Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

DETALYADONG PLANO PARA SA ISANG MAS MABUTING DAIGDIG

Similar presentations


Presentation on theme: "DETALYADONG PLANO PARA SA ISANG MAS MABUTING DAIGDIG"— Presentation transcript:

1 DETALYADONG PLANO PARA SA ISANG MAS MABUTING DAIGDIG
Liksyon 2 para sa ika-13 ng Hulyo, 2019

2 TAGAPANGALAGANG BATAS IKALAWANG IKAPU ANG IKA-LIMAMPUNG ANIBERSARYO
Matapos ang ilang taong pagkaalipin, iniligtas ng Dios ang bayang Israel mula sa Ehipto. At anong dakilang bansa nga, ang may mga palatuntunan at mga kahatulang napaka-tuwid na gaya ng buong kautusang ito, na aking inilalagda sa harap ninyo sa araw na ito?” (Deuteronomio 4:8). Ang mga batas na ito ay nangangalaga lalo na sa mga mahihina. ANG MAMBABATAS ANG SAMPUNG UTOS TAGAPANGALAGANG BATAS IKALAWANG IKAPU ANG IKA-LIMAMPUNG ANIBERSARYO

3 “At ang bayan ay naniwala: at nang kanilang marinig na dinalaw ng Panginoon ang mga anak ni Israel, at kaniyang nakita ang kanilang kapighatian, ay iniyukod nga nila ang kanilang mga ulo at sumamba.” (Exodo 4:31) ANG MAMBABATAS Nagpakita ang Dios kay Moses sa isang palumpong na “nagniningas sa apoy” at “hindi natutupok” (Exodo 3:2). Sinabi Niya kay Moses na nakita Niya ang kalungkutan ng Kanyang bayan at narinig Niya ang kanilang hiyaw (v. 7). Inatasan ng Dios si Moses na iligtas ang Israel mula sa Ehipto (v. 10). Hindi sila aalis ng Ehipto ng walang dala. Babayaran ng Ehipto ang mga Israelita para sa lahat ng trabaho nila bilang alipin (v. 21). Sa kanilang pagpunta sa Canaan, nagpasya ang Dios na gumawa ng bansa mula sa mga taong dating alipin. Binigyan Niya sila ng mainam na mga batas na maaaring maging pagpapala sa buong mundo. Kaya, tinawag Niya sila sa bundok ng Sinai.

4 “Si Jehovah ay nagpapahayag ng Kanyang sarili, hindi lang sa nakakakilabot na kamahalan ng hukom at mambabatas, ngunit bilang maawaing tagapagbantay ng Kanyang bayan: ‘Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin.’ Siyang nakilala na nilang Gabay at Tagapagligtas, na nagdala sa kanila palabras sa Ehipto, na gumawa ng daanan nila sa dagat, at lumupig sa Faraon at mga hukbo nito, na nagpakita ng Kanyang sarili na mas mataas sa lahat ng dios ng Ehipto—Siya itong nagsalita ng Kanyang kautusan.” E.G.W. (Patriarchs and Prophets, cp. 27, p. 305)

5 ANG SAMPUNG UTOS “At kaniyang ipinahayag sa inyo ang kaniyang tipan, na kaniyang iniutos sa inyong ganapin, sa makatuwid baga'y ang sangpung utos; at kaniyang isinulat sa dalawang tapyas na bato.” (Deuteronomio 4:13) Ang Sampung Utos ang Saligang-batas ng bayan ng Israel. Ito ang pinakamataas na batas kung saan nagmumula ang iba pang mga batas. Ang pagtupad sa Kautusan ay palatandaan ng ating pag-ibig sa Dios (ang unang 4; Dt. 6:5; Mt. 22:37-38) at sa ating kapwa (ang huling 6; Lv. 19:18; Mt. 22:39). Dapat nating tuparin ang Kautusan sa ating mga kilos at hangarin (Mateo 5:21-30). Ang pamayanang bawat isa ay tumutupad sa Kautusan ay isang buhay, makulay na pamayanang ang bawat isa ay masigasig na gumagawa ayon sa kanilang pag-ibig sa Dios at nag-aalaga sa isa’t-isa.

