Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Ng: Pangkat Dalawa (Pangkat Tatlo sa Pag-uulat)

Similar presentations


Presentation on theme: "Ng: Pangkat Dalawa (Pangkat Tatlo sa Pag-uulat)"— Presentation transcript:

1 Ng: Pangkat Dalawa (Pangkat Tatlo sa Pag-uulat)
Libelo (libel) Ng: Pangkat Dalawa (Pangkat Tatlo sa Pag-uulat)

2 Ano ang libelo? Ang paninirang puri sa kapwa ay labag sa batas. Kung ito ay nasusulat, ito ay libelo. Kung ito naman ay binigkas ang tawag dito ay islander (slander).

3 Ano ang libelo? Subalit libelo pa rin ang turing kung ang paninirang puri ay binigkas sa radyo o telebisyon.

4 Katuturan 1. Ang libelo ay isang pampubliko’t pasulat na may masamang hangaring paninirang puri ng tao dahil daw sa isang krimen o isang bisyo, depekto, tunay o guniguni man o isang pagkilos,

5 Katuturan o isang pangyayaring nagiging patunay sa kawalang karangalan; isang pagpula o paglapastangan sa isang tao o pagdungis ng alaala ng isang namatay na. – Art. 358, Binagong Kodigo Penal

6 Katuturan 2. Ang libelo ay isang publikasyon, nasusulat o nalilimbag, hayagang pagpula (defamatory) sa isang tao, maging buhay man o patay.

7 Katuturan 3. Ang libelo ay isang paninirang puri o hayagang pagpula kung ito’y magiging dahilan ng pagsira ng karangalan, pula o paglapastangan sa isang tao o pagdungis ng alaala ng isang namatay na.

8 Katuturan 4. Ang libelo ay isang paninirang puri (defamation); ito’y paglabag sa karapatan ng karangalan. Alinmang nasusulat o nalilimbag, na pagtatalusira sa karapatan ng mabuting pangalan ng iba

9 Katuturan Alinmang nasusulat o nalilimbag, na pagtatalusira sa karapatan ng mabuting pangalan ng iba ay kasalanang kriminal o sibil o kapwa at dapat ipailalim sa makatarungang pagbibigay-lunas (redress).

10 Mga Pagkakakilanlan (Requisites) sa Libelo

11 Mga Pagkakakilanlan (Requisites) sa Libelo
1. Paninirang puri sa karangalan (defamatory imputation)

12 Mga Pagkakakilanlan (Requisites) sa Libelo
2. Malisya, maging sa batas o sa paksa (malice either in law or in fact).

13 Mga Pagkakakilanlan (Requisites) sa Libelo
3. Pagpapalimbag ng paninirang puri (publication of the imputation)

14 Mga Pagkakakilanlan (Requisites) sa Libelo
4. Pagkakilala’t pagtiyak sa biktima (identity and certainty of the person libelled).

15 Paninirang Puri at Hayagang Pagpula sa Karangalan

16 Paninirang Puri at Hayagang Pagpula sa Karangalan
Ang pangungusap ay hayagang pagpula kung ito’y magiging sanhi ng pagkamuhi, pagkutya o paglapastangan sa kinauukulan ng kanyang kapwa o kung ito’y magiging sanhi ng paglayo ng tao sa kanya;

17 Paninirang Puri at Hayagang Pagpula sa Karangalan
Ang isang paghahatid ng balita ay hayagang pagpula kung ito’y makasisira sa karangalan ng iba, mapapababa ang pagkilala sa kanya ng pamayanan;

18 Paninirang Puri at Hayagang Pagpula sa Karangalan
Ang isang pahayagan ay maaaring maging mapanirang puri (libelous) kahima’t ito’y nag-aaliw o dili kaya’y matalinong tumugon lamang sa pamumuna ng kalaban.

19 Malisya (Malice)

20 Malisya (Malice) Ang publikasyon ay malisya kung ito’y walang pahintulot na pagpapalimbag na hayagang pagpula na walang pagpapatawad ng batas. Ito’y tinatawag na malice in law.

21 Malisya (Malice) Malisya pa rin kung ito’y nangangahulugan ng masamang motibo, o di-mabuting kalooban sa pagpapalimbag. Ito’y tinatawag na malice in fact.

22 Pagpapalimbag

23 Pagpapalimbag Hindi sapat ang isang isyu na may paninirang puri ay naipalimbag ng isang editor o newsmen upang siya’y panagutin sa salang libelo.

24 Pagpapalimbag Siya’y mananagot lamang kung tiyak ang kanyang malisya at kung ito’y nabasa ng iba.

25 Pagpapalimbag n.b. Kung ang paninirang puri (defamation) ay nai-broadcast sa radyo o telebisyon ito ay maituturing na libelo pa rin kahit hindi nailimbag.

26 Pagkilala sa Biktima ng Libelo

27 Pagkilala sa Biktima ng Libelo
Ang huling kailangan o requisite para mapatunayan ang salang libelo ay ang malinaw na pagkilala ng biktima ng libelo kahit hindi binanggit ang kanyang pangalan.

28 Pagkilala sa Biktima ng Libelo
Kung walang tiyakang sinasabi o inilalarawan nang husto sa isang bagay na sinasabing libelo, hindi maisasakdal ang nasabing nagkasala.

29 Pagkilala sa Biktima ng Libelo
Samakatuwid, kung ang artikulo ay walang tinutukoy at hindi tumutukoy sa sinumang tao, walang pruwebang hinihingi ng batas upang bigyang daan ang kasong libelo ng nasaktang partido.

30 Mga Mananagot sa Libelo

31 Mga Mananagot sa Libelo
Ang mga taong (hayop na) may pananagutan sa publikasyon ng libelo ay ang mga sumusunod:

32 Mga Mananagot sa Libelo
1. Sinumang tao na naglilimbag, nagtatanghal o naging dahilan ng paglilimbag o pagtatanghal ng isang nakasulat o nakalathalang paninirang puri ay siyang mananagot.

33 Mga Mananagot sa Libelo
2. Ang may-akda at editor ng isang aklat o polyeto (pamphlet) at ang editor na tagapangasiwa ng pahayagan, magasin o seryal na publikasyon ay silang mananagot sa paninirang puri na

34 Mga Mananagot sa Libelo
na nakalathala sa mga pahina niyon na wari’y sila ang may-akda noon.

35 Mga Mananagot sa Libelo
3. Ang may-ari ng palimbagan ay mananagot rin, ngunit di laging gayon.

36 Dalawang Uri ng Libelo

37 Dalawang Uri ng Libelo May dalawang uri ng libelo – ang libelo per se at ang libelo per quod.

38 Dalawang Uri ng Libelo Ang libelo per se (by or in itself) ay isang paninirang puri na di na kailangan pang patunayan.

39 Dalawang Uri ng Libelo Ayon sa Korte Suprema, ang mga ito ay maliwanag na nakapanira o nakasakit sa damdamin ng tao na di na kailangang patunayan na ang mga ito ay nakakasama at nakakapinsala.

40 Dalawang Uri ng Libelo Sa libelo per quod (by provable evidence) naman, kinakailangan pa na ang paninirang puri ay mapatunayan na nakapinsala.

41 Mga Halimbawa ng Libelo Per Se:

42 Mga Halimbawa ng Libelo Per Se:
Ang mga sumusunod, ayon kay


Download ppt "Ng: Pangkat Dalawa (Pangkat Tatlo sa Pag-uulat)"

Similar presentations


Ads by Google