Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Banal na Sakripisyo ng Misa

Similar presentations


Presentation on theme: "Banal na Sakripisyo ng Misa"— Presentation transcript:

1 Banal na Sakripisyo ng Misa
Ang Kahulugan ng Sakripisyo para sa Katolikong Dumadalo sa Misa

2 Ang Eukaristiya bilang Sakripisyo
1. Ano po ang kahulugan sa Katolikong pananampalataya ng sinasabi nating “banal na sakripisyo ng Misa?”

3 Ang Eukaristiya bilang Sakripisyo
2. Saang bahagi ng misa natin matutunghayan ang katotohanan ng Misa bilang sakripisyo?

4 Ang Eukaristiya bilang Sakripisyo
3. May saligan ba mula sa Banal na Kasulatan ang katotohanang ito?

5 Lukas 4, 16-30 Katulad ng nakagawian niya, nagbasa si Hesus sa sinagoga ng sarili niyang bayan [Lk 4, 16-17]. Nagpuri sila nang sabihin niyang “naganap ngayon sa inyong harapan ang katotohanan ng binasa” [Lk 4, 21] misyon ng kaligtasan para sa lahat. Mula sa pagpupuri, biglang napuno ng pagkasuklam at galit ang mga tao [Lk 4, 28-29]. Ibubulid sana siya sa bangin subalit lumakad lamang siya sa gitna nila [Lk 4, 30].

6 Ang Lk 4, 16-30 ay susi sa kabuoan ng Ebanghelyo ayon kay San Lukas.
Paano natin Uunawain? Ang Lk 4, ay susi sa kabuoan ng Ebanghelyo ayon kay San Lukas. Marami sa mga temang mahalaga sa ebanghelyong ito kasama na ang kahulugan ng kamatayan ni Hesus ay binigyang boses sa bahaging ito.

7 Paano natin Uunawain? [Programa ng misyon ni Hesus, mainam na pagtanggap sa simula, pagtuligsa “hindi ba ito ang anak ni Jose? (Lk 4, 22), kaligtasan para sa buong mundo, kawalang pag-unawa ng sarili niyang mga kababayan, karahasan, ngunit hindi siya nagapi ng kamatayan].

8 Kaugnayan ng Lk 4, 16-30 sa Misa bilang Sakripisyo
Kung ipapares sa Jn 10, kung saan nais na sanang batuhin si Hesus ng mga Hudyo hanggang sa mamatay, ang Lk 4,16-30 ay ipinapabatid din sa atin ang mensaheng hindi lamang biktima si Hesus ng karahasan kaya siya namatay sa krus. Kapwa ang Ebanghelyo ayon kay San Lukas at San Juan ay nangusap sa “tamang panahon” ni Hesus at ang panahong iyon ay oras na malaya at kusang-loob na niyakap ni Hesus ang sakripisyo ng Krus.

9 Mga Ugat ng Eukaristiya mula sa Lumang Tipan
Marami at naging masalimuot ang pamamaraan ng pagsamba at panalangin ng komunidad ng mga Hudyo na maituturing na ninuno ng Kristiyanong pagdiriwang ng Eukaristiya.

10 Mga Ugat ng Eukaristiya mula sa Lumang Tipan
Hindi lamang iisa ang pinanggalingan bagkus niyayakap lahat. Katangi-tangi pa ring kaganapan ng mga ito ang Kristiyanong Eukaristiya.

11 Mga Ninuno at Ugat ng Eukaristiya
zebah (sakripisyo): iniaalay ang hayop bilang handog na ihahain; “kakatayin ang hayop upang kainin” iyon ang kahulugan ng salitang ito kaya nga may paggamit din ng salitang zebah upang tukuyin ang isang bangkete o salu-salo.

12 Mga Ninuno at Ugat ng Eukaristiya
minha (alay): nangangahulugan ng pagbabalik pasasalamat ng isang katiwala sa kanyang panginoon; maaaring ialay ang tinapay o harina na inihanda sa iba’t ibang paraan kasama ang langis, asin at alak.

