Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Sa Diyos Amang Maylikha ng langit at lupa

Similar presentations


Presentation on theme: "Sa Diyos Amang Maylikha ng langit at lupa"— Presentation transcript:

1 Sa Diyos Amang Maylikha ng langit at lupa
SUMASAMPALATAYA AKO… Sa Diyos Amang Maylikha ng langit at lupa PARISH FORMATION PROGRAM

2 PAGBABALIK-TANAW… Sa unang artikolo ng ating credo (ang sumasampalataya) nabatid natin doon na sa pag-iisip ni Benito 16, may tatlong bahagi ang pananampalataya:

3 isip puso Kamay/paa 1. Paniniwala [heb 11, 1] 2. Pagtitiwala [Is 7, 9]
3. Pagtalima [Is 7, 9] Kamay/paa

4 Personal itong tugon sa personal na Diyos [taong may isip-puso-kamay/paa].
Bagamat hindi din dapat kalimutan ang kabalintunaang personal ito sabay komunal.

5 Unang Tinutugunan at Tinutunguhan ng ating Pananampala-taya
Kasalukuyang paksa: ikalawang pag-uusapan sa pag-aaral natin ng credo… Diyos Amang Maylikha ng langit at lupa. Unang Tinutugunan at Tinutunguhan ng ating Pananampala-taya

6 PINAHAYAG NG DIYOS ANG KANYANG PANGALAN
Ang Diyos ay nagpakilala nang unti-unti at sa iba’t-ibang pangalan sa kanyang bayan…

7 PINAHAYAG NG DIYOS ANG KANYANG PANGALAN
Kanyang sinabi kay Moises: “Ako ang Diyos ng iyong mga magulang, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob” (Ex 3:6).

8 “Ako ay ako nga” Winika ni Moises sa Diyos: “Ako’y tutungo sa mga anak ng Israel at sasabihin ko sa kanila, ‘Ang Diyos ng inyong mga magulang ang nagsugo sa akin,’ sa inyo!”

9 “Ako ay ako nga” Kung itatanong nila sa akin ang pangalan niya? Anong isasagot?” Wika ng Diyos kay Moises: “Ako ay ako nga”(Ex 3:13).

10 “Sa harap mo’y dadaan ang buong kagandahang-loob ko at bibigkasin ko sa iyo ang aking pangalan, YAWE”(Ex. 33:18).

11 YAWE: Mapagpatawad Noon ay ipinagbubunyi ni Moises na ang Panginoon ay isang Diyos na mapagpatawad (Ex 34:9).

12 Ang Diyos ay Katotohanan
Ngayon O Panginoon ko, ikaw ay Diyos, ang mga salita mo ay katotohanan (2 Sam 7:28. Ang katotohanan ng Diyos ay ang kanyang karunungan na namamahala ng lahat ng nilalang at ng sanlibutan (cf. Kar 13:1-9).

13 Ang Diyos ay Pag-ibig Natuklasan ng Israel na ang Diyos ay may tanging isang dahilan lamang upang ipakilala sa kanya ang sarili at hirangin siyang bukod tangi, sa lahat ng bansa na maging sarili niyang bayan: ang kusang pagmamahal niya (cf. Dt 4:37; 7:8).

14 Ang Paglikha Naroon na sa simula ng paglikha sa Genesis ang tubig, dilim at walang hugis at anyong lupa (Gen 1, 1 at Gen 2, 5). Ang kahulugan ng paglikha sa aklat ng Genesis ay pagsasaayos: mula kaos patungong kosmos.

15 Ang Paglikha May dalawang kwento ng paglikha sa Bibliya: Genesis 1, 1 - 2, 3 Genesis 2, 4-25 Sa katotohanang 2 ito agad nating nababatid na hindi dapat literal ang pagbasa ng mga kwentong ito ng paglikha.

16 Pitong Araw ng Paglikha
Genesis 1,3: “Magkaroon ng Liwanag!” Mabuti ang liwanag. Pinaghiwalay ng Diyos ang liwanag sa dilim. Tinawag na Araw ang liwanag Tinawag na dilim ang gabi. Unang Araw

17 Paglikha bilang Pagsasaayos
Genesis 1, 6: “Magkaroon ng kalawakang maghihiwalay ng tubig sa itaas at sa ibaba!” Tinawag na langit ang kalawakang naghihiwalay. Ikalawang araw.

18 Paglikha bilang paghihiwalay
Genesis 1,9: “Matipon sa isang dako ang tubig sa ilalim ng langit upang lumitaw ang tuyong lupa…”

19 Paglikha bilang paghihiwalay
Tinawag ang naipong tubig sa ilalim ng langit bilang “dagat” ang tuyong lupa bilang “daigdig.”

20 Paglikha bilang paghihiwalay
Mabuti ang pagsasaayos/ paghihiwalay. “Mapuno ang lupa ng halaman, punong kahoy at bungang kahoy…” Ikatlong araw.

