Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
1
KAYO'Y MAGIGING MGA SAKSI KO
Liksyon 1 para sa ika-7 ng Hulyo, 2018
2
Ang unang kabanata ng Mga Gawa ay nagsasabi ng huling mga araw ni Hesus dito sa Lupa at ang unang tugon ng mga alagad matapos na Umakyat Siya. Ang huling mga salita ni Hesus ay naging misyon ng mga alagad. Mayroon din tayong kaparehong misyon bilang Iglesia sa ika-21ng Siglo. Mga Gawa 1:1-5 Lucas ang minamahal na manggagamot Mga Gawa 1:6-7 Maling Inaasahan Mga Gawa 1:8 Ang misyon ng mga alagad Mga Gawa 1:9-11 Ikalawang Pagdating ni Hesus Mga Gawa 1:12-14 Nagka-isa sa panalangin Mga Gawa 1:15-26 Ang kapalit ni Hudas
3
LUCAS ANG MINAMAHAL NA MANGGAGAMOT
Gawa 1:1-5 “Ang unang kasaysayan na ginawa ko, Oh Teofilo, ay tungkol sa lahat na pinasimulang ginawa at itinuro ni Jesus.” (Gawa 1:1) Ang Mga Gawa ng mga Apostoles ay pangalawang aklat na sinulat ni Lucas, ang manggagamot (Luke 1:1-4; Colossians 4:14) Ang panimula ng Mga Gawa ay nagpapaliwanag na si Hesus ay nanatili pa ng 40 araw kasama ng Kanyang mga alagad bago Siya umakyat (10 araw bago mag Pentecost) Ang aklat ay bumubuo ng kuwento ng Iglesia mula sa taong 31 hanggang 62. Iyon ay mula sa pag-akyat ni Hesus hanggang sa bago hukuman si Pablo ni Nero.
4
MALING INAASAHAN Gawa 1:6-7
“Tinanong nga siya nila nang sila'y nangagkakatipon, na nangagsasabi, Panginoon, isasauli mo baga ang kaharian sa Israel sa panahong ito?” (Gawa 1:6) Mayroong mga hula sa Lumang Tipan tungkol sa matagumpay na Mesias at naghihirap na Mesias. Ang mga alagad at mga Judio sa panahong iyon ay umaasa lamang ng matagumpay ng Mesias laban sa mga taga Roma. Matapos na mabuhay na muli si Hesus, naunawaan nila na dapat maghirap ang Mesias bago ito luwalhatiin (Lucas 24:45-46). Ganunpaman, ang kanilang tanong ay nagpapakita na hindi nila lubos na naunawaan ang gawain ni Hesus. Sabi sa kanila ni Hesus na hindi nila dapat unawain ang mga bagay na hindi pa nila handing unawain (Mga Gawa 1:7)
5
ANG MISYON NG MGA ALAGAD
Gawa 1:8 “Datapuwa't tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa” (Gawa 1:8) Itong pahayag ng misyon ay may apat na pangunahing puntos: Ang Banal na Espiritu. Ito ay hinulaan (Isaias 44:3; Joel 2:28-29) na ang Banal na Espiritu ay bababa na may kapangyarihan upang gawin ang gawain na hindi kaya ng tao sa kanilang sarili. Ang patotoo. Ang mga alagad ay sinabihan na magpatotoo sa pamamagitan ng pagkwento ng gawain at kapangyarihan ni Hesus. Ang plano ng misyon. Ang misyon ay dapat magsimula sa Jerusalem at ikakalat ito sa dulo ng mundo. Ang mithiin ng misyon. Kailangan nilang dalhin ang mensahe saanman naroon ang tao, na hindi naghihintay na sila ang lumapit.