6 “Anong Dios ang ating Dios
“Anong Dios ang ating Dios! Pinamamahalaan Niya ang Kanyang kaharian ng may pagtitiyaga at pag- iingat, at nagtayo Siya ng halamang- bakod—ang Sampung Utos—sa kanyang mga sakop upang maingatan sila sa resulta ng pagsuway. Sa pag- atas ng pagsunod sa mga batas ng Kanyang kaharian, binibigyan ng Dios ang Kanyang bayan ng kalusugan at kaligayahan, kapayapaan at kagalakan. Tinuruan Niya sila na ang kaganapan ng katangiang kanyang hinihingi ay matatamo lamang sa pagkabisa ng Kanyang salita.” E.G.W. (Counsels to Parents, Teachers, and Students, cp. 64, p. 454)

7 TAGAPANGALAGANG BATAS
“At ang taga ibang lupa ay huwag mong aapihin, o pipighatiin man; sapagka't kayo'y naging taga ibang lupa sa lupain ng Egipto. Huwag mong papagdadalamhatiin ang sinomang babaing bao, o ulila.” (Exodo 22:21-22) May tatlong kabanata (21-23) sa Exodo na bumabanggit ng magkaibang mga batas: Batas sa pang-aalipin (21:2-11) Batas sa marahas na krimen (21:12-36) Batas sa mga ari-arian (22:1-15) Batas sa pang-araw-araw na buhay (22:16-31) Paano gamitin ang mga batas na ito (23:1-9) Pag-iingat sa mga mahihina (alipin, dayuhan, balo at ulila) ang susi sa mga batas na ito. Kailangang alagaan ng mga Israelita ang mga hindi pinapahalagahan masyado at ituring sila gaya ng pagturing sa kanila ng Dios ng sila’y dayuhan sa Ehipto.

8 “Ang kautusang ibinigay ng Dios sa kanyang bayan noong una ay mas matalino, mas mainam, at mas makatao kaysa sa mga ginawa ng pinakamalagong bansa sa lupa. Ang mga batas ng bansa ay mayroong bakas ng kahinaan at hangarin ng hindi masiglang puso; ngunit ang batas ng Dios ay nagdadala ng bakas ng pagkadios.” E.G.W. (Patriarchs and Prophets, cp. 42, p. 465)

9 IKALAWANG IKAPU “Sa katapusan ng bawa't tatlong taon ay iyong kukunin ang buong ikasangpung bahagi ng iyong bunga ng taong yaon, at iyong ilalagay sa loob ng iyong mga pintuang-daan: At ang Levita, sapagka't siya'y walang bahagi ni mana na kasama mo, at ang taga ibang bayan, at ang ulila, at ang babaing bao, na nangasa loob ng iyong mga pintuang-daan, ay magsisiparoon at magsisikain at mangabubusog; upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng gawa ng iyong kamay sa iyong ginagawa.” (Deuteronomio 14:28-29) Ipinaliwanag ng Deuteronomio 14:22-29 na kailangang magbigay ang mga Israelita ng ikalawang ikapu, na may ibang hangarin sa nauna. Sa loob ng dalawang taon, itong ikalawang ikapu ay dinadala sa Jerusalem. Kinakain nila ang bahagi nito at ibinabahagi sa mga nangangailangan. Sa ikatlong taon, itong natatanging ikapu ay ibinabahagi sa tagaroon (local) na nangangailangan sa bawat syudad. Bawat Israelita ay nagbibigay ng 25-33% ng kanilang kita upang sustentuhan ang bansa. Bahagi dito ay pantulong sa mga nangangailangan.

