Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

ORGANISASYON NG IGLESIA AT PAGKAKAISA

Similar presentations


Presentation on theme: "ORGANISASYON NG IGLESIA AT PAGKAKAISA"— Presentation transcript:

1 ORGANISASYON NG IGLESIA AT PAGKAKAISA
Liksyon 12 para sa ika-22 ng Disyembre, 2018

2 Kinikilala ng lahat na mananampalataya si Kristo bilang ulo ng iglesia
Kinikilala ng lahat na mananampalataya si Kristo bilang ulo ng iglesia. Gayunman, kailangan ang isang antas ng organisasyon para sa misyon at pagkakaisa ng iglesia. Pinapalago ng mga pinuno ang pagkakaisa sa paglilingkod na may kababaan, pagtayo sa katotohanan, pagdisiplina upang magligtas, at ayusin ang iglesia para sa misyon. Kailangang tandaan ng iglesia ang sumusunod upang maingatan ang pagkakaisa: PAMUMUNO: Kristo, ang Ulo Pamumuno bilang lingkod ORGANISASYON: Doktrina Disiplina MISYON.

3 KRISTO, ANG ULO “Sapagka't ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan.” (Efeso 5:23) Ang ulo ang nangangasiwa ng lahat ng parte ng katawan. Walang magawa ang katawan pag walang ulo. Walang buhay ang Iglesia kung wala si Kristo, mali-mali at walang patutunguhan ang kanyang mga kilos kung wala Siya bilang Ulo. Ibinigay din na halimbawa ni Pablo ang asawang lalaki bilang ulo ng pamilya (Efeso 5:23-27). Bawat mananampalataya ay dapat magpasakop sa kapangyarihan ni Jesus. Walang pinahintulutang pangunahan ang Iglesia sa kanyang sarili lamang. Habang lumalaki ang pananagutan ng pinuno, nagiging mas kailangan niyang magpasakop sa pangunguna Niya.

4 PAMUMUNO BILANG LINGKOD
“Sa inyo'y hindi magkakagayon: kundi ang sinomang magibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo.” (Mateo 20:26) Karamihan sa mga organisasyon dito sa mundo (bansa, negosyo...), mas maraming prebilehiyo ang mga pinuno kaysa sa mga nasasakupan nito. Ngunit, ang mga pinuno ng Iglesia ay naglilingkod sa iba sa halip na isipin ang pansariling pakinabang. Hindi sila naghahangad ng sariling kaluwalhatian kundi ay para sa pinaka- mabuti ng bawat miyembro ng Iglesia (1 Peter 5:2-3). Mas matibay ang pagkakaisa ng Iglesia kung ang mga pinuno ay konektado kay Kristo, ipinapakita sa kanilang buhay ang Kanyang aral at itinuturo ito sa iba (2 Timoteo 2:15).

5 The Second Coming of Jesus
DOKTRINA “Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na tandaan ninyo yaong mga pinanggagalingan ng pagkakabahabahagi at ng mga katitisuran, laban sa mga aral na inyong nangapagaralan: at kayo'y magsilayo sa kanila.”(Roma 16:17) Kailangan ang mga doktrinang nakabase sa Biblia upang mapanatili ang pagkakaisa sa Iglesia. Binalaan tayo ni Pablo na sa Huling Araw “magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga guro” at “hindi nila titiisin ang magaling na aral” kundi ay ilalayo ang kawan sa katotohanan (2 Timoteo 4:1-4). The Holy Bible Salvation by grace The Second Coming of Jesus The moral law The prophetic gift The Sabbath A worldwide movement The health principles Pinayuhan tayo ni Pablo na hamonin, busisihin, at ihimok ang mabuting doktrina (v. 2). Dumarami ang maling doktrina at imoralidad sa panahon ngayon. Dapat nating gamitin ang Kasulatan upang magturo, magbusisi at magwasto (2 Timoteo 3:16).

6 DISIPLINA “Mga kapatid, kung ang sinoman ay masumpungan sa anomang pagsuway, kayong mga sa espiritu, ay inyong papanumbalikin ang gayon sa espiritu ng kahinhinan; na iyong pagwariin ang iyong sarili, baka ikaw naman ay matukso.” (Galacia 6:1) Kailangan ang disiplina sa pagkakaisa at kalinisan ng Iglesia. Dapat lagi itong nakabase sa mga tagubilin ng Biblia sa Mateo 18:15-20 at Galacia 6:1-2. Magkaroon ng saloobin na iligtas ang taong dinidisiplina: Magpakita ng pag-ibig, dahil makakatulong ito sa nagkasala na mapansin ang pagkakamali at ang pangangailangan na magsisi. Magpakita ng pag-ibig sa Iglesia, dahil iniingatan ito nito mula sa mga maling doktrina at maling gawain. Magpakita ng pag-ibig sa mundo, dahil nagpapahayag ito ng patotoo na nagpapakita ng malinaw na kapangyarihan ng ebanghelyo na makapagpabago. Magpakita ng pag-ibig kay Kristo, dahil tapat itong nagpapakita ng Kanyang katangian at iniingatan ang Kanyang reputasyon.

7 MISYON “Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.” (Mateo 28:19) Nagkakaisa at gumagawang mainam ang mga tao kung meron silang iisang hangarin. Ano ang iisang hangarin natin sa Iglesia? Ang pagsasamasama upang palakasin ang ating pagkakaibigan at himukin ang iba sa ating paniniwala ay hindi ating pakay, kundi ito’y resulta ng pagkakaroon natin ng iisang misyon. Ang misyong iyon ay ang paggawa ng mga alagad ni Kristo. Kilalanin ang mga hindi pa nakakikilala kay Kristo ngunit binibinyagan sila at tinuturuan ng katotohanan. Lalago ang pamilya ng Dios dahil ang mga bagong alagad ay gagawa ulet ng marami pang alagad. Isa tayong nagkakaisang pamilya namay iisang misyon: ipangaral ang Ebanghelyo.

8 “Nauuna ang isipan ng iba na habang papalapit ang huling araw, bawat anak ng Dios ay gagawang hiwalay sa anumang relihiyosong organisasyon. Ngunit akoy tinuruan ng Panginoon na sa gawaing ito ay walang taong nagsasarili. Ang lahat ng mga bituin sa langit ay nagpapasakop sa tuntunin, na umaakit sa isa’t-isa na sundin ang kalooban ng Dios, at sumusunod sa batas na namamahala sa kanilang kilos. At upang sumulong ang gawain ng Dios, na matatag at malusog, ang kanyang bayan ay kailangang magkaisa.” E.G.W. (Selected Messages, book 3, cp. 3, p. 26)


Download ppt "ORGANISASYON NG IGLESIA AT PAGKAKAISA"

Similar presentations


Ads by Google