Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
1
DIVINE MERCY NATOMAS CATHOLIC CHURCH
Simbang Gabi December 18, 2011
2
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
3
Loving God, you speak to us and nourish us through the life of this church community. In the name of Jesus, we ask you send your spirit to us so that men and women among us, young and old, will respond to your call to service and leadership in the church.
4
We pray especially in our day for those who hear your invitation to be a priest, sister, brother or deacon. May those who are opening their hearts and minds to your call be encouraged and strengthened through our enthusiasm in your service. Amen.
5
AWITING PAMBUNGAD HALINA, EMANUEL
6
Halina, O Emanuel, At tubusin ang Israel Nalulungkot sa pagkatapon, Hinihintay Anak ng D'yos. Magdiwang na, Emanuel ay darating, O Israel!
7
Halina, O Karunungan, Tagapag-ayos nang tanan, Sa matuwid kami'y turuan, Laging ang loob mo'y sundin. Magdiwang na, Emanuel ay darating, O Israel!
8
ANG BANAL NA MISA
9
Pari: Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.
Pagbati Pari: Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.
10
At sumainyo rin. Pagbati
Pari: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyo lahat. At sumainyo rin.
11
PAGSISI NG KASALANAN
12
Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang,
13
kaya isinasamo ko sa mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.
14
Kyrie Panginoon maawa ka (3x) Kristo maawa ka (2x) Kristo, Kristo maawa ka Panginoon maawa ka(4x)
15
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
16
Pagbasa sa ikalawang aklat ni Samuel 2 Samuel 7:1-5, 8-11, 16
Unang Pagbasa Pagbasa sa ikalawang aklat ni Samuel 2 Samuel 7:1-5, 8-11, 16
17
Nang nakatira na si David sa kanyang bahay at iniligtas na siya ng Panginoon sa lahat niyang kaaway sa paligid, winika ng hari sa propeta Natan, “Tingnan mo, ako’y nakatira sa isang bahay na sedro, samantalang ang Kaban ng Dios ay nasa kubol.”
18
Sinagot siya ni Natan, “Lumakad ka at gawin ang lahat ng sinasabi ng iyong puso, sapagkat sumasa iyo ang Panginoon.” Nang gabing iyon, ang Panginoon ay nagsalita kay Natan, “Humayo ka at sabihin sa aking lingkod na si David: Ito ang ipinasasabi ng Panginoon. Binabalak mo bang magtayo ng isang bahay na aking tirahan?
19
“Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga hukbo
“Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga hukbo. Kinuha kita sa pastulan, sa pag-aalaga ng kawan upang gawin kang pangulo ng aking bayang Israel. Sumaiyo ako sa lahat ng lakad mo, pinuksa ko ang lahat ng kaaway mo at ipinagbantog kita na gaya ng mga pinakadakila sa lupa.
20
Paglalaanan ko ang aking bayang Israel ng isang matatag na pook na dito’y walang gagambala sa kanya sapagkat hindi siya sisiilin ng masama gaya noong una. Ito’y mangyayari mula sa araw na maglagay ako ng mga hukom sa aking bayang Israel at sugpuin ang lahat ng kaaway mo. Ipinasasabi sa iyo ng Panginoon na ikaw ay igagawa niya ng isang sambahayan.
21
Ang iyong sambahayan at kaharian ay mananatili magpakailan man at magiging matatag ang luklukan mo magpasawalang hanggan.”
22
Lector : Ang Salita ng Diyos Lahat: Salamat sa Diyos.
23
For ever I will sing the goodness of the Lord.
Responsorial Psalm For ever I will sing the goodness of the Lord.
24
Ikalawang Pagbasa Pagbasa sa sulat ni San Pablo Apostol sa mga taga Roma Romans 16: 25-27
25
Mga Kapatid, purihin ang Dios na makapagpapatibay sa inyo sa pamamagitan ng Mabuting Balita tungkol kay Jesucristo na ipinangangaral ko sa inyo. Ang Mabuting Balitang iyan ay isang hiwaga na nalihim sa mahabang panahon, at sa utos ng Dios ay nahayag sa mga Hentil upang sila ay manalig at tumalima kay Cristo.
26
Ang lahat ng iyan ay ayon sa mga sulat ng mga propeta
Ang lahat ng iyan ay ayon sa mga sulat ng mga propeta. Sa iisang Dios na siya lamang marunong sa lahat – sa kanya ang karangalan magpakailan man sa pamamagitan ni Jesucristo. Amen.
