Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
Published byJaka Nenadović Modified over 5 years ago
1
SA GITNA NG MGA ILAWAN Liksyon 2 para sa ika-12 ng Enero, 2019
2
Ang pahayag ni Jesu Kristo kay Juan (Apocalipsis 1:9-18)
Nagsimula ang Apocalipsis sa isang bukas na liham sa pitong iglesia sa Asia Minor (Turkey). Ang pagkakasunod ng mga iglesia ay kagaya ng sinusunod ng taong nagdadala ng mga liham. Idinikta ni Jesus ang liham kay Juan. Bawat detalye sa liham ay may natatanging kahulugan, kabilang ditto ang kanyang paraan at mensahe sa mga iglesia. Mayroon paring espesyal na kahulugan ito ngayon sa atin kahit naisulat ito halos 2000 taon na ang nakalipas. Patmos Epheso Smirna Pergamo Tiatira Sardis Filadelfia Laodicea DAGAT EGEO Ang pahayag ni Jesu Kristo kay Juan (Apocalipsis 1:9-18) Saan: sa Patmos (1:9) Kailan: Sa araw ng Panginoon (1:10) Paano: gaya ng Mataas na Saserdote (1:12-18) Ang liham sa pitong pitong iglesia (Apo. 1:11, 19-20; 2:1-7) Paano ipapaliwanag ito (1:11, 19-20) Ang mensahe sa iglesia ng Efeso (2:1-7)
3
PATMOS ANO ANG MERON SA PATMOS?
“Akong si Juan, na inyong kapatid at inyong karamay sa kapighatian at sa kaharian at sa pagtitiis na kay Jesus, ay nasasa pulo na tinatawag na Patmos, dahil sa salita ng Dios at sa patotoo ni Jesus.” (Apocalipsis 1:9) PATMOS ANO ANG MERON SA PATMOS? Ang Patmos ay mabato at tigang na isla (10x6 mi—16x10 km). Ginawa ng mga taga Roma itong bilangguan. BAKIT NANDOON SI JUAN? Inakusahan siyang nangangaral ng maling pananampalataya tungkol Kay Jesus noong matanda na siya. Ang emperor ng Roma na si Domitian ang nagpatapon sa kanya doon (sa pagitan ng 81 at 96 AD) ANO ANG GINAWA NI JESUS PARA SA KANYA? Dinalhan ni Jesus si Juan ng mga salita ng pag-asa at kasiglahan, gaya ng ginawa Niya sa mga kaibigan ni Daniel sa hurnuhan at kay Esteban noong siya ay pinatay. Makakasiguro tayo na sasamahan tayo ni Jesus kung tayo’y naghihirap dahil sa ating pagiging tapat na saksi.
4
Paano natin ipapaliwanag ang “Araw ng Panginoon”?
“Ako'y nasa Espiritu nang araw ng Panginoon, at narinig ko sa aking likuran ang dakilang tinig, na tulad sa isang pakakak.” (Apocalipsis 1:10) Paano natin ipapaliwanag ang “Araw ng Panginoon”? Linggo “Ang Araw ng Panginoon” ay unang ginamit upang tukuyin ang Linggo sa katapusan ng ikalawang siglo. Hindi ito nangangahulugang “Linggo” sa panahon ni Juan. Ikalawang Pagparito Ibig sabihin nito, nakakatanggap na si Juan ng pangitain tungkol sa Ikalawang Pagparito nang matanggap n’ya ang bagong Pahayag (Is. 13:6; 2P. 3:10). Ang palagay na ito ay hindi nakabase sa talata sa Apocalipsis. Sabado Sa Lumang Tipan, tinawag ng Dios (Panginoon) ang Sabado na “akin”, kaya ito’y Kanyang Araw (Ex. 31:13; Is. 58:13). Tinawag din ni Jesus ang sarili bilang “Panginoon ng Sabado” (Mt. 12:8; Mr. 2:28). Kaya tinanggap ni Juan ang Apocalipsis nang Sabado, Araw ng Panginoon.
5
ANG PANGITAIN NI CRISTO JESUS
“At nang siya'y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; ako'y ang una at ang huli.’” (Apocalipsis 1:17) Ano ang pisikal na hitsura ni Jesus sa Apocalipsis 1? Apocalipsis 1:13-16 Mahabang damit Ginintuang paha Puting buhok Mata na apoy Tansong paa Madagundong na tinig Espada mula sa Kanyang bibig Mukha na kagaya ng araw Daniel 10:5-6 Damit na lino Gintong sinturon --- Mukhang gaya ng kidlat Ang taong nakasuot ng gaya sa nakita nina Juan at Daniel ay si Cristo Jesus na nakadamit bilang Mataas na Saserdote.