13 Mga Ninuno at Ugat ng Eukaristiya
May 2 Uri naman ng zebah (sakripisyo): ‘ôla (papaakyat): sinusunog ang buong katawan ng hayop na ihahain; paakyat ang usok o iniaakyat sa altar; inilalagay ang abo sa isang espesyal na sisidlan.

14 Mga Ninuno at Ugat ng Eukaristiya
May 2 Uri naman ng zebah (sakripisyo): zebah shelamin (sakripisyong pakikibahagi): may bahaging para lang sa Diyos ngunit may bahaging kakainin ng mga nagsidalo; halimbawa ang dugo ng tupa ay ibubuhos sa altar at ang taba nito at ilang bahagi ay susunugin habang ang karne nito’y ipapakain sa mga dumalo.

15 Tuwing Kailan may Sakripisyo sa LUMANG TIPAN?
Sakripisyo ng Tipan (Pasch / Covenant) na parehong sakripisyong pakikibahagi at pagsusunog (pagpapaakyat) [Ps 50]. Sakripisyo para sa Kapatawaran ng Kasalanan (yum kippur) [lev 23, 26-32]. Sakripisyo ng Pasasalamat (beraka) na siyang pinakamalapit sa Eukaristiya sapagkat ito ang literal na kahulugan nito. [Lev 7, 12].

16 Sakripisyo sa Bagong Tipan
Sa Tradisyon ng mga manunulat sa Bagong tipan lalo pa nina Mateo at Markos ipinapakita kung paanong binibigyang kahulugan ng mga unang Kristiyano ang ginagawa nila sa Banal na Eukaristiya sa pamamagitan ng paggamit ng mga terminolohiya at wika ng sakripisyo na matutunghayan sa Lumang Tipan [Mt 26, 28; Mk 14, 24; ihambing sa Eksodo 24, 3-8; Lev 17, 11; Ps 50].

17 Eukaristiya: Sakripisyo sa Luma at Bagong Tipan
Minha ng mga unang bunga [Dt 26] ay ginamit ni San Pablo upang pag-usapan si Hesus na siyang unang bunga ng bagong paglikha; panganay ng bagong sangkatauhan at ng mga mabubuhay muli mula sa kamatayan [1Cor 15, 20; Rom 8, 29; Col 1, 15-18]. Sa Eukaristiya si Hesus ang unang bunga na iniaalay natin sa Ama; malinaw ang kaugnayan ng misa sa minha lalo na sa bahagi ng paghahanda ng mga alay.

18 Eukaristiya: Sakripisyo sa Luma at Bagong Tipan
Ang Ganap at kusang loob na pag-aalay ni Hesus sa Ama ay ‘ôla (papaakyat), siya sa kanyang kaganapan ay parang sinunog at buong buong inihain sa ama. Sa kamatayan, kusang loob siyang naging handog hanggang sa misteryo ng kanyang pag-akyat sa langit (ascension) [Hebrews 9, 24-26].

19 Eukaristiya: Sakripisyo sa Luma at Bagong Tipan
Nakita na rin natin nuong basahin natin ang mga salu-salong dinaluhan ni Hesus kung paanong ang bawat Eukaristiya ay tunay na salu-salo: ang tinapay ay tunay na pagkain at ang alak ay tunay na inumin kasabay ng misteryo ng sinabi ni Hesus na ito ay hindi na lamang basta tinapay at alak kundi kanyang katawan at dugo [Jn 6, 55-56]. Bawat misa samakatuwid ay zebah shelamin (komunyon / pakikibahagi).

20 Eukaristiya: Sakripisyo sa Luma at Bagong Tipan
Ang Eukaristiya ay Sakripisyo ng Bagong Tipan na pinagtibay ng dugo ni Hesus at pinapatunayan ng kanyang katawan at dugo na ginagawa tayong mga kasalo sa hapag at piging ng Panginoon.