6
IKALAWANG PAGBALIK NI HESUS
“At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, nang siya'y tinitingnan nila, ay dinala siya sa itaas; at siya'y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin.” (Gawa 1:9) Gawa 1:9-11 Nagbigay pa ng detalye si Lucas tungkol sa pag-akyat ni Hesus sa Lucas 24:51. Ipinaliwanag niya na hindi lang umakyat si Hesus ng Kanyang sarili. Siya ay “dinala sa taas” o “inagaw sa kanila”. Siya ay dinala sa taas ng Dios upang luwalhatiin. (Mga Gawa 2:33) Dalawang anghel ang inatasan upang palakasin ang mga nabiglang mga alagad at magdala ng pag-asa sa lahat ng mananampalataya. Nakita ng mga alagad si Hesus na umaakyat, at makikita ng ating mga mata ang pagbabalik ni Hesus.
7
NAGKAISA SA PANALANGIN
Gawa 1:12-14 “Nang magkagayon ay nangagbalik sila sa Jerusalem buhat sa tinatawag na bundok ng mga Olivo, na malapit sa Jerusalem, na isang araw ng sabbath lakarin.” (Gawa 1:12) Ang pang-itaas na silid ay naging tahanan ng 11 alagad at ng mga babae na sumusunod kay Hesus noong naglilingkod Siya dito sa Lupa. Kasama rin nila ang pamilya ni Hesus—ina Niya at mga kapatid. Ang mga kapatid ni Hesus ay nagdududa ilang taon bago pa iyon (Juan 7:5), kaya merong nakapagpabago sa kanilang buhay. 120 na miembro ng pinakaunang Iglesia ay naglaan ng panahon upang magkompisal ng kasalanan at magsisi. Sila ay nagkaisa sa hangarin. Ang naging tugon sa kanilang masidhing panalangin ay ang kaloob ng Banal na Espiritu.
8
ANG KAPALIT NI HUDAS Gawa 1:15-26
“At sila'y pinagsapalaran nila; at nagkapalad si Matias; at siya'y ibinilang sa labingisang apostol.” (Gawa 1:26) May dalawang pangangailangan para maging ika-12 na alagad: Dapat nakasama ni Hesus mula sa Kanyang bautismo hanggang sa Kanyang pag-akyat. Dapat handang magpatotoo ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli. Ang pagsasapalaran nila ay hindi nangangahulugan na walang tiyak na desisyon. Pumili na sila ng una ng mga karapatdapat na kandidato. Nanalangin sila ng tapat, sa paniwalang pangungunahan sila ng Dios sa desisyon na iyon. (Mga Kawikaan 16:33) May iilan na mga apostoles na binanggit sa aklat ng Mga Gawa maliban kay Matias; halimbawa, si Pablo at Barnabas (Gawa 14:14)
9
“Sa pagsunod sa salita ng kanilang Panginoon, ang mga alalagad ay nagtipontipon sa Jerusalem upang hintayin ang pagtupad ng Dios sa Kanyang pangako. Dito’y sampung araw silang nagsuri ng kanilang mga puso. Isinantabi nila ang kanilang pagkakaiba-iba at lumapit sa isa’t-isa sa Kristianong pagsasama-sama... Ang utos na ibinigay sa mga alagad ay ibinibigay din sa atin. Ngayon, gaya ng dati, isang napako at nabuhay na Tagapagligtas ay dapat itaas sa harap ng mga hindi kumikilala sa Dios at mga walang pag-asa dito sa mundo… […] Lahat na itinalaga sa buhay ni Kristo ay itinalaga sa paggawa para sa kaligtasan ng kanilang kapwa. Ang paghahangad na makaligtas ng nawaglit ay dapat makita sa mga naghahanap ng kaluluwa. Hindi lahat ay may iisang lugar, ngunit lahat ay may lugar at gawain. Lahat ng nakatanggap ng pagpapala sa Dios ay nararapat tumugon ng paglilingkod; bawat kaloob ay dapat gamitin sa ikasusulong ng Kanyang kaharian.” E.G.W. (Testimonies for the Church, vol. 8, cp. 2, p )
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.