Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
1
ANG SUSI SA PAGKAKAISA Liksyon 4 para sa ika-27 ng Octobre, 2018
2
Isa sa mga paksa na sinulat ni Pablo sa mga taga Efeso ay pagkakaisa.
Ang mga tao doon sa iglesia ng Efeso ay mula sa iba’t bang lahi at kultura. Itinuro sa kanila ni Palbo ang susi sa pagkakaisa, upang makagawa sila ng sama-sama. Kasama sa pagkakaisang ito ang lahat ng kalagayan sa buhay. ANG SUSI SA PAGKAKAISA Pagkakaisa kay Kristo. Efeso 1:3-14. Pagkakaisang walang hangganan. Efeso 2:11-22. MGA KALAGAYAN NG PAGKAKAISA Ang Iglesia at pagkakaisa. Efeso 4:1-6. Mga pangulo ng Iglesia at pagkakaisa. Efeso 4:11-12. Relasyon at pagkakaisa. Efeso 5:15-6:9.
3
PAGKAKAISA KAY KRISTO “bilang katiwala ng kaganapan ng panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nasa ibabaw ng lupa.” (Efeso 1:10) Nais ng Dios na ayusin ang sira na resulta ng kasalanan, upang magkaisa na muli ang Kanyang mga anak sa pamamagitan ni Kristo. Ngayong huli, inisip ng Dios na ampunin tayo bilang Kanyang mga anak. Naging kabahagi tayo ng Kanyang pamilya (v. 5) Ibig sabihin, lahat ay itinalagang maligtas (Juan 3:16; 1 Timoteo 2:6; 2 Pedro 3:9) Kung tatanggain natin dakilang kapalaran, ibinibigay ng Dios an Banal na Espiritu bilang garantiya ng Kanyang pangako (v )
4
PAGKAKAISANG WALANG HANGGANAN
“Sapagkat siya an gating kapayapaan, na kanyang pinag-isa ang dalawa, at sa pamamagitan ng kanyang laman ay giniba ang gitnang pader ng alitang humahati.” (Efeso 2:14) Gumawa ang Dios ng kasunduan ng pangako sa mga Israelita at binigyan sila ng pagtutuli bilang tanda ng kasunduan. Hindi ibinahagi ng mga Israelita ang pangako ng Dios, sa halip ay gumawa sila ng gaya ng pader na naghihiwalay sa kanila sa mga Hentil. May malalaking babala sa Templo na hindi pinapapasok ang mga hindi Hudio sa lugar kung saan ay nakalaan lamang sa mga Hudio. Ibinagsak ng krus ang lahat ng pader, at tinapos ang pagkakahiwalay. Tinuli nito ang mga Hudio at Hentil ng pagtutuli ng puso. Tayo ngayon ay iisang bayan, nagkakaisa sa “banal na temple” “ng iisang Espiritu” (v. 21, 18)
5
ANG IGLESIA AT PAGKAKAISA
“na nagsisikap na mapanatili ang pagkakaisa ng Espiritu sa buklod ng kaapayapaan.” (Efeso 4:3) Tinawagan tayo na makiisa upang dalhin ang pagkakaisa ni Kristo sa Iglesia. Anong magagawa natin sa ganung direksyon (v. 1-3)? Kumilos ng mahinhin Makitungo sa bawat isa na may kababaan at kahinahunan Hayaang gumawa ang Banal na Espiritu upang mapanatili ang kapayapaan Alin sa pitong elemento ang magpapanatili sa ating magkasama (v. 4-6)? Isang katawan Isang Espiritu Isang pag-asa Isang Pangi-noon Isang pana-nampalataya Isang bautismo Isang Dios at Ama ng lahat
6
MGA PANGULO NG IGLESIA AT PAGKAKAISA
“Pinagkalooban niya ang iba na maging apostol, ang iba’y propeta, ang iba’y ebanghelista, at ang iba’y pastor at mga guro; upang ihanda ang mga banal sa gawain ng paglilingkod, sa ikatitibay ng katawan ni Cristo.” (Efeso 4:11-12) Nagtala si Pablo ng limang uri ng kaloob na tinutulungan ang mga pangulo na pangunahan ang iglesia na may dalawang hangarin: Ihanda ang mga banal sa gawain ng paglilingkod. Tinutulungan ang bawat miembro na ipangaral ang ebanghelyo. Magpakita ng magandang halimbawa sa katawan ni Kristo. Himukin at itaguyod ang pagkakaisa kay Kristo. Ibinibigay ng Dios itong mga kaloob sa natatanging mga tao. Tinawagan ang mga taong ito upangmaglingkod at makiisa sa bawat-isa (Marcos 10:43)
7
RELASYON AT PAGKAKAISA
“pasakop kayo sa isa’t isa dahil sa takot kay Cristo.” (Efeso 5:21) Hinimok tayo ni Pablo na “mapuno ng Espiritu” (v. 18). Magkakaisa tayo sa pamamgitan ng Espiritu kung nagpapasakop tayo sa isa’t-isa. Kabilang dito ang tatlong kalagayan ng ating buhay: Ang mga salita natin ay nakatuon sa Dios na may katuwaan at espiritu ng pagpapasakop (5:19-21) Panglipunang ugnayan: Ang walang pag-iimbot na pag-ibig ni Kristo at paggalang ay makikita sa pag-aasawa at sa pagitan ng mga magulang at mga anak (5:22-6:4) Pangpamilyang ugnayan: Ang mga tagapamahala at mga empleyado ay gumagalang sa isa’t-isa, dahil pantay tayong lahat sa harap ng Dios (6:5-9) Panggawaing ugnayan:
8
“Naluluwalhati ang Dios ng mga awit na papuri mula sa dalisay na pusong puno ng pag-ibig at malasakit sa Kanya. Kung nagkakatipon ang mga pinabanal na mananampalataya, ang kanilang mga usapan ay hindi tungkol sa kamalian ng iba, o may lasa ng pag-angal at reklamo; pag-ibig, tali ng kasakdalan, ay papaligid sa kanila. Ang pag- ibig sa Dios at kanilang kapwa ay kusang lalabas sa mapagmahal na mga pananalita, pakikiramay, at pakikitungo para sa kanilang kapatiran. Ang kapayapaan ng Dios ang naghahari sa kanilang mga puso; ang kanilang salita’y hindi mayabang, hungkag, at hangal, ngunit upang aliwin at palakasin ang isa’t-isa.” E.G.W. (Testimonies for the Church, vol. 1, cp. 86, p. 509)
Similar presentations
© 2024 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.