21 Eukaristiya: Sakripisyo sa Luma at Bagong Tipan
Tahasang binabanggit ng Eukaristiya natin ang kahulugan nito bilang pagpapatawad din ng kasalanan: “Dugong ibubuhos para sa inyo at para sa lahat sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan…” Eucharistikon: tipan ng pasasalamat; ugat na salita ng Eukaristiya.

22 Eukaristiya: Ugat sa Lumang Tipan
Niyayakap ng Eukaristiya (Eukaristikon) samakatuwid ang minha ng unang bunga, zebah shelamin (komunyon), ‘ôla (papaakyat), , Sakripisyo ng Tipan (Pasch), Sakripisyo ng Pagpapatawad (Yom Kippur) at Sakripisyo ng Pasasalamat (Berakah) bagamat nilalampasan din ang lahat ng ito bilang kaugnay ng katangi-tanging sakripisyo ni Hesus sa Krus [Hebrews 10, 11-18].

23 Katangi-tanging Sakripisyo
Natatanging sakripisyo sa Bagong Tipan: Kamatayan ni Kristo sa Krus ang siyang tinutunguhan ng lahat ng sakripisyo sa Lumang Tipan.

24 Katangi-tanging Sakripisyo
Kamatayan ni Hesus bilang sakripisyo at tunay na sakripisyong katangi-tangi at higit sa lahat [Heb 10, 10] Itong natatanging sakripisyo ng buhay ni Hesus ang pinapakinabangan sa lahat at bawat Misa [Heb 9, 24-26]

25 Katangi-tanging Sakripisyo
Ang kaganapan ng muling pagkabuhay ni Hesus at pag-akyat niya sa langit ay dapat alalahanin din dito [ôla / papaakyat]. Ang kanyang kamatayan ay nagdulot ng bagong tipan at kapatawaran ng mga kasalanan [padaplis lamang na testimonya ng tagumpay].

26 Katangi-tanging Sakripisyo
Ngunit kaya natin ipinagdiriwang ang kanyang kamatayan ay sapagkat nabuhay siyang muli at umakyat sa langit at ang bahagi ng “hanggang sa kanyang pagbabalik” [1cor 11, 26] ay nagbubukas abot-tanaw sa katotohanang ito.

27 Salita sa Liturhiya ng Misa
“Manalangin kayo mga kapatid upang ang ating paghahain ay kalugdan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat…” “Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan at sa kapakinabangan ng kanyang sambayanang banal.”

28 Salita sa Liturhiya ng Misa
Sa Ikalawang Panalanging Eukaristiko ay palagi nating naririnig: “Noong gabing ipinagkanulo siya bago niya pinagtiisang kusang loob na maging handog…” Sa Ikatlong Panalanging Eukaristiko ay atin namang maririnig: “Kaya naman aming iniaalay sa iyo ang buhay at banal na paghahaing ito… Masdan mo ang iyong anak na nag-alay ng kanyang buhay upang kami ay ipagkasundo sa iyo at ang simbahang naghahandog sa iyo ….”

29 Mga Ugnayan Natunghayan na po natin ang mga pagsamba sa lumang tipan na maituturing nating ninuno ng Eukaristiya, nakita na rin natin kung paanong ginamit ng mga manunulat ng Bagong Tipan ang Lumang Tipan para pag-usapan ang Bagong Sakripisyo ng Eukaristiya, gayun din nakita po natin kung paanong sa kasalukuyang pagdiriwang ng misa naroon ang katotohanan ng usapang paghahain at sakripisyo; ngunit ano ang kaugnayan ng lahat ng ito sa kusang loob na paghahandog ng sarili ni Hesus sa krus [Lk 4, 16-30; Jn 10, 22-39]?

30 Hiningi po ba ng Ama ang Dugo ng Kanyang Anak?
Sa Lumang Tipan pa lamang ay malinaw na ang pagtuligsa sa sakripisyo ng pagkitil sa buhay ng tao [Lev 20, 2; Dt 12, 30ss; 2Hari 16, 3; 17, 31; 23, 30; Ps 106, 37 ss; Jer 7, 30ss; 19, 3ss; Ez 16, 20; Wis 12, 4ss].