27
Lector : Ang Salita ng Diyos Lahat: Salamat sa Diyos.
28
MABUTING BALITA
29
Alelu, Alelu, Aleluya (2x) Purihin ang Diyos, Aleluya
30
Cantor: Narito ang lingkod ng Panginoon: maganap nawa sa akin ang iyong sinabi.
31
Alelu, Alelu, Aleluya (2x) Purihin ang Diyos, Aleluya
32
Priest: A reading from the holy Gospel according to Luke
Priest: The Lord be with you. And with your spirit. Priest: A reading from the holy Gospel according to Luke Glory to you, O Lord.
33
THE GOSPEL Luke 1: 26-38
34
The angel Gabriel was sent from God to a town of Galilee called Nazareth, to a virgin betrothed to a man named Joseph, of the house of David, and the virgin's name was Mary. And coming to her, he said, "Hail, full of grace! The Lord is with you."
35
But she was greatly troubled at what was said and pondered what sort of greeting this might be. Then the angel said to her, "Do not be afraid, Mary, for you have found favor with God.
36
"Behold, you will conceive in your womb and bear a son, and you shall name him Jesus. He will be great and will be called Son of the Most High, and the Lord God will give him the throne of David his father, and he will rule over the house of Jacob forever, and of his kingdom there will be no end."
37
But Mary said to the angel, "How can this be, since I have no relations with a man?“ And the angel said to her in reply, "The Holy Spirit will come upon you, and the power of the Most High will overshadow you. Therefore the child to be born will be called holy, the Son of God.
38
And behold, Elizabeth, your relative, has also conceived a son in her old age, and this is the sixth month for her who was called barren; for nothing will be impossible for God.“ Mary said, "Behold, I am the handmaid of the Lord. May it be done to me according to your word.“ Then the angel departed from her.
39
Praise to you, Lord Jesus Christ.
Priest: The Gospel of the Lord. Praise to you, Lord Jesus Christ.
40
HOMILY
41
PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
42
Sumasampalataya ako sa isang Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa, ng lahat na nakikita at di nakikita. Sumasampalataya ako sa iisang Panginoong Hesukristo, bugtong na Anak ng Diyos, sumilang sa Ama bago pa nagkapanahon.
43
Diyos buhat sa Diyos, liwanag buhat sa liwanag, Diyos na totoo buhat sa Diyos na totoo. Sumilang at hindi ginawa, kaisa ng Ama sa pagka-Diyos, at sa pamamagitan niya ay ginawa ang lahat. Dahil sa ating pawang mga tao at dahil sa ating ating kaligtasan, siya ay nanaog mula sa kalangitan.
44
(Lahat ay yuyuko*) *Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo kay Mariang Birhen at naging tao.* Ipinako sa krus dahil sa atin. Nagkasakit sa hatol ni Poncio Pilato, namatay at inilibing.
45
Muli siyang nabuhay sa ikatlong araw ayon sa banal na kasulatan
Muli siyang nabuhay sa ikatlong araw ayon sa banal na kasulatan. Umakyat siya sa kalangitan at lumuklok sa kanan ng Amang Maykapal. Paririto siyang muli na may dakilang kapangyarihan upang hukuman ang mga buhay at mga patay.
46
Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, Panginoon at nagbibigay-buhay na nanggagaling sa Ama at sa Anak sinasamba siya at pinararangalan kaisa ng Ama at ng Anak. Nagsalita siya sa pamamagitan ng mga propeta.
47
Sumasampalataya ako sa iisang banal na Simbahang Katolika at Apostolika gayundin sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan, at hinihintay ko ang muling pagkabuhay ng nangamatay at ang buhay na walang hanggan. Amen.
48
O Diyos naming tapat, dinggin Mo kami! (Faithful God, hear us!)
Panalangin ng Bayan O Diyos naming tapat, dinggin Mo kami! (Faithful God, hear us!)
49
PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN
50
PAGHAHANDONG NG SARILI
PAGHAHANDA NG MGA ALAY PAGHAHANDONG NG SARILI
51
Kunin mo, O Diyos at tanggapin Mo Ang aking kalayaan ang aking kalooban Ang isip at gunita ko Lahat ng hawak ko Lahat ng loob ko Lahat ay aking alay sa Iyo
52
Mula sa Iyo ang lahat ng ito Muli kong handog sa Iyo Patnubayan Mo't paghariang lahat Ayon sa kalooban Mo
53
Mag-utos Ka Panginoon ko Dagling tatalima ako Ipagkaloob Mo lang ang pag-ibig Mo At lahat ay tatalikdan ko Tatalikdan ko
54
… Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman.
