Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
1
Adult Bible Study Guide Apr • May • Jun 2018
powerpoint presentation designed by claro ruiz vicente
2
Dear User Adult Sabbath School Bible Study Guide An Appeal
This PowerPoint Show is freely shared to all who may find it beneficial. While intended primarily for personal use, some find it useful for teaching the lesson in church. There are those, however, who add illustrations, change background, replace fonts, etc. While their intention may be good, this is not right. Slide #1 says “designed by claro ruiz vicente.” For honest Christians, it is not necessary for another’s creation to be copyrighted in order to be respected. PLEASE USE AS IS.
3
END TIME PREPARATIONS FOR THE By NORMAN R. GULLEY
Mga Paghahanda Para sa Wakas ng Panahon By NORMAN R. GULLEY
4
Preparations for the End Time Contents
1 The Cosmic Controversy 2 Daniel and the End Time 3 Jesus and the Book of Revelation 4 Salvation and the End Time 5 Christ in the Heavenly Sanctuary 6 The “Change” of the Law 7 Matthew 24 and 25 8 Worship the Creator 9 End-Time Deceptions 10 America and Babylon 11 God’s Seal or the Beast’s Mark? 12 Babylon and Armageddon 13 The Return of Our Lord Jesus Ika-11 na liksyon
5
Preparations for the End Time
Our Goal The real focus on Jesus—about who He is, what He has done for us, what He does in us, and what He will do when He does return. The more that we focus on Him, the more we become like Him, the more we obey Him, and the more prepared we will be for all that awaits us, both in the immediate future and in the end. Ang Ating Mithiin. Ang tunay na pokus ay kay Jesus—tungkol sa kung sino Siya, anong nagawa Niya para sa atin, anong ginagawa Niya sa atin, at anong gagawin Niya kapag Siya’y bumalik na nga. ¶ Mas lalo tayong nakapokus sa Kanya, mas magiging kagaya Niya tayo, mas susunod tayo sa Kanya, at mas nahahanda tayo para sa lahat ng nalalaan sa atin, parehong sa nalalapit na kinabukasan at sa wakas.
6
God’s Seal or the Beast’s Mark? Preparations for the End Time
Lesson 11, June 16 God’s Seal or the Beast’s Mark? Tatak ng Diyos o ang Marka ng Halimaw?
7
God’s Seal or the Beast’s Mark?
Key Text Revelation 15:3 NKJV “Great and marvellous are thy works, Lord God Almighty; just and true are thy ways, thou King of saints.” Susing Talata. “Dakila at kamanghamangha ang iyong mga gawa, O Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat! Matuwid at tunay ang iyong mga daan, ikaw na Hari ng mga bansa” (Apocalipsis 15:3).
8
God’s Seal or the Beast’s Mark?
Initial Words One of the most telling signs of God’s true last-day people is their proclamation of the third angel’s message, which warns against receiving the mark of the beast. God’s remnant people need a clear understanding of this topic in order to proclaim the third angel’s message with power. Panimulang Salita. Isa sa mga matitinding tanda ng tunay na huling-araw na bayan ng Diyos ay ang kanilang proklamasyon ng mensahe ng ikatlong anghel, na nagbababala laban sa pagtanggap ng marka ng halimaw. ¶ Ang nalalabing bayan ng Diyos ay kelangan ang isang malinaw na pagkaunawa ng temang ito upang may kapangyarihang maiproklama ang mensahe ng ikatlong anghel.
9
1. God’s Identifying Sign (Exodus 31:13, 17)
God’s Seal or the Beast’s Mark? Quick Look 1. God’s Identifying Sign (Exodus 31:13, 17) 2. The Mark of the Beast (Revelation14:9, 10) 3. The Seal of God (Revelation 7:3) 1. Ang Kumikilalang Tanda ng Diyos (Exodo 31:13, 17) 2. Ang Marka ng Halimaw (Apocalipsis 14:9, 10) 3. Ang Tatak ng Diyos (Apocalipsis 7:3)
10
God’s Seal or the Beast’s Mark?
