Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
Published byDarleen Stevenson Modified over 5 years ago
1
Ang MISTERYO NG EUKARISTIYA at ang presensya ni hesus
Eucharisticum Mysterium [25 May 1967] Sacrosanctum Concilium (Constitution on the Sacred Liturgy) [4 Dec 1963]
2
Ano ang kahulugan ng Misteryo?
Hindi nito ibig sabihing hindi mauunawaan Hindi nito ibig sabihing di mapag-uusapan o tatahimik na lang Misteryo iyong hindi mo mauubos ang maaaring maunawaan Halimbawa: Sarili, kapwang minamahal, Diyos
3
Misteryo ng Eukaristiya
Laging may kahulugang mahahanapan pa Hindi mauubos ang matututunan sa misa Hindi matatapos ang maaaring maunawaan
4
Misteryo ng Eukaristiya
Kahit sa kalangitan, kung saan ang lahat- lahat sa atin ay bubuksan, mananatili pa rin ang hiwaga o misteryo…
5
Mga Bahagi ng Misa at Kahulugan ng mga ito
Pagtungo ng mga tao sa Simbahan Prusisyon pagpasok at pag-awit ng awit pambungad Nagpepresensiya ang Panginoon sa mga nagkakatipon sa kanyang pangalan (Mt 18, 20) Pagtitipon ng komunidad at paghahanda sa pagdiriwang
6
Pag-antanda ng Krus. Pagbati at Pambungad
Paghalik sa altar Pag-antanda ng Krus. Pagbati at Pambungad Sa paghalik ng pari sa altar, binabati ng pari si Kristong tunay na Panginoon at Pari Inaalala ng Bayan ang Banal na Santatlo na pinagmumulan at tunguhan natin; sa pagbati pinapatindi natin ang pag-ibig at kapayapaan ng komunidad
7
Pagsisisi o Pagbabasbas ng tubig (Kyrie)
[Gloria] Panalanging Pambungad (Collect / Presidential Prayers) Inaalala ng Komunidad na kinakailangan pa rin ng bawat isa ang pagsisisi sa kasalanan at pagbabalik-loob sa awa ng Mahabaging Diyos Bilang bayang nililigtas ng Diyos, nagpupuri Inaalala din ang misteryo at presensiya ng Diyos patungkol sa napapanahong araw o pagdiriwang
8
Unang Pagbasa at Salmong Tugunan
Liturhiya ng salita Unang Pagbasa at Salmong Tugunan [ikalawang pagbasa] Nagpepresensiya ang Panginon sa Simbhan sa pamamagitan ng Kanyang salita Lumalapit sa atin ang Diyos sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan Tinatanggap at dinidinig ng bayan ang Salita nang handa at nagninilay sa pananampalataya
9
Mabuting Balita Homilya [Kredo] Panalangin ng Bayan
Ipinapahayag muli ang Ebanghelyo sa kasalukuyang Panahon Isinasakonkreto ng pari ang salita dito/ngayon Tumutugon ang bayan sa [pagbigkas ng kredo] at sa kanilang makapari din na panalangin para sa kaligtasan ng buong mundo
10
Liturhiya ng Eukaristiya
Pag-aalay at paghahanda ng mga handog Nagpepresensiyang sakramental ang Panginoon sa kanyang simbahan sa anyo ng tinapay at alak Sinisimbolo ng mga handog ang pag- aalay ng sarili ng buong bayan
11
Ang mga handog ay kapwa nagmula sa Diyos at bunga din ng paggawa ng tao
Ang Pag-aalay ng sarili ay mula sa kababaang-loob Ipinapanalanging maging katawan at dugo ni Kristo ang tinapay at alak Paglalagay sa altar ng mga handog Tahimik na Panalangin ng Pari, Paghuhugas ng Kamay Panalangin sa mga Alay
12
Panalanging Eukaristiko
Sagutan ng pari’t bayan at Prefasio Dapat purihin ang Diyos bilang Lumikha ng sangkalahatan at Panginoon ng kasaysayan ng pagliligtas
