisasantabi ang indibidwal at hihina ang kanyang kakayahan, titingin na lang at aasa sa malakas na impluwensya ng teknolohiya.
Similar presentations
© 2024 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.