31 Hiningi po ba ng Ama ang Dugo ng Kanyang Anak?
Higit sa lahat ang sakripisyo ni Abraham kay Isaac na pinigilan ng Panginoon ang siyang pinaka-katapusan ng gawaing ganito [Gen 22, 1-14].

32 Hiningi po ba ng Ama ang Dugo ng Kanyang Anak?
Nagkakaisa ang mga nag-aaral sa Banal na Kasulatan upang sabihing hindi tinanggihan ng Panginoon ang sakripisyo ni Abraham. bagamat pinapalitan ng Diyos ng hayop na sinunog sa halip na ang anak, ang tunay na nais niya mula kay Abraham ay ang PERSONAL nitong pagtalima.

33 Hiningi po ba ng Ama ang Dugo ng Kanyang Anak?
Totoo din kay Hesus ang ginanap ni Abraham. Hindi ito ritwal ng pagsasakripisyo na kinikitil ang handog sa isang altar, templo, saka sinusunog ang handog at nagkakabangkete.

34 Nakapako si Hesus sa krus, sa bundok ng golgotha bilang pinaratangang kriminal dahil sa personal na pagtalima sa kalooban ng Ama: Sakripisyo ito ng buhay.

35 Hiningi po ba ng Ama ang Dugo ng Kanyang Anak?
Personal na pagtalima ni Abraham ang sinasalamin sa sinunog na handog niya na pinapalitan ng Panginoon [sa halip na kanyang anak hayop na lang]. at personal na pagtalima ng Panginoong Hesus ang pinapakinabangan sa bawat Misang anamnesis ng kanyang huling hapunan at sakripisyo sa krus [pagsasang-ayon].

36 Samakatuwid… May pagpapatindi at pagpapalawig ng tema ng sakripisyo kay Abraham at sa Panginoong Hesus. Higit pa sa ritwal, ang mahalaga ay ang paghahain ng PERSONAL NA PAGTALIMA AT PAGMAMAHAL.

37 Samakatuwid… Hindi ang sakit ng krus, kundi tindi ng pag-ibig ang tinanggap ng Ama sa pag-aalay ng sarili ni Hesus.

38 Dapat Tandaan kung gayon…
Sa bawat misang dinadaluhan natin dapat kaakibat ng paghahain ng sakripisyo ni Hesus isinasama din natin ang ating pagtalimang personal at pag-aalay ng buhay:

39 Dapat Tandaan kung gayon…
“Ang hain ko ay ang pagsisisi sa kasalanan…mangumpisal ng kasalanan ang sakripisyong marangal…ang katanggap-tanggap na sakripisyo sa Diyos ay pusong wasak sa pagsisisi” [Ps 50, ; 51, 19]

40 Dapat Tandaan kung gayon…
Kasabay ng pakikinabang natin sa sakripisyo ni Hesus isinasama din natin ang ating pagtalimang personal at pag-aalay buhay: “sakripisyo at hain ay di mo nais; ngunit binigyan mo ako ng bukas na tainga. Sinunog na handog at handog ng pagsisisi ay di mo hiningi. Matapos ay sinabi ko, ‘lumapit ako sa pahina ng aklat na nakasulat doon tungkol sa akin; kagalakan kong tumalima at gawin ang kalooban mo o Panginoon; ang batas mo ay nasasaloob ng aking puso” [ Ps 40, 6-8]

41 Habilin pa ng Santo Papa
“Ang aktibong pakikiisa ng mananampalataya ay marapat unawain nang mas malalim; dapat maunawaan ang misteryo na pinagdiriwang natin sa misa at ang kaugnayan ng Eukaristiya sa pang-araw araw na buhay. " Benito 16, Sacramentum Caritatis, 52

42 SEE YOU ALWAYS IN THE EUCHARIST!
MARAMING SALAMAT. SEE YOU ALWAYS IN THE EUCHARIST!


Download ppt "Banal na Sakripisyo ng Misa"

Similar presentations


Ads by Google