13
Epiklesis ng konsekrasyon
Pag-aalala ng Huling Hapunan at pagtatatag Ginaganap ang misteryo sa kapangyarihan ng Espiritu Santo Ang katawan ni Kristong iniaalay niya at dugong ibinuhos niya ay nagpe- presensiya bilang sakripisyo sa anyo ng tinapay at alak
14
Anamnesis at panalangin ng paghahandog
Epiklesis Pangkomunyon Inaangkin at dinadala ni Kristo ang Simbahang nagmimisa sa kanyang kaisa-isa at pangkalahatang sakripisyo kalooban din ni Kristong ipamahagi ang kanyang sarili sa bayang nagmimisa sa pamamagitan ng banal na salu-salo sa kapangyarihan ng Espiritu Santo
15
Mga Panalanging Pamamagitan
Doxolohiya Sa sakripisyo ng awa ipinapana- langin ng simbahan ang lahat ng tao (patay/buhay) Ang rurok ng pasasalamat at pagpupuri sa Santatlo
16
Komunyon Ama Namin […aming kakanin sa araw-araw at patawarin…] Panalangin para sa kapayapaan Sa panalanging ito sa harap ng altar hinihingi ng bayan ang eukarisitya at kalayaan mula sa kasalanan Pinapanibago ang espiritu ng pag-ibig at kapayapaan
17
Paghahati-hati ng tinapay
Pakikinabang at pagtanggap ng komunyon Panalanging Pangwakas Hinahati ang iisang tinapay [1Cor 10, 17] upang tayo’y maging bahagi ng katawan ni Kristo Tinatanggap natin bilang tinapay na nagbibigay buhay ang katawan ni Kristo Hinihiling nating ang pakikinabang natin ay mamunga sa ating buhay at sa buhay na walang hanggan
18
Mga Bahagi ng Misa [Ang mga Patalastas] Pagbabasbas Pagsusugo
[May patungkol sa pangkasalukuyan at konkretong buhay ng komunidad] Ang tanda ng pagtatapos ng isang makahulugan at aktibong pagdiriwang Pagsusugo sa mga nagsimba upang maglingkod sa mundo sa ordinaryong buhay
19
Ang Presensiya Ng Panginoon
“Upang lalo pang maunawaan ang misteryo ng Misa, dapat ipabatid sa lahat ng binyagan ang mga pangunahing pamamaraan kung paanong nagpepresensiya ang Panginoon sa kanyang simbahan sa anumang Liturhikal na pagdiriwang.”
20
Ano ang kahulugan ng presensiya?
Ang presensiya ay higit pa sa pamamalagi sa iisang lugar Ang presensiya ay higit pa sa nagkataon lamang na pagkikita Presensiya iyong tunay na pamamalagi o pananahan sa katawan at espiritu Presensiya iyong pakikipagniig ng persona sa persona sapagkat nagpasiya silang magtagpo at magkaisa
21
4 na Presensiya Ng Panginoon
Laging nagpepresensiya ang Panginoon sa bayan ng mga binyagang nagkakatipon sa kanyang pangalan [Mt 18, 20] Nagpepresensiya siya sa kanyang Salitang ipinapahayag sa liturhiya Sa katauhan ng Paring namumuno Higit sa lahat, sa katangi-tangi, ganap at buong presensiya, sa substansiya at [permanente o ] pangmagpakailanman, Diyos at Tao [Kristo]: sa anyo ng Tinapay at Alak na Eukaristikong Katawan at Dugo ni Kristo
22
Konklusyon “Dapat turuan samakatuwid ng mga pari ang mga binyagan upang maging aktibo sa pakikiisa sa buong misa; dapat mabatid ng lahat ang malapit na kaugnayan ng bawat totoong presensiya ni Kristo sa katangi-tangi at pinakamataas niyang presensiya sa Eukaristiya. Iisang pagsamba sa pagkakaisa kay Kristo…”
23
MARAMING SALAMAT. MAGKITA-KITA TAYO SA EUKARISTIYA!
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.