Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

ANG PITONG HULING SALOT Liksyon 11 para sa ika-16 ng Marso, 2019

Similar presentations


Presentation on theme: "ANG PITONG HULING SALOT Liksyon 11 para sa ika-16 ng Marso, 2019"— Presentation transcript:

1 ANG PITONG HULING SALOT Liksyon 11 para sa ika-16 ng Marso, 2019

2 Ang panahon ng huling mga salot. Apocalipsis 15
“Ikaw, ikaw ay katatakutan: at sinong makatatayo sa iyong paningin, sa minsang ikaw ay magalit? Iyong ipinarinig ang hatol mula sa langit; ang lupa ay natakot, at tumahimik, Nang ang Dios ay bumangon sa paghatol, upang iligtas ang lahat ng maamo sa lupa.” (Awit 76:7-9) Gaya ng ulyaw ng mang-aawit, ipinapakita ng Apocalipsis 15 kung sino ang mananatiling nakatayo kung maibuhos na ang hatol ng Dios sa lupa, at darating ang Panginoon upang iligtas ang Kanyang bayan (Apocalipsis 16). Ang panahon ng huling mga salot. Apocalipsis 15 Ang naunang mga salot. Apocalipsis 16:1-11 Ang ika-6 na salot Natuyo ang Ilog Eufrates. Apocalipsis 16:12 Ang tripling makademonyong mensahe. Apoc. 16:13-14 Ang labanan ng Armagedon. Apocalipsis 16:15-16

3 ANG PANAHON NG HULING MGA SALOT
“At nakita ko ang gaya ng isang dagat na bubog na may halong apoy, at yaong nangagtagumpay sa hayop, at sa kaniyang larawan, at sa bilang ng kaniyang pangalan, ay nangakatayo sa tabi ng dagat sa bubog, na may mga alpa ng Dios.” (Apocalipsis15:2) Bawat tao sa Lupa ay nagkaroon ng pagkakataon na pumili kung sasamba sa Dios o sa hayop. Nakita ni Juan ang mga nagtagumpay, silang tumanggap sa Dios. Ngunit hindi pa nila tatanggapin ang gantimpala. Ang tagpo ay nalipat sa langit (v. 5). Ang tabernakolo ay nagbubuga ng usok (Ex. 40:34-35; 1K. 8:10-11). Ang gawain ng pamamagitan sa Santuaryo sa Langit ay natapos. Ang panahon ng biyaya ay nagwakas. Gaya ng ipinahayag ng ikatlong anghel, ito ang panahon na haharapin ng bawat isa ang resulta ng kanilang desisyon.

4 ANG NAUNANG MGA SALOT “At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa santuario, na nagsasabi sa pitong anghel, ‘humayo kayo, at ibuhos ninyo ang pitong mangkok ng kagalitan ng Dios sa lupa.’” (Apocalipsis 16:1) v. 2 v. 3 Kahawig ito ng mga salot na nagyari sa Ehipto. Ipinapakita nito ang matigas na mga puso ng mga nagpasyang sambahin ang hayop (v. 2 y 9), at ang kahinaan ng diablo na hindi maproteksyonan ang kanyang mga tagasamba (v ). Matapos ang mapangwasak na resulta ng apat ng salot, humingi ang mundo ng tulong sa hayop. Ngunit hindi sila matulungan ng hayop (Ang kanyang trono ay napuno ng kadiliman sa simbolikong paraan). Gayunman, ayaw ng mga taong tanggapin ang kanilang pagkakamali at lumapastangan sa Dios. v. 4-7 v. 8-9 v. 10 v. 11

5 ANG ILOG EUFRATES AY NATUYO
“At ibinuhos ng ikaanim ang kaniyang mangkok sa malaking ilog na Eufrates; at natuyo ang tubig nito, upang mahanda ang dadaanan ng mga haring mula sa sikatan ng araw.” (Apoc. 16:12) Ang ikaanim na salot ay nagsimula sa pagbagsak ng Babilonia na ipapaliwanag ng mas maigi sa mga susunod na kabanata. Ang ilog ng Eufrates ay literal na natuyo noong bumagsak ang dating Babilonia sa kamay ni Ciro. Hindi matutulungan ng kapapahan ang mga tao, kaya bumaling sila sa lapastangang Protestantismo. Sa huli, nawalan ng suporta itong dalawa ng mga tao at panahon na para kay Jesus na bumalik at kunin ang Kanya (v. 15). Gayunman, ayaw ng diablong mawala ang kanyang kaharian kaya’t naghanda siya ng huling desperadong atake.