21 Paglikha bilang Pagpupuno
Genesis 1, 14: “Magkaroon ng mga tanglaw sa langit para maihiwalay ang araw sa gabi.” Dalawang pangunahing tanglaw: araw at buwan. Mga pangalawahing tanglaw: bituin sa gabi. Mabuti ang mga likhang tanglaw. Ikaapat na araw.

22 Genesis 1, 20: “Punuin ang tubig ng mga maybuhay at ang himpapawid ng mga ibon.”
Nagkaroon ng mga dambuhala sa dagat at lahat ng mga lumalangoy na nilalang ang himpapawid ng mga lumilipad na ibon, atas ng Diyos: Magparami, at punuin ng buhay ang tubig at daigdig. Ikalimang araw.

23 kaos-kosmos-antropos
Genesis 1,24: “Magkaroon ng lahat ng uri ng maybuhay sa lupa...” Mabuti ang mga nilikha. Genesis 1,26: “Likhain natin ang tao sa ating larawan... lalaki at babae”

24 kaos-kosmos-antropos
Atas ng Diyos: “Magparami at punuin ang daigdig at pamahalaaan ito.” Minasdan lahat at binigkas ay Mabuti... Ikaanim na araw.

25 “Pinagpala niya ang ikapitong araw at itinangi.”
Genesis 2, 2: “Pinagpala niya ang ikapitong araw at itinangi.” Anong ibig sabihing nagpahinga ang Diyos? Napagod ba siya? May nilikha ba siya sa ikapitong araw? [may tungkulin ang tao]

26 Ang ikapitong araw ay pag-uwi ng lahat sa Diyos.
Nilikha ng Diyos ang ikapitong araw, itinangi at pinabanal upang ipabatid na maaari siyang matagpuan sa panahon… Ang ikapitong araw ay pag-uwi ng lahat sa Diyos.

27 Ano ang aral ng Unang Kwento ng Paglikha?
Nagmula ang lahat-lahat sa Diyos [kaloob]. Nilikha ang lahat nang Maayos at Mabuti. Hindi lang aksidente ang pag-iral ng lahat. May katangi-tanging dangal ang tao.

28 Biniyayaang kawangis ng Diyos at tagapamahala ng sangnilikha ang tao [nilikha ang lahat patungo sa kaganapan]

29 malayang akto at walang pumilit sa Mapagbigay na Diyos sa kanyang paglikha [Ama - Abba]
Hindi katunggali ng Paglikha ang Agham. Ginamit ng Bibiliya ang kwento upang ipabatid ang kahulugan ng sangnilikha. Hindi lang sa mga banal na lugar matatagpuan ang Diyos naroon din siya sa panahon kaya nga may araw na laan para sa Kanya

30 Ikalawang Kwento Mas lilinaw ang mensahe ng mga kwento ng paglikha kung babalikan natin at aalalahanin ang ikalawang kwento ng paglikha.

31 Ikalawang Kwento Pinakaunang mensahe ng katotohanang dalawa ang kwento ng paglikha ay ang pagiging dapat maingat sa pagbasa ng mga kwento. Mga kwento ito na hindi dapat basahin nang literal!

32 Mga detalye ng ikalawang kwento: Genesis 2, 4-25 Unang nilikha ang tao mula sa alabok; Hiningahan sa ilong at nagkabuhay Nilikha ang halamanang Eden: may mga puno at umaagos na ilog (nagsasanga sa apat); nilikha ang mga hayop at ibang pinangalanan ng tao; nilikha ang babaeng katuwang ng lalaki [Adan at Eba]

33 ARAL ng Ikalawang Kwento
Pinapabatid sa kwento na ang pinagmulan, gumagabay at uwian ng tao at sangnilikha ay Diyos Ama. Adan (ginoong lalaki) at Eba (binibining babae) ay angkop na magkatuwang.

34 ARAL ng Ikalawang Kwento
Hindi katunggali ng Paglikha ang Agham ginamit ng Bibiliya ang kwento upang ipabatid ang kahulugan ng sangnilikha.

35 Ang sanlibutan ay nilikha sa ikararangal ng diyos
“Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, hindi sa ikadaragdag ng kanyang kaluwalhatian, kundi ipakilala at ibahagi ito” (CCC 293).

36 Konklusyon Sa pananampalatayang Diyos ang Maylikha ng langit at lupa, atin pong sinasampalatayanan na siya ang nagpapanatili ng sangnilikha na marupok sa kanilang pag-iral.

37 Konklusyon Marupok na pag-iral: kahit anong oras at kahit saan pwedeng maglaho, mawasak o masira pero pinanatili ng malayang akto ng paglikha ng Mapagbigay na Diyos.

38 To GOD be the Glory! Maraming Salamat Po!


Download ppt "Sa Diyos Amang Maylikha ng langit at lupa"

Similar presentations


Ads by Google