1. God’s Identifying Sign Exodus 31:13, 17 NKJV “ ‘Surely my Sabbaths you shall keep, for it is a sign between Me and you throughout your generations, that you may know that I am the Lord who sanctifies you. ... For in six days the Lord made the heavens and the earth, and on the seventh day He rested and was refreshed.’ ” 1. Ang Kumikilalang Tanda ng Diyos. “ ‘Inyong ipapangilin ang aking mga Sabbath, sapagkat ito’y isang tanda sa akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga salinlahi, upang inyong makilala na akong Panginoon ang nagpapabanal sa inyo. ... Sa loob ng anim na araw ay ¶ ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, at sa ikapitong araw siya ay nagpahinga at naginhawahan’ ” (Exodo 31:13, 17).
11
God’s Identifying Sign
Circumcision Genesis 17:9-11. God commanded Abraham and his descendants to be circumcised as a sign of the covenant of salvation. It was meant to symbolize the need for “circumcision,” or renewal, of the heart (see Deut. 30:6). “He is a Jew who is one inwardly; and circumcision is that of the heart, in the Spirit...” (Rom. 2:29, NKJV). Pagtutuli. Genesis 17:9-11. Inutusan ng Diyos si Abrahan at kanyang mga inapo na matuli bilang isang tanda ng tipan ng kaligtasan. Nilayon nitong simbolohan ang pangangailangan para sa “pagtutuli,” o pagpapanibago ng puso (tingnan ang Deuteronomio 30:6). ¶ “Ang isang tao’y Judio sa kalooban; at ang pagtutuli yaong sa puso, sa espiritu...” (Roma 2:29).
12
God’s Identifying Sign
Circumcision 1 Corinthians 7:19, Galatians 5:6, and 6:15 show that in the New Testament, circumcision is replaced by baptism, which symbolizes conversion, a “new creation,” a dying to sin and a rising to a new life (see Rom. 6:3, 4). It is “faith working through love” and “keeping the commandments of God” that really matter. Ang 1 Corinto 7:19, Galacia 5:6, at 6:15 ay nagpapakita sa Bagong Tipan, na ang pagtutuli ay pinalitan ng bautismo, na sumisimbolo sa pagbabalik-loob, isang “bagong nilalang,” isang kamatayan sa kasalanan at isang pagbangon sa isang bagong buhay (tingnan ang Roma 6:3, 4). ¶ Ito’y “pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng Pag-ibig” at “pagsunod sa mga utos ng Diyos” na talagang may halaga.
13
God’s Identifying Sign
The Sabbath Notice that the Sabbath as a sign goes all the way back to Creation (see Gen. 2:2, 3), whereas circumcision began only with Abraham. Thus Jesus said, “The sabbath was made for human-kind” (Mark 2:27, NRSV). It shows that we belong to God—by creation because He made us and by redemption because He justifies and sanctifies us. Ang Sabbath. Pansinin na ang Sabbath bilang isang tanda ay nagkaganun mula pa sa Paglalang (tingnan ang Genesis 2:2, 3), samantalang ang pagtutuli ay nagpasimula lang kay Abraham. Kaya sinabi ni Jesus, ¶ “Ang Sabbath ay ginawa para sa tao” (Marcos 2:27). Ipinapakita nito na pag-aari tayo ng Diyos—sa pamamagitan ng pagkakalalang dahil ginawa Niya tayo at sa pamamagitan ng pagkakatubos dahil inaring-ganap at pinabanal Niya tayo.
14
God’s Seal or the Beast’s Mark?
2. The Mark of the Beast Revelation 14:9, 10 NKJV “Then a third angel followed them, saying with a loud voice, ‘If anyone worships the beast and his image, and receives his mark on his forehead or on his hand, he himself shall also drink of the wine of the wrath of God, which is poured out full strength into the cup of His indignation....’ ” 2. Ang Tatak ng Halimaw. “At isa pang anghel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na sinasabi sa malakas na tinig, ‘Kung ang sinuman ay sumasamba sa halimaw at sa kanyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kanyang noo, o sa kanyang kamay, ¶ ay iinom din naman ng alak ng poot ng Diyos, na inihahandang walang halo sa kopa ng kanyang poot...’ ” (Apocalipsis 14:9, 10).