6 ANG TRIPLING MAKADEMONYONG MENSAHE
“At nakita kong lumalabas sa bibig ng dragon, at sa bibig ng hayop, at sa bibig ng bulaang propeta, ang tatlong espiritung karumaldumal, na gaya ng mga palaka.” (Apocalipsis 16:13) Magppadala si Satanas ng tripling mensahe bilang imitasyon ng mensahe sa Apocalipsis 14. Upang magawa iyon, gagamit sya ng espiritwalismo (ang dragon), ang kapapahan (ang hayop) at ang lapastangang Protestantismo (ang huwad na propeta). Sa sandaling iyon, nilisan na ng Banal na Espiritu ang mga hindi tumanggap sa Kanya. Madali silang madadaya ng mga tanda at himala ng diablo, at papanig muli sila sa kanya (tingnan ang 1 Tesalonica 2:11-12). Malapit na ang wakas: “Narito, Ako’y dumarating gaya ng magnanakaw” (v. 15). Aatake si Satanas sa huling pagkakataon.

7 ANG DIGMAAN NG ARMAGEDON
“At tinipon sila sa dako na sa Hebreo ay tinatawag na Armagedon.” (Apocalipsis 16:16) Ang ibig sabihin ng Armagedon ay “bundok ng Megido” sa Hebreo. Walang lugar na ganyan ang pangalan, ngunit merong lugar sa Palestina na tinatawag na “Megido.” Iyon ay lugar na kung saan maraming digmaan ang naganap. Namatay doon ang ilang lapastangan at tapat na mga hari (Ahaziah, 2K. 9:27; Josiah, 2K. 23:29). Sa huling atakeng iyon, sinubukang lipulin ni Satanas ang mga nananatiling tapat sa Dios. Naghahanda tayo na manatiling tapat sa huling digmaan habang pinipili nating manatiling tapat ngayon sa kabila ng mga tukso. Ang atake ay magagambala ng ikapitong salot (v ). Ito ay mangyayari bago “ang mapalad na pag-asa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo.” (Titus 2:13)

8 “Habang nakatayo sa Jesus sa pagitan ng Dios at ng makasalanang tao, ang pagpigil ay nasa tao; ngunit kung umalis na Siya sa pamamagitan, ang pagpigil ay tatanggalin at magkakaroon na ng buong kapangyarihan si Satanas sa mga hindi nagsisi. Iposibleng maibuhos ang mga salot habang naglilingkod pa si Jesus sa santuaryo; ngunit pagkatapos ng gawain Niya doon, at nagsara na ang pamamagitan Niya, wala nang makaapigil sa galit ng Dios, at bumasag ito na may poot sa ulo ng mga may sala na walang kublihan, na minaliit ang kaligtasan at kinamuhian ang saway. Sa nakakatakot sa panahong iyon, matapos magsara ang pamamagitan ni Jesus, ang mga banal ay nabubuhay sa paningin ng banal na Dios ng walang tagapamagitan. Bawat kaso ay nalutas, bawat hiyas ay nabilang.” E.G.W. (Early Writings, p. 280)

9 “Ang bayan ng Dios ay hindi ligtas sa kahirapan; ngunit habang sinusubok at napipighati, habang tinitiis nila ang kawalan at naghihirap sa pagkain ay hindi sila pababayaang malipol. Na ang Dios na nag-alaga kay Elias ay hindi lalampasan ang isa sa Kanyang mapagmalasakit na mga anak. Siyang kayang bumilang ng buhok sa kanilang ulo ang mag- iingat sa kanila, at sa panahon ng kagutom ay mabubusog sila. Habang namamatay ang mga masama sa gutom at salot, ikukubli ng mga anghel ang mga banal at ibibigay ang kanilang gusto. Sa kanyang ‘lumalakad ng matuwid’ ang pangako ay: ‘tinapay ay mabibigay sa kanya; ang kanyang tubig ay sagana’ ‘Ang dukha at mapagkailangan ay humahanap ng tubig, at wala, at ang kanilang dila ay natutuyo dahil sa uhaw; akong Panginoon ay sasagot sa kanila, akong Dios ng Israel ay hindi magpapabaya sa kanila.’ Isaias 33:15, 16; 41:17” E.G.W. (The Great Controversy, cp. 39, p. 629)


Download ppt "ANG PITONG HULING SALOT Liksyon 11 para sa ika-16 ng Marso, 2019"

Similar presentations


Ads by Google