Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
1
Aralin 5: Okupasyon ng Ingles sa Maynila
2
PANIMULA
3
Ang pananakop ng mga Ingles sa Maynila sa pagitan 1762 at 1764 ay isang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas kung saan sinakop nang Kaharian ng Gran Britanya ang kabisera ng kolonyang Kastila, ang Maynila at ang kalapit nitong pangunahing daungan sa Cavite.
4
Ang paglaban mula sa pansamantalang pamahalaang kolonyal na Kastila na itinatag ng mga kasapi ng Real Audiencia ng Maynila at nang mga kakamping Pilipino nito ang nakapigil sa puwersang Ingles upang mapasailalim ang iba pang mga teritoryo sa mga kalapit na bayan ng Maynila at Cavite.
5
Ang pananakop ng mga Ingles ay nagwakas sa isang kasunduang pangkapayapaan ng Pitong Taong Digmaan.
7
Pananakop ng mga Ingles sa Maynila
Sinalakay ng mga Ingles ang Pilipinas upang maging bahagi ito ng kanilang imperyo sa Asya.
8
Pananakop ng mga Ingles sa Maynila
Noong ika-24 ng Setyembre 1762, labindalawang plotang Ingles ang sumalakay sa Look ng Maynila sa pamumuno nina Brigador-Heneral Wiliam Draper at Rear-Admiral Samuel Cornish.
9
Pananakop ng mga Ingles sa Maynila
Oktubre 5, 1762, isang gabi bago bumagsak ang Maynila sa kamay ng mga Ingles, pinagsumikapang lumaban ng mga Espanyol subalit sa tindi ng digmaan at pagiging handa ng mga Ingles, tuluyan nilang nakubkob ang Kamaynilaan at ang mga teritoryong militar ng mga Espanyol.
10
Pananakop ng mga Ingles sa Maynila
Noong tuluyang nasakop ng mga Ingles ang Maynila, pinasok at hinalughog lahat ng mga establisimiyento, mga opisina ng gobyerno, at maging mga simbahan.
11
Pananakop ng mga Ingles sa Maynila
Ang lahat ng mahahalagang gamit, bagay man o mga dokumento ay kanilang kinuha, maging ang palasyo ng gobernador heneral ay kanilang nilooban.
12
Pananakop ng mga Ingles sa Maynila
Maliban sa panloloob at pagsamsam ng mahahalagang bagay ay nagkaroon pa ng iba pang krimen at kaguluhan sa buong Maynila.
13
Pananakop ng mga Ingles sa Maynila
Nagkaroon ng panggagahasa, pagpatay, at pangugulo mula sa mga Ingles.
14
Pananakop ng mga Ingles sa Maynila
Upang matigil ang kaguluhan, ang mga Ingles ay humingi ng halagang apat na milyong dolyar mula sa mga Espanyol na sinang-ayunan ni Arsobispo Rojo upang mapigilan ang malaking pinsalang dulot ng mga Ingles.
15
Pananakop ng mga Ingles sa Maynila
Noong Nobyembre 2, 1762, si Dawsonne Drake ay itinalaga bilang isang British Governor-General ng Maynila.
16
Pananakop ng mga Ingles sa Maynila
Pagkatapos nito, si Drake ay nagtatag ng Chottry Court na may ganap na kapangyarihang ipabilanggo ang sinumang nais niyang ipabilanggo.
17
GAWIN MO 1. Sino ang namuno sa mga sundalong Ingles nang salakayin nila ang Maynila?
18
2. Bakit nilusob ng mga Ingles ang Maynila?
GAWIN MO 2. Bakit nilusob ng mga Ingles ang Maynila?
19
3. Ano ang tawag ni Dawsonne Drake sa konsehong kanyang itinatag?
GAWIN MO 3. Ano ang tawag ni Dawsonne Drake sa konsehong kanyang itinatag?
20
GAWIN MO 4. Bakit natalo ang mga Espanyol ng mga Ingles? Ano ang mahihinuha mula rito? Ano ang ibig sabihin nito?
21
5. Paano natigil ang kaguluhan sa Maynila dulot ng bagong mananakop?
GAWIN MO 5. Paano natigil ang kaguluhan sa Maynila dulot ng bagong mananakop?
22
Nasakop ng Britanya ang Maynila.
TANDAAN MO Nasakop ng Britanya ang Maynila. Ito ay nangangahulugang hindi na ang Espanya ang pinakamalakas na bansa. Mahina na ito at kaya nang talunin ng mga Pilipino.
23
NATUTUHAN KO
24
Chottry Court. Rear-Admiral Samuel Cornish Oktubre 5, 1762
Chottry Court Rear-Admiral Samuel Cornish Oktubre 5, 1762 Dawsonne Drake Setyembre 24, 1762 1. Si _______________ ay itinalaga bilang isang British Governor-General ng Maynila.
25
Chottry Court. Rear-Admiral Samuel Cornish Oktubre 5, 1762
Chottry Court Rear-Admiral Samuel Cornish Oktubre 5, 1762 Dawsonne Drake Setyembre 24, 1762 2. Nang lusubin ng mga Ingles ang Look ng Maynila, isa si ______________ sa mga namuno nito.
26
Chottry Court. Rear-Admiral Samuel Cornish Oktubre 5, 1762
Chottry Court Rear-Admiral Samuel Cornish Oktubre 5, 1762 Dawsonne Drake Setyembre 24, 1762 3. Noong _______________, pinagsumikapang lumaban ng mga Español upang di mapasakamay ng mga Ingles ang Maynila.
27
Chottry Court. Rear-Admiral Samuel Cornish Oktubre 5, 1762
Chottry Court Rear-Admiral Samuel Cornish Oktubre 5, 1762 Dawsonne Drake Setyembre 24, 1762 4. Itinatag ni Governor General Drake ang ____________________ na may ganap na kapangyarihang ipabilanggo ang sinumang nais niyang ipabilanggo.
28
Chottry Court. Rear-Admiral Samuel Cornish Oktubre 5, 1762
Chottry Court Rear-Admiral Samuel Cornish Oktubre 5, 1762 Dawsonne Drake Setyembre 24, 1762 5. Noong _______________ sinalakay ng mga Ingles ang Pilipinas upang maging bahagi ito ng kanilang imperyo sa Asya.
Similar presentations
© 2024 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.