15
2. The Mark of the Beast False Worship What is this mark? The verses connect it with false worship. The fourth beast of Daniel 7, in its latter phase (the sea beast of Revelation 13), would “think to change times and laws.” One law that it thought to change was the Sabbath, the fourth commandment—the only one of the ten that refers to time. Huwad na Pagsamba. Ano ang tatak na ito? Ang mga talata ay iniuugnay ito sa huwad na pagsamba. Ang ika-4 na halimaw ng Daniel 7, sa huli nitong yugto (ang halimaw sa dagat ng Apocalipsis 13), ay “iisiping baguhin ang mga panahon at ang kautusan.” ¶ Isang kautusan na inisip nitong baguhin ay ang Sabbath, ang ika-4 na utos—ang isa lang sa sampu na tumutukoy sa panahon.
16
2. The Mark of the Beast False Worship The first angel’s message points us back to this commandment that makes it clear that we are to worship the Lord alone as the Creator. The true worshipers of God are described: “Here is the patience of the saints: here are they that keep the commandments of God, and the faith of Jesus” (Rev. 14:12). Ang mensahe ng unang anghel ay itinuturo tayo pabalik sa utos na ito na nililinaw na tayo ay sasamba sa Panginoon lang bilang ang Manlalalang. ¶ Ang mga tunay na sumasamba sa Diyos ay inilarawan: “Narito ang panawagan para sa pagtitiis ng mga banal, sa mga tumutupad sa mga utos ng Diyos, at humahawak ng matatag sa pananampalataya ni Jesus” (Apocalipsis 14:12).
17
2. The Mark of the Beast False Worship The proclamation of these three messages separates all of humanity into two groups: those who worship the Creator by keeping all of His commandments, including the seventh-day Sabbath command, and those who worship the beast and his image. Ang proklamasyon nitong tatlong mensahe ay inihihiwalay ang lahat ng sangkatauhan sa dalawang grupo: yung sinasamba ang Manlalalang sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng Kanyang mga utos, kabilang ang utos sa ikapitong araw ng Sabbath, at yung sinasamba ang halimaw at kanyang larawan.
18
2. The Mark of the Beast Sunday Worship No wonder, then, that many see the issue of “the mark of the beast” as being directly tied to the question of Sunday worship, a counterfeit “sabbath” that is not commanded in the Bible, as opposed to keeping the fourth commandment, which is commanded in the Bible. Pagsamba sa Linggo. Hindi kataka-taka, kung gayon, na marami ang nakikita ang isyu ng “tatak ng halimaw” na tuwirang nakatali sa usapin ng pagsamba sa Linggo, isang huwad na “sabbath” na hindi iniuutos sa Biblia, na kataliwas sa pagsunod sa ika-4 na utos, na iniuutos sa Biblia.
19
2. The Mark of the Beast Sunday Worship Does this mean that Christians who worship God on Sunday have the mark of the beast now? No. According to Revelation 13:15, those who refuse to join in this false worship will be killed. It will eventually become a life-or-death issue. Obviously, events have not yet reached that point. No one has yet received the mark of the beast. Ibig bang sabihin nito na ang mga Kristiyano na sumasamba sa Diyos kung Linggo ay may tatak na ngayon ng halimaw? Hindi. Ayon sa Apocalipsis 13:15, yung tatangging sumama sa huwad na pagsamba ay papatayin. ¶ Sa bandang huli ito’y magiging isang isyu ng buhay-o-kamatayan. Malinaw, ang mga pangyayari ay hindi pa nakakarating sa puntong ’yon. Wala pang nakatanggap ng tatak ng halimaw.
20
God’s Seal or the Beast’s Mark?
3. The Seal of God Revelation 7:3 NKJV “ ‘Do not harm the earth, the sea, or the trees till we have sealed the servants of our God on their foreheads.’ ” 3. Ang Tatak ng Diyos. “ ‘Huwag ninyong pinsalain ang lupa, o ang dagat, o ang mga punungkahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Diyos’ ” (Apocalipsis 7:3).
21
3. The Seal of God Sabbath Like a signature, a seal is used to validate a document. In ancient times it was a stamp pressed onto soft wax or clay to show authenticity or ownership, having the authority of its owner behind it. The seal of God is a sign of God’s ownership and protection of His people. Ang Sabbath. Gaya ng isang pirma, ang isang pantatak ay ginagamit para patibayan ang isang dokumento. Nang matandang panahon ito’y isang pantatak na idiniriin sa isang malambot na waks o putik para ipakita ang pagiging totoo o pagmamay-ari, na merong awtoridad ng may-ari nito sa likod nito. ¶ Ang tatak ng Diyos ay isang tanda ng pag-aari ng Diyos at proteksyon ng Kanyang bayan.
