Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
Published byJosé Manuel Soler Modified over 5 years ago
1
MGA LARAWAN NG PAGKAKAISA Liksyon 6 para sa ika-10 ng Nobyembre, 2018
2
Ang Biblia ay may iba’t-ibang mga larawan na kumakatawan sa espirituwal at teolohikong mga katotohanan. Halimbawa, tubig sa Juan 7:38, hangin sa Juan 3:8 at haligi sa 1 Timoteo 3:15. May ilang larawan ng pagkakaisa sa Biblia sa Bagong Tipan na nagpapakita ng mahalagang tungkulin ng pagkakaisa sa likas at misyon ng iglesia. Isang bayan Pedro 2:9 Isang gusali at isang bahay. Efeso 2:19-22 Isang templo Corinto 3:16-17 Isang katawan Corinto 12:12-26 Isang pastol at isang kawan. Juan 10:1-11
3
ISANG BAYAN “Datapuwa't kayo'y isang lahing hirang, isang makaharing pagkasaserdote, bansang banal, bayang pag-aaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan.” (1 Pedro 2:9) Mula sa bawat bansa ang bahagi ng Iglesia, ngunit itinuturing ng Dios ang Iglesia na isang bayan. Banal na bansa ng banal na mga lalaki’t babae na may isang hangarin: ipahayag ang pag-ibig at kaligtasan ng Dios sa mundo. Wala tayong magagawa para maging karapatdapat na maging bahagi ng bayang ito. Pinili tayo ng Dios ngayon gaya ng pagpili Niya sa bayan ng Israel (Deuteronomio 7:6-8). Tinawagan tayo ng Kanyang pag-ibig at biyaya upang ipakita ang Kanya banal na katangian sa ating buhay..
4
ISANG GUSALI AT ISANG BAHAY
“Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok.” (Efeso 2:20) Sa talinhagang ito, pinagsama ni Pablo ang ideya ng gusali at mga bato sa bahay na naroon. Tayo’y mga buhay na bato na bahagi ng gusali. Ang pundasyon ay si Cristo (1Ped. 2:4-5). Walang hiwalay na mga bato. Bawat Kristiano ay sumusuporta sa iba na sinusuportahan din nila. Bahagi din tayo ng malaking pamilya, ngunit hindi kadugo: Dios ang ating ama. Nagkakaisa tayo dahil naranasan natin ang pagkasilang na mag-uli, at meron tayon isang doktrina at isang misyon: upang ipangaral ang Ebanghelyo..
5
“Hindi baga ninyo nalalaman na kayo'y templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo?” (1 Corinto 3:16) ISANG TEMPLO Ang larawan ng temple ay nakapalinaw sa mga naunang Kristiano (parehong Hudio at Hentil): isa itong napakagandang gusali upang magsamba at magparangal sa Dios. Ang komunidad ng nagkakaisang mga mananampalataya ay isang templo. Nananahan ang Dios kasama nila. Nanganganib na magiba ang templo kung papasok ang pagkakabahagi sa Iglesia (v. 17). Giniit ni Pablo ang kahalagahan ng pananatiling nagkakaisa sa atin, “sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol.” (1 Corinto 1:10).
6
ISANG KATAWAN “Sapagka't kung paanong ang katawan ay iisa, at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagama't marami, ay iisang katawan; gayon din naman si Cristo.” (1 Corinto 12:12) Bawat miyembro ay bahagi ng katawan at mayroong natatanging tungkulin. Dapat gumawa ang bawat miyembro na magkakasama sa kanilang pagkakaiba. Hindi makakagawa ang katawan kung hindi magtutugma ang mga miyembro nito. Ang Iglesia ang katawan ni Cristo. Siya ang ulo at tao ay mga miyembro. Dahil dito: Ang ating katutubo, panlahi, kultura, pinag-aralan, at agwat ng edad ay hindi dapat magpapahiwalay sa atin kay Cristo. Tayong lahat ay pantay sa paanan ng Krus. Ang ebanghelyo ay may kapangyarihang makapagpagaling at makapagpanumbalik. Bawat mananampalataya ay konektado sa espiritwal kay Cristo, kaya ang buong katawan ay mapapakain ng parehong pagkain.
7
ISANG PASTOL AT ISANG KAWAN
“Ako ang mabuting pastor: ibinibigay ng mabuting pastor ang kaniyang buhay dahil sa mga tupa.” (Juan 10:11) Ang larawan ni Jesus bilang Mabuting Pastol ay ginamit din sa Awit 23. Ang iglesia ay kawan. Tayo ay mga matalino at may takot ng mga tupa na ginagaba- yan ni Jesus. Kung maligaw ang tupa (magkasala), hinahanap sila ni Jesus at ibinabalik sila sa kural. Patuloy Siyang nag-iingat sa atin (bilang isang tao at bilang Iglesia). Ang mahalagang punto ay alam ng tupa ang tinig ng pastol. Ang mga nakakaalam ng tinig ni Jesus ay hindi maliligaw. Lalakad silang kaisa ng kawan. Sa totoo, ang pagkakaisa at kaligtasan ng bayan ng Dios ay nakadepende sa kanilang pagiging malapit sa Kanya at direktang may kinalaman sa kanilang mapagpakumbabang pagsunod sa Kanyang tinig.
8
E.G.W. (Testimonies for the Church, vol. 7, cp. 32, p. 171)
“Sa ilalim ng larawan ng puno at mga sanga nito ay inilalarawan ang relasyon ni Cristo sa Kanyang mga alagad at kanilang relasyon sa isa’t-isa. Ang mga sanga ay may pagkakapareho ngunit may kakaibang katangian sa iba. Lahat ay may isang relasyon sa puno at umaasa ditto ng buhay nila, paglaki nila, at pagiging mabunga nila. Hindi nila kayang buhayin ang isa’t-isa. Lahat ay dapat nakatuon sa puno. At habang ang mga sanga ay may pagkakapareho, sila rin ay may pagkakaiba. Ang pagiging isa nila ay binubuo ng kanilang pakikiisa sa puno, at sa pamamagitan ng bawat isa ay makikita ang buhay ng puno.”
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.