Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
1
MGA GINGAWA NATING PAGPILI
Liksyon 2 para sa ika-13 ng Abril, 2019 MGA GINGAWA NATING PAGPILI
2
Pagpili ng mga kaibigan Pagpili ng asawa Pagpili ng kurso
Araw-araw ay pumipili tayo. Ang iba sa kanila at pangkaraniwan at di mahalaga, ngunit ang ilan ay maaaring makaapekto sa ating buhay na walang hanggan (Josue 24:15). Ang ating pagpili ay maaaring makapagbago ng buhay natin o ng ibang nasa palibot natin (sa positibo o negatibo). Isipin natin ang pagpili nina Cain, mga kapatid ni Jose, Kora, Datan, at Abira; o nina Cornelio, ang bantay-piitan na taga Filipos, at ang asawa ng taong nagduda 1 Corinto 7:16). Pag-aralan natin ang payo ng Biblia sa pangkalahatang pagpapasya at sa pagpili ng pinakamahahalagang pasya sa ating buhay. PAANO PUMILI Malayang pagpili Pagpili ng tama ANONG DAPAT PILIIN Pagpili ng mga kaibigan Pagpili ng asawa Pagpili ng kurso
3
MALAYANG PAGPILI “Sapagka't siyang kalooban ng Dios, na dahil sa paggawa ng mabuti ay inyong mapatahimik ang kamangmangan ng mga taong palalo: Na gaya nang kayo'y mga laya, at ang inyong kalayaan ay hindi ginagamit na balabal ng kasamaan, kundi gaya ng mga alipin ng Dios.” (1 Ped 2:15-16) Ang Biblia ay nagpapahayag na tayo ay ginawa ng Dios na may malayang kalooban. Iyon ay, malaya tayong makakapagpili, at hinihimok tayo na pumili tayo ng tama. (Galacia 5:13; Deuteronomio 30:19). Nililimitahan ng kasalanan ang ating malayang kalooban sa pagpili ng tama, ngunit lubusan tayong malaya kay Jesus. (Juan 8:36). Sa Kanyang pag-ibig, pinili na tayo ng Dios para sa buhay na walang hanggan bago pa tayo likhain (Efeso 1:4). Gayunman, dapat araw-araw nating piliin na tanggapin ang kaligtasang iyon (Juan 3:16; Josue 24:15).
4
“Ang ugaling ating nililinang, ang saloobin na ginagampanan natin ngayon, ang nagtatakda ng ating kahihinatnan sa hinaharap. Lahat tayo’y pumipili, pwedeng upang mapabilang sa mga mapalad, sa loob ng Syudad ng Liwanag, o mapabilang sa mga masama, sa labas ng syudad.” E.G.W. (Reflecting Christ, October 16)
5
MAKING THE RIGHT CHOICES
“Magsiparito ngayon, kayong nagsisipagsabi, Ngayon o bukas ay magsisiparoon kami sa gayong bayan, at titira kami doong isang taon, at mangangalakal, at magtutubo: […] Ang dapat ninyong sabihin ay, Kung loloobin ng Panginoon ay mangabubuhay kami, at gagawin namin ito o yaon.’” (Santiago 4:13-15) Kaginhawaan, takbo ng kultura, impluwensya ng kasama, emosyon, mga ugali, at tanging kagustuhan ay hindi maaasahang mga gabay sa pagpili. Ayon sa Biblia, paano tayo makakapipili ng tama? Manalangin bago pumili (1 Tesalonica 5:17;Santiago 1:5) Maging handang sumunod as Dios (Isaias 1:19; Mateo 7:24-25) Pag-aralan ang Biblia (Awit 119:105; 2 Timoteo 3:16) Magtiwala sa Dios (Kawikaan 3:5-6; Isaias 58:11) Humanap ng matalinong mga tagapayo (Kawikaan 15:22; 24:6)
6
PAGPILI NG KAIBIGAN “Huwag kang makipagkaibigan sa taong magagalitin; at sa mainiting tao ay huwag kang sasama: Baka ka matuto ng kaniyang mga lakad, at magtamo ng silo sa iyong kaluluwa.” (Kawikaan 22:24-25) Ang kaibigang pinipili natin ay maaaring magdala sa atin tungo sa tama o maling landas. Ang mabuting kaibigan “ay nagmamahal sa lahat ng oras” at isang kapatid “sa oras ng kagipitan” (Kawikaan 17:17). Ang pagkakaibigan ay relasyong may dalawang direksyon: “Ang taong maraming kaibigan ay dapat maging magiliw” Kawikaan 18:24). Sina Jonatan at David ay magandang halimbawa ng pagkakaibigang walang kondisyon. Kukuhanin ni David ang pwesto ni Jonatan, ngunit hindi siya itinuring na karibal ni Jonatan at sa halip ay inialay ang kanyang pakikipagkaibigan.