10 E.G.W. (Education, cp. 5, p. 44) “Ang pagtatlaga sa Dios ng ikapu ng lahat ng kita, ito man ay sa halamanan o ani ng lupa, ng mga hayop, o trabaho ng utak o kamay, ang pagbigay ng ikalawang ikapu para pantulong sa mahihirap at iba pang nangangailangan, ay may layong sariwain sa bayan ang katotohanan ng pagiging may-ari ng Diossa lahat, at ng kanilang pagkakataong maging daluyan ng pagpapala. Ito ay pagsasanay upang patayin ang lahat ng pagkamakasarili, at pagyamanin ang malawak at marangal na katangian.”

11 ANG IKA-LIMAMPUNG ANIBERSARYO
“At ipangingilin ninyo ang ikalimang pung taon, at ihahayag ninyo sa buong lupain ang kalayaan sa lahat na tumatahan sa lupain: iya'y magiging kapistahan ng jubileo sa inyo; at bawa't isa sa inyo ay babalik sa kaniyang pag-aari, at bawa't isa'y babalik sa kaniyang sangbahayan.” (Levitico 25:10) Ang ika-limampung anibersaryo ay taon ng paglaya ng lupain. Bumabalik sa bawat isa ang kanilang mana sa ika-limampung anibersaryo. Sa ganitong paraan, walang makakatipon ng malawak na lupain. Dagdag pa dito, hindi nawawala ng mga pamilya ang kanilang mga lupa—kanilang kabuhayan—magpakailanman. Kung kinakailangang ibenta ng isa ang kanilang mana, ang halaga nito ay katumbas ng kikitain nito hanggang dumating ang ika- limampung anibersaryo. Dahil sa kasalanan, magkakaroon lagi ng mahihirap na tao (Mateo 26:11). Ang ika-limampung anibersaryo ay solusyon ng Dios upang mabawasan ang hindi pagkakapantay-pantay sa pamayanan.

12 “Sa pagbabahagi ng mana sa Kanyang bayan, hangarin ng Dios ng maturuan sila, at sa pamamagitan nila ay ang bayan sa mga susunod na henerasyon, ng tamang prinsipyo ng pagmamay-ari ng lupa. Hinati ang lupa ng Canaan sa buong bayan, tanging ang mga Levita, bilang mga ministro ng sanctuaryo, ay hindi kabilang. Kahit maaaring ibenta ng isa ang kanyang pag- aari, ay hindi niya maaaring ipagpalit ang mamanahin ng kanyang mga anak. Kung kaya niya, ay Malaya siyang tubusin ito anumang oras; pinapatawad ang mga utang bawat ikapito, ikalabinlima, o ikalimampung taon, lahat ng lupa ay naibabalik sa orihinal na may-ari. Kaya ligtas ang bawat pamilya sa kanilang pag-aari, at inilaan ang pananggalang laban sa kasukdulan maging sa kayamanan o kahirapan.” E.G.W. (Education, cp. 5, p. 43)

13 “Saan tayo makakahanap ng mga batas na mas dakila, dalisay, at matuwid kaysa sa mga naitanghal sa aklat ng palatuntunan kung saan naitala ang mga turo na ibinigay kay Moses para sa mga anak ng Israel? Saan pa kaya tayo makakakuha ng lakas o matututo ng dakilang aral? Anong ibang aklat ang magtuturo sa tao ng maigi kung paano umibig, matakot, at sumunod sa Dios? Anong ibang aklat ang nagbibigay sa mga mag-aaral ng mas nakakapadakilang turo, mas kamanghamanghang kasaysayan? Malinaw itong nagpapakita ng katuwiran at nagsasabi ng kahihinatnan ng pagtaksil sa kautusan ni Jehova.” E.G.W. (Counsels to Parents, Teachers, and Students, p. 428)


Download ppt "DETALYADONG PLANO PARA SA ISANG MAS MABUTING DAIGDIG"

Similar presentations


Ads by Google