Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Kataga ng Buhay Hunyo 2017 “Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo.” (Jn 20:21)

Similar presentations


Presentation on theme: "Kataga ng Buhay Hunyo 2017 “Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo.” (Jn 20:21)"— Presentation transcript:

1 Kataga ng Buhay Hunyo 2017 “Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo.” (Jn 20:21)

2 Sa mga sumunod na araw matapos ang pagpako kay Hesus, hindi lumabas ang Kanyang mga alagad dahil sa takot at kalituhan.

3 Bagama’t si Hesus ay sinundan nila sa Kanyang mga nilakbay sa buong Palestina kung saan ipinahayag Niya ang magiliw na pagmamahal ng Diyos para sa bawat tao.

4 Si Hesus ay ipinadala ng Ama upang magbigay-patotoo sa Kanyang pag-ibig at ipakita sa sangkatauhan ang landas patungo sa Diyos.

5 Ang Diyos na Kanyang ipinahayag ay ang Santatlo, ang Diyos na nagkakaisa sa pagmamahalan at nagnanais na tipunin ang lahat ng tao sa Kanyang yakap.

6 Noong panahon ng misyon ni Hesus, maraming tao ang nakakita, nakarinig at nakaranas ng mga mabuti Niyang gawa, ng Kanyang mga salita, ng pagtanggap, pagpapatawad at pag-asa...

7 Pagkatapos, Siya ay hinatulan at ipinako.

8 Dito nakapaloob ang ipinahayag ni San Juan sa kanyang Ebanghelyo kung saan isinalaysay niya ang pagpapakita ni Hesus sa Kanyang mga alagad pagkatapos na Siya ay muling nabuhay nang ikatlong araw upang sila ay isugo na ipagpatuloy ang Kanyang misyong sinimulan.

9 “Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman,
sinusugo ko kayo.”

10 Parang sinasabi Niya ngayon sa atin, “Naalala mo ba na ibinahagi ko ang Aking buhay sa iyo at kung paano nito pinunan ang iyong pagkagutom at ang iyong pagkauhaw sa katarungan at kapayapaan?

11 Nakita mo ba ang pagpapagaling ng mga puso at mga karamdaman ng maraming taong iniwasan at itinakwil ng mga tao at lipunan?

12 Nakita mo ba kung paano ko ipinagtanggol ang karapatan ng mga mahihirap, mga balo at mga banyaga?

13 Ngayon, ipagpatuloy mo: ipahayag ang Ebanghelyo sa lahat
Ngayon, ipagpatuloy mo: ipahayag ang Ebanghelyo sa lahat. Sabihin sa kanila na nais ng Diyos na makilala Siya ng lahat ng tao; na lahat tayo ay magkakapatid.”

14 Ang bawat tao, na nilikhang kawangis ng Diyos na Pag-ibig, ay umaasam na Siya ay makatagpo. Ang lahat ng kultura at lipunan ay nagsisikap na bumuo ng ugnayan sa kanilang komunidad.

15 Subalit gaano kahirap na marating ang mithiing ito, napakahirap at maraming sagabal ang kailangang lampasan!

16 Sa kabila ng malalim na mithiing ito, batid natin ang ating mga kahinaan at limitasyon, ang kakitiran ng ating isipan at takot, kawalan ng tiwala at paghuhusga sa kapwa.

17 “Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman,
Subalit ang Panginoon, na may malaking pagtitiwala, ay patuloy na nag-aanyaya sa atin tulad ng ginawa Niya ng nakaraan: “Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo.”

18 Paano tayo makakatugon sa malakas na paanyayang ito?

19 Hindi ba’t ang misyong magbuo ng kapatiran sa watak-watak na mundo ay parang pagharap sa labanang siguradong hindi maipapanalo?

20 Kung sa ating sariling pagsisikap, tunay na hindi natin ito kakayanin
Kung sa ating sariling pagsisikap, tunay na hindi natin ito kakayanin. Kaya nga ba’t ipinagkaloob ni Hesus sa atin ang Banal na Espiritu, isang natatanging biyaya, upang tulungan tayo sa ating pagsisikap na mahalin ang bawat tao, kahit na mga kaaway.

21 “Ang Banal na Espiritu, na ipinagkaloob sa atin noong tayo ay bininyagan (…), ay ang espiritu ng pag-ibig at pagkakaisa na nagbubuklod sa lahat ng mga sumasampalataya sa Panginoong nabuhay namang muli at sa bawat isa. Kaya Niyang lampasan ang pagkakaiba ng lahi, kultura at katayuan sa lipunan...

22 Ang pagiging makasarili natin ang nagtatayo ng mga pader upang ihiwalay ang sarili sa kanila na kakaiba sa atin...

23 Kaya’t sikapin natin, sa pamamagitan ng pakikinig sa tinig ng Banal na Espiritu, na lumago sa pagsasama-samang ito …at lampasan ang mga binhi ng paghihiwalay na nasa ating kalooban.”

24 Sa buwang ito, sa tulong ng Banal na Espiritu, maaari din nating alalahanin at isabuhay ang mga katagang ito ng pagmamahal sa bawat pagkakataon upang makipag-ugnay sa kapwa, maging anuman ito.

25 Maaari tayong laging handang tumanggap, makinig, makiisa, makipag-usap at magpalakas ng loob; maaari natin silang ibilang sa atin, alagaan, tumanaw ng utang na loob at magpatawad ...

26 Sa ganitong paraan, tinatanggap natin ang paanyaya ni Hesus na ipagpatuloy ang Kanyang misyon at maging tagapaghatid ng buhay na ibinigay Niya sa atin.

27 Ito ang karanasan ng isang grupo ng mga Budistang mongha na bumisita sa pandaigdigang bayan ng Loppiano sa Italya kung saan may nakatirang 800 katao na nagsisikap maging tapat sa pagsasabuhay ng Ebanghelyo.

28 Sila ay tunay na namangha at nabagbag ang damdamin sa naranasang maka-Ebanghelyong pagmamahal sa kauna-unahang pagkakataon. Ang sabi ng isa sa kanila, “Inilagay ko ang marumi kong sapatos sa labas ng pinto, kinaumagahan, natagpuan ko itong malinis na.

29 Inilagay ko ang marumi kong damit sa labas ng pinto, kinaumagahan, natagpuan ko itong malinis at naplantsa pa.

30 Alam nila na ako’y nilalamig dahil ako ay taga Timog-Silangan ng Asya
Alam nila na ako’y nilalamig dahil ako ay taga Timog-Silangan ng Asya. Itinaas nila ang temperatura at dinalhan ako ng makakapal na kumot…

31 Isang araw, nagtanong ako, ‘Bakit ninyo ito ginagawa
Isang araw, nagtanong ako, ‘Bakit ninyo ito ginagawa?’ ‘Dahil mahal namin kayo, mahal na mahal namin kayo’, ang kanilang tugon. " Ang karanasang ito ang nagbigay-daan sa malalim at tunay na diyalogo sa pagitan ng mga Budista at Kristiyano.

32 Commentary by Letizia Magri
Kataga ng Buhay Hunyo 2017 “Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo.” (Jn 20:21) Commentary by Letizia Magri


Download ppt "Kataga ng Buhay Hunyo 2017 “Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo.” (Jn 20:21)"

Similar presentations


Ads by Google