Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
Published byAna María Moreno Modified over 5 years ago
1
Pag-usbong ng Nasyonalismo Reporma sa Mapayapang Paraan
Kilusang Propaganda Pag-usbong ng Nasyonalismo Reporma sa Mapayapang Paraan Presented by: Arnel O. Rivera, MAT-SS
2
Pagsilang ng Diwang Makabansa
Mga pangyayari noong ika-19 na siglo na naging dahilan ng pag-usbong ng nasyonalismo sa bansa. Liberal na pamamahala ni Gob. Hen. Carlos Maria dela Torre Pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan Pagbubukas ng Canal Suez Pagkakaroon ng pangkat na ilustrado Pagtatatag ng Kilusang Sekularisasyon Pagbitay sa tatlong paring martir (GOMBURZA)
3
Kilusang Propaganda Pagkatapos ng pagbitay kina GOMBURZA, sumidhi ang diwang makabansa ng mga Pilipino. Naghangad sila ng mga repormang panlipunan. Pangunahing layunin ng Kilusang Propaganda na bigyan ng kalutasan ang mga kamalian sa sistemang kolonyal ng mga Kastila sa Pilipinas.
4
Layunin ng Kilusang Propaganda
Makaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Cortes ng Spain. Pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa harap ng batas. Sekularisasyon ng mga parokya sa Pilipinas. Gawing lalawigan ng Spain ang Pilipinas. Ipagkaloob sa mga Pilipino ang katapatang pantao at kalayaan sa pagsasalita.
5
La Solidaridad Ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda.
Unang inilathala sa Barcelona, Spain noong Pebrero 15, 1889 sa pamumuno ni Graciano Lopez-Jaena. Pumalit sa kanya si Marcelo H. del Pilar noong Disyembre 15, 1889.
6
Layunin ng La Solidaridad
Itaguyod ang malayang kaisipan at kaunlaran. Mapayapang paghingi ng mga repormang pulitikal at panlipunan. Ilarawan ang kaawa-awang kalagayan ng Pilipinas upang gumawa ng mga hakbang ang Spain na ayusin ang mga ito.
7
Noli Me Tangere (1887) El Filibusterismo (1891)
Mga Nobela ni Rizal Noli Me Tangere (1887) El Filibusterismo (1891) Sa mga aklat na ito, tinuligsa ni Rizal ang kasamaan ng mga prayle at kabulukan ng sistema ng pamahalaang Español.
8
La Liga Filipina Itinatag ni Rizal noong Hulyo 3, 1892 matapos makabalik sa Pilipinas. Layunin ng samahan na magkaisa ang lahat ng Pilipino sa paghingi ng reporma sa mapayapang paraan. Sa kasamaang palad, hindi nagtagal ang samahan dahil ipinahuli ni Gobernador-Heneral Eulogio Despujol si Rizal noong Hulyo 7, 1892 upang ipatapon sa Dapitan.
9
Pagkakahati ng La Liga Filipina
10
Konklusyon Nabigo ang Kilusang Propaganda dahil hindi dininig ng Spain ang mga karaingan ng mga Pilipino. Isa rin sa dahilan ng pagkabigo ng kilusan ang kawalan ng pondo upang maipagpatuloy ang mga gawain ng samahan. Ang pagkabigo ng Kilusang Propaganda ang naging simula ng Rebolusyon.
11
To download this file, go to:
kilusang-propaganda Thank Y u!
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.