Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
1
Kataga ng Buhay Pebrero 2009
2
“Hindi maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin.” (Lc 14,26)
3
Anong masasabi mo tungkol dito
Anong masasabi mo tungkol dito? Napakalaki at radikal ng hinihingi ng mga salitang ito!
4
Si Jesus ang unang nagsabi na hindi maaaring paghiwalayin ang ikinasal at nag-utos sa ating mahalin ang lahat, lalo’t higit ang ating mga magulang. Ngunit ngayon ay hinihiling sa atin ni Jesus na ilagay sa ikalawang lugar ang magagandang pagmamahal na mayroon tayo dito sa lupa dahil maaari itong maging hadlang sa ating tahasan at tuwirang pag-ibig sa Kanya. Tanging ang Diyos lamang ang makakahiling sa atin ng ganito.
5
Nais ni Jesus na lumayo tayo sa ating makamundong pamumuhay
Nais ni Jesus na lumayo tayo sa ating makamundong pamumuhay. Nais niyang higit tayong mapabuklod sa Kanya upang bumuo ng pangkalahatang kapatiran dito sa lupa
6
Kaya, saan man may hadlang sa Kanyang plano ay Kanyang “pinuputol”
Kaya, saan man may hadlang sa Kanyang plano ay Kanyang “pinuputol”. Nabanggit din sa Ebanghelyo ang tungkol sa “espada”.
7
Itinuturing Niyang “mga patay” ang lahat ng hindi nagmamahal sa Kanya ng higit sa ina, asawa, at buhay.
8
Natatandaan mo ang mama sa Ebanghelyo na nagtanong kung maaari muna niyang ilibing ang kanyang ama bago siya sumunod kay Jesus? Sumagot si Jesus, “Ipaubaya mo na sa mga patay ang paglilibing ng kanilang mga patay.” Maaaring matakot ka kung ikaw ang hihilingan ng ganito. Maaari mong sabihin na ang mga salitang iyon ay para lang sa panahon ni Jesus, o kaya’y para sa mga taong tinatawag Niya.
9
Nagkakamali ka. Ang mga salitang ito ay para sa lahat ng panahon, gayundin sa ating panahon. Ito ay para sa mga Kristiyano, kabilang tayo. Sa mundo natin ngayon, marami tayong pagkakataon na isabuhay itong paanyaya ni Kristo.
10
Mayroon ba sa pamilya mo na tumutuligsa sa Kristiyanismo
Mayroon ba sa pamilya mo na tumutuligsa sa Kristiyanismo? Nais ni Jesus na magbigay-patotoo ka sa Kanya sa pamamagitan ng iyong buhay. At pagdating ng tamang oras, magsalita ka, kahit pagkatapos ay maaari kang pagtawanan o siraang-puri.
11
Ikaw ba ay isang ina na sinabihan ng iyong asawa na putulin ang buhay ng batang nasa sinapupunan mo? Sumunod ka sa Diyos, hindi sa tao.
12
May nag-aanyaya ba sa iyo sa isang gawaing masama o hindi malinaw ang layunin? Lumayo ka sa kanya.
13
May nag-alok ba sa iyo ng pera na nakamit sa maling paraan?
Manatali kang tapat.
14
Hinihikayat ka ba ng pamilya mo na matuwa sa mga bagay na iniaalok ng mundong ito na walang ipinagbabawal? “Putulin mo”, upang hindi lumayo si Kristo sa buhay mo.
15
“Hindi maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin.”
16
Ang pamilya mo ba ay hindi naniniwala sa Diyos
Ang pamilya mo ba ay hindi naniniwala sa Diyos? Ang pagkilala mo ba kay Kristo ay nagdulot ng pagkakahiwalay sa pamilya? Huwag kang mag-alala, dahil ito ay bunga ng pagsasabuhay ng Ebanghelyo. Ialay mo sa Diyos ang pighati ng puso mo para sa iyong mga minamahal. Ngunit huwag kang susuko.
17
Tinatawag ka ba ng Diyos sa isang natatanging daàn
Tinatawag ka ba ng Diyos sa isang natatanging daàn? Ito na ba ang sandali ng ganap mong pagbibigay ng sarili at hinihiling sa iyo na iwanan ang iyong ama at ina, at kahit ang magiging kabiyak ng puso mo sa hinaharap? Mamili ka. Walang tagumpay kung walang pagpupunyagi.
18
“Hindi maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin.”
19
“... at maging sariling buhay.”
Monsignor Romero, El Salvador Padre Pino Puglisi, Italya Padre Ragheed, Iraq “... at maging sariling buhay.” Nakatira ka ba sa isang lugar kung saan may pagtuligsa at ang pagiging Kristiyano ay naglalagay ng buhay mo sa panganib? Lakasan mo ang iyong loob. Kung minsan, maaari rin itong hilingin sa atin ng ating pananampalataya. Hindi pa natatapos ang panahon ng mga martir sa Simbahan.
20
Sa buhay ng tao, malao’t madali, bawat isa ay pipili kay Kristo o sa lahat ng ibang bagay, upang manatiling tunay na Kristiyano. Darating din ang ating panahon ng pagpili
21
Huwag kang matakot. Huwag kang mangamba para sa buhay mo
Huwag kang matakot. Huwag kang mangamba para sa buhay mo. Mabuti pang mawala ito para sa Diyos kaysa mawala ito habang-buhay. Ang Kabilang Buhay ay isang katotohanan.
22
Huwag ka ring matakot para sa iyong pamilya. Mahal sila ng Diyos
Huwag ka ring matakot para sa iyong pamilya. Mahal sila ng Diyos. Kung una mong pipiliin ang Diyos, darating ang araw na tatawagin sila ng Diyos ng Kanyang makapangyarihang salita ng pag-ibig. At tutulungan mo silang maging tunay na mga alagad ni Kristo, kasama mo.
23
Sinulat ni Chiara Lubich
“Hindi maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin.” Sinulat ni Chiara Lubich
Similar presentations
© 2024 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.