7
PAGPILI NG ASAWA “Kaya't iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila'y magiging isang laman.” (Genesis 2:24) Mahalaga ang pagpili ng kaibigan, ngunit ang pagpili ng taong makakasama natin habang buhay ay mas mahalaga. Ang pinakamainam na paraan upang makapili ng tama ay humiling sa Dios ng gabay (Genesis 24:7). May magandang payo sa kwento nina Isaac at Rebeka: humanap ng Kristyanong kapares (Genesis 24:3-4). Kung gusto natin ng matagumpay na pag- aasawa, dapat simulan natin sa pagiging tama natin mismo (Awit 37:27; 119:97; 1Cor. 15:33;San. 1:23-25). Pakitunguhan natin ang ating asawa kung paano natin gustong pakitunguhan tayo (Mateo 7:12).
8
“Ang pagpili ng kasama sa buhay ay dapat pinakamainam na nagdudulot ng pangkatawan, pangkaisipan, at pang-espiritwal na kalusugan sa mga magulang at sa kanilang mga anak—iyong magdudulot sa kanila ng pagiging pagpapala sa kapwa at maparangalan ang kanilang Manlalalang.” E.G.W. (Letters to Young Lovers, p. 14)
9
PAGPILI NG KURSO “Narito, na aking nakita na mabuti at ukol sa isa ang kumain at uminom, at magalak sa kabutihan sa lahat niyang gawa na kaniyang ginawa sa ilalim ng araw lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay na ibinigay sa kaniya ng Dios: sapagka't ito'y kaniyang bahagi.” (Ecclesiastes 5:18) Malibang gumagawa sa bahay ng buong panahon upang asikasuhin ang bahay at pamilya (ang pinakadakila sa lahat ng trabaho), Maraming tao ang gumagawa ng anumang bagay makapaghanapbuhay lamang. Ang unang hakbang ay pumili ng pag-aaral para sa gusto mong trabaho hangga’t maaari. Bawat pagpili ay dapat sumunod sa ikalawang prinsipyo: “anoman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios.” (1 Cor. 10:31). Sa kabilang banda, hindi dapat maging sentro ng ating buhay ang trabaho (tingnan ang Ecclesiastes 2:1-11). Alalahanin na “ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan” (1Ti. 6:10).
10
“Alalahanin natin na kahit ang trabaho natin ay marahil hindi natin pinili, ay dapat itong tanggapin bilang pagpili ng Dios para sa atin. Kaaya-aya man o hindi, dapat nating gawin ang ating tungkulin. ‘Anumang masumpungang gawain ng iyong kamay, gawin mo ng iyong kapangyarihan; sapagkat walang gawa, ni katha man, ni kaalaman man, ni karunungan man, sa Sheol, na iyong pinaparunan.’ Ecclesiastes 9:10” E.G.W. (The Ministry of Healing, cp. 39, p. 472)
11
“Dapat mong maunawaan ang tunay na pwersa ng kalooban
“Dapat mong maunawaan ang tunay na pwersa ng kalooban. Ito ang kapangyarihang namamahala sa likas ng tao, ang kakayahang magdecide o pumili. Lahat ay nakabatay sa tamang kilos ng kalooban. Ang kapangyarihang pumili na ibinigay ng Dios sa tao; ay dapat nilang gamitin. Hindi mo kayang baguhin ang puso mo, hindi mo maibibigay ng iyong sarili sa Dios ang iyong pag-ibig; ngunit maaari mo Siyang paglingkuran. Maaari mong ibigay sa Kanya ang iyong kalooban; At Siya’y gagawa sa iyo upang naisin mo at gawin mo ang sang-ayon sa Kanyang kalooban. Kaya’t agn buo mong likas ay mapapailalim sa pangunguna ng Espiritu ni Kristo; ang iyong pagmamahal ay nakasentro sa Kanya, ang iyong isip ay magtutugma sa Kanya.” E.G.W. (Steps to Christ, cp. 5, p. 47)
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.