6
ANG PANGITAIN NI CRISTO JESUS
“At nang siya'y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; ako'y ang una at ang huli’” (Apocalipsis 1:17) Nakita ni Juan si Jesus na naglalakad sa harap ng pitong ilawan na kumakatawan sa pitong iglesia (1:20) Ang mensahe sa bawat iglesia ay nagsisimula sa “alam ko ang iyong mga gawa” (2:2, 9, 13, 19; 3:1, 8, 15). Laging kasama si Jesus ng Kanyang bayan. Kilala Niya ang Kanyang bayan at kilala Niya ang bawat isa sa atin. Siya ay dakila at maharlika, ngunit hindi tayo dapat matakot sa Kanyang presensya. Siya ang namatay at nabuhay muli. May susi Siya sa kamatayan. Mas makapangyarihan Siya sa kamatayan at iniingatan Niya ang mga nabubuhay.
7
ANG SULAT SA PITONG MGA IGLESIA
“Na nagsasabi, Ang iyong nakikita, ay isulat mo sa isang aklat at iyong ipadala sa pitong iglesia: sa Efeso, at sa Smirna, at sa Pergamo, at sa Tiatira, at sa Sardis, at sa Filadelfia, at sa Laodicea.” (Apocalipsis 1:11) Ang mensahe sa pitong iglesia sa Asia ay maipapaliwanag sa tatlong magkaibang antas (1:19): KAGYAT (PANGKASAYSAYAN) Isang mensahe mula kay Jesus para sa bawat iglesia na nagtitipon sa pitong siyudad sa Asia Minor sa panahon ni Juan. HINAHARAP (PROPESIYA) Isang mensahe mula kay Jesus para sa bawat iglesia na nagtitipon sa pitong siyudad sa Asia Minor sa panahon ni Juan. PANDAIGDIG Isang mensahe sa bawat iglesia at mananampalataya sa bawat sandal ng kasaysayan.
8
ANG MENSAHE PARA SA IGLESIA NG EFESO
“Sa anghel ng iglesia sa Efeso ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may hawak ng pitong bituin sa kaniyang kanang kamay, na yaong lumalakad sa gitna ng pitong kandelerong ginto.’” (Apocalipsis 2:1) Ang Efeso ay napakahalagang siyudad sa Asia. Pastor si Juan sa siyudad na iyon na puno ng imoralidad at pangkukulam (Gawa 19:19) Nanatiling matibay ang iglesia sa kabila ng malabong palibot doon. Ngunit, nakalimutan nila ang kanilang unang pag- big gaya ng ginawa ng lumang Israel (Jeremias 2:2) Ang iglesiang ito ay kumakatawan sa iglesiang Kristiano sa unang siglo (sa pagitan ng 31 AD at 100 AD) Sundin natin ang mga banal na payo upang maiwasan natin ang kanilang mga mali at maingatan ang kanilang magagandang katangian: (1) Alalahanin ang unang pag-ibig; (2) magsisi; (3) at gumawa ng mabuti.
9
“Siya [Jesus] ay naglalakad sa gitna ng Kanyang mga iglesia sa buong haba at lapad ng lupa. Tinitingnan Niya sila nang may mataas na interes upang tingnan kung nasa espiritwal na kalagayan na sila na kanilang maisusulong ang Kanyang kaharian. Nandiyan si Kristo sa bawat pagtitipon ng iglesia. Kilala Niya lahat na konektado sa Kanyang gawain. Alam Niya iyong mga pusong maaari Niyang lagyan ng banal na langis, na kanilang maibabahagi rin sa iba. Iyong mga nagdadala ng gawain ni Kristo sa ating mundo, kumakatawan sa salita at mga gawa ng karakter ng Dios, ginaganap ang plano ng Dios sa kanila, ay mahalaga sa Kanyang paningin. Natutuwa si Kristo sa kanila gaya ng isang tao na natutuwa sa maayos na harden at sa samyo ng mga bulaklak na kanyang tinanim.” E.G.W. (Testimonies for the Church, vol. 6, cp. 53, p. 418)
Similar presentations
© 2024 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.