Pari: Manalangin kayo mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.
55
(Tumayo at sumagot:) Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong sambayanan niyang banal.
56
PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT
57
At sumainyo rin. Itinaas na namin sa Panginoon. Marapat na
Pari: Sumainyo ang Panginoon. At sumainyo rin. Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa. Itinaas na namin sa Panginoon. Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos. Marapat na siya ay pasalamatan.
58
SANTO (Sanctus)
59
Panginoong Diyos na makapangyarihan
Santo, Santo, Santong Panginoong Diyos na makapangyarihan Napupuno ang langit at lupa ng kaluwalhatian Mo
60
Osana, Osana sa kaitaasan (2x)
Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon
61
Misteryo ng Pananampalataya
62
Si Kristo ay gunitain, sarili ay inihain Bilang pagkai’t inumin, pinagsasaluhan natin Hanggang sa Siya’y dumating (2x)
63
Amen, Amen Amen, Amen Amen
64
AMA NAMIN
65
Ama namin sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo
Mapasa-amin ang kaharian Mo, Sundin ang loob Mo, dito sa lupa para ng sa langit Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw At patawarin Mo kami sa aming mga sala
66
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin
At h’wag Mo kaming ipahintulot sa tukso At i-adya Mo kami sa lahat ng masama
67
Pari: Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang aming pinananabikan ang dakilang araw ng pagpapahayag ng tagapagligtas naming si Hesukristo.
68
Lahat: Sapagka’t iyo ang kaharian, ang kapangyarihan at ang kapurihan magpakailanman.
69
Simbolo ng Kapayapaan
70
Pari: Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga apostol: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag ang aming mga pagkakasala.
71
Pari: Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban. Kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Lahat: Amen.
72
Pari: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.
Lahat: At sumainyo rin. Pari: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t-isa.
73
KORDERO NG DIYOS (Lamb of God)
74
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka maawa ka sa amin (2X) Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan
75
KOMUNYON
76
Pari: Ito ang Kordero ng Diyos, ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
77
Lahat: Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo nguni’t sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
78
AWIT PANG KOMUNYON HALINA HESUS HALINA
79
KORO: Halina Hesus Halina Halina Hesus Halina
80
Sa simula isinaloob mo O Diyos kaligtasan ng tao Sa takdang panahon ay tinawag mo Isang bayang lingkod sa Iyo Gabay ng Iyong bayang hinirang Ang pag-asa sa Iyong Mesiyas Emmanuel ang pangalang bigay sa Kanya Nasa atin ang Diyos tuwina (KORO)
81
KORO: Halina Hesus Halina Halina Hesus Halina
82
Isinilang S'ya ni Maria Birheng tangi Hiyas ng Judea At Hesus ang pangalang binigay sa Kanya Aming Diyos ay tagapag-adya Darating muli sa takdang araw Upang tanang tao'y tawagin At sa puso Mo aming Ama'y bigkasin Sa pagibig na di mamaliw (KORO)
83
KORO: Halina Hesus Halina Halina Hesus Halina
84
AWIT PANG KOMUNYON PANANAGUTAN
85
Walang sinuman ang nabubuhay, Para sa sarili lamang Walang sinuman ang namamatay, Para sa sarili lamang KORO: Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N'ya
86
Sa ating pagmamahalan, At paglilingkod sa kanino man Tayo ay nagdadala ng balita ng kaligtasan KORO: Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N'ya
87
Panalanging Pagkapakinabang
88
Lahat: Amen.
89
PAGHAYO SA PAGWAWAKAS Pagbabasbas
90
Priest: Sumainyo ang Panginoon.
At sumainyo rin. Pari: Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, Ama at Anak at ng Espiritu Santo. Amen.
91
Pari: Taglayin ninyo sa inyong pag-alis ang kapayapaan ni Kristo.
Salamat sa Diyos.
92
ANG PUSO KO’Y NAGPUPURI
AWIT PANGWAKAS ANG PUSO KO’Y NAGPUPURI
93
Ang puso ko’y nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon Nagagalak ang aking espiritu sa ‘king Tagapagligtas Sapagkat nilingap N’ya kababaan ng Kanyang alipin Mapalad ang pangalan ko sa lahat ng mga bansa
94
Maraming Salamat Po!
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.