22
3. The Seal of God Sabbath Paul describes a sealing in connection with conversion and reception of the gift of the Holy Spirit. He calls this gift a “deposit” or “down payment” given to all believers as an assurance of the complete redemption and future inheritance they will receive when Jesus comes. Inilalarawan ni Pablo ang isang pagtatatak na nakaugnay sa pagbabalik-loob at pagtanggap ng kaloob ng Banal na Espiritu. ¶ Tinatawag niya itong kaloob na isang “deposito” o “paunang bayad” na ibinigay sa lahat na mananampalataya bilang isang katiyakan ng lubos na pagtubos at hinaharap na mana na tatanggapin nila kapag dumating si Jesus.
23
3. The Seal of God Sabbath The book of Revelation describes another sealing just prior to the Second Advent. This final seal is given to the 144,000 at the time of the outpouring of the Holy Spirit in the latter rain. They have God’s name written in their foreheads. Through the Holy Spirit’s work in their lives, they come to reflect God’s character. Inilalarawan ng aklat ng Apocalipsis ang isa pang pagtatatak bago lang ng Ikalawang Pagdating. Ang pangwakas na tatak na ito’y ibinibigay sa 144,000 sa panahon ng pagbubuhos ng Banal na Espiritu sa huling ulan. ¶ Meron sila ng pangalan ng Diyos na nakasulat sa kanilang noo. Sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu sa kanilang buhay, nakarating sila sa pagpapakita ng karakter ng Diyos.
24
3. The Seal of God Sabbath The Sabbath was given by the Creator as a seal of His authority. It identifies Him by name, “the Lord your God.” It identifies His jurisdiction—“the heavens and the earth, the sea, and all that is in them.” It also identifies the basis of His authority, “for in six days the Lord made the heavens and the earth,...and rested the seventh day.” Ang Sabbath ay ibinigay ng Manlalalang bilang isang tatak ng Kanyang awtoridad. Kinikilala Siya sa pamamagitan ng pangalan, “ang Panginoon mong Diyos.” ¶ Kinikilala nito ang Kanyang nasasakupan—”ang langit at ang lupa, ang dagat, at lahat ng naroroon.” Kinikilala rin nito ang basehan ng Kanyang awtoridad, “sapagkat sa loob ng anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at ang lupa,...at nagpahinga sa ikapitong araw.”
25
3. The Seal of God Sabbath It is Jesus who created our world in six days and rested on the seventh day. Just as He rested on the Sabbath after finishing His work of Creation, so Jesus rested in the tomb over the Sabbath after finishing His sacrificial work by dying in our place for our redemption. So the Sabbath is doubly blessed, first at Creation and then at the Cross. Si Jesus ang lumikha ng ating daigdig sa loob ng anim na araw at nagpahinga sa ikapitong araw. ¶ Gaya nang Siya ay nagpahinga sa Sabbath matapos tapusin ang Kanyang gawa ng Paglalang, si Jesus ay nagpahinga sa libingan sa Sabbath matapos tapusin ang Kanyang may sakripisyong gawain sa pamamagitan ng kamatayan sa ating lugar para sa ating pagkakatubos. ¶ Kaya ang Sabbath ay dobleng pinagpala, una sa Paglalang at tapos sa Krus.
26
“Just as soon as the people of God are sealed in their foreheads—it is
God’s Seal or the Beast’s Mark? Final Words “Just as soon as the people of God are sealed in their foreheads—it is not any seal or mark that can be seen, but a settling into the truth, both intellectually and spiritually, so they cannot be moved—just as soon as God’s people are sealed and prepared for the shaking, it will come.”—EGW, The Faith I Live By 285. Huling Pananalita. “Pagdakang ang bayan ng Diyos ay natatakan sa kanilang noo—ito’y hindi isang tatak o marka na makikita, kundi isang pagkakatatag sa katotohanan, pareho ng isip at espirituwal, kaya hindi sila matitinag—pagdakang ang bayan ng Diyos ay natatakan at naihanda sa pagliliglig, ito’y darating.”—EGW, The Faith I Live By 285.
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.