Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
Published byBelén Acuña Modified over 5 years ago
1
PANAHON NG PAGKA-MAGULANG Liksyon 8 para sa ika-25 ng Mayo, 2019
2
Pagkatapos na malikha sina Adan at Eba, hinimok sila ng Dios na maging magulang: “At sila’y binasbasan ng Dios at sa kanila’y sinabi ng Dios, kayo’y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa at iyong supilin.” (Genesis 1:28). Ang sanggol ay karaniwang pinapalaki ng mapagmahal na ama at ina. Gayunman, hindi ito posible sa ilang sitwasyon. Kabilang sa pagiging responsableng magulang ay ang pagtuturo sa mga anak, upang balang araw sila ay maging mamamayan ng Langit. NATATANGING SITWASYON Walang mga anak Naiisang magulang PAGTUTURO SA MGA ANAK Mga prinsipyo ng edukasyon Ang hangarin ng edukasyon Kung di naabot ang hangarin
3
WALANG MGA ANAK “At nanaangin si Isaac sa Panginoon dahl sa kaniyang asawa, sapagkat baog; at nadalanginan niya ang Panginoon, at si Rebeca na kaniyang asawa ay naglihi.” (Genesis 25:21) May ilang sitwasyon sa Biblia na gustong gustong magkaanak ng mga babae ngunit hindi; halimbawa: sina Rebeka, Rachel at Hanna. Dininig ng Dios ang kanilang panalangin (Gn. 30:1; 1S. 1:27). Sina Abraham at Sara, at Zacarias at Elisabet ay mga halimbawa ng mag-asawang sumuko na sa pagkakaroon ng anak. Gayunpaman, biniyayaan sila ng Dios ng anak (Gn. 21:2; Lk. 1:13). Dinidinig ng Dios ang iyong panalangin, nga lang hindi laging sa paraan na inaasahan mo. Ang ilang mag-asawa ay piniling hindi magkaanak. Ang iba ay piniling mag-ampon at bigyan sila ng maayos na kinabukasan. Dapat maging sensitibo tayo sa mga nais maging magulang pero hindi magkaanak.
4
NAG-IISANG MAGULANG “inyong ilagak sa kaniya ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagkat kayo’y ipinagmamalasakit niya.” (1 Pedro 5:7) May ilang halimbawa sa Biblia ng hiwalay (Genesis 21:14), nag-iisa (Genesis 38:24) at balo (2 Kings 4:1) na ina. Ngayong panahon, parehong sitwasyon ang tumutulak sa ilang ama at ina na palakihin ang kanilang mga anak ng walang katuwang. Dahil dito ay nagiging mahirap ang pagpapalaki sa mga anak. Lalong dapat magtiwala ang mga nagiisang magulang sa Dios na nagsasabing: “hindi kita iiwan ni pababayaan kita.” (Josue1:5) Tayo ang Iglesia, kaya dapat nating suportahan at tulungan ang mga kapatid na iyon (Santiago 1:27).
5
MGA PRINSIPYO NG EDUKASYON
“At ang mga salitang ito na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito ay sasa iyong puso; at iyong ituturo ng buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasalitain tungkol sa kanila pagka ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga at pagka ikaw ay bumabangon.” (Deuteronomio 6:6-7) Bawat bata ay naiiba: pagkakasunod ng kapanganakan, ugali, at iba pa. Kaya kailangan ng mga magulang ng katalinuhan mula sa Dios upang maturuan ang kanilang mga anak. Ang mga prinsipyo ng edukasyon ay nakatala sa Deuteronomio 6:4- 9. Ang susi sa pagpapalaki ng responsableng mga mamamayan ng Kaharian ng Dios ay ang pagsunod sa mga prinsipyong iyon. Ang mga magulang ay dapat: Kumilala sa Dios (v. 4) Mahalin ang Dios ng buo nilang puso, isip at espiritu (v. 5) Pahalagahan ang Kanyang Salita (v. 6) Ibahagi Siya sa kanilang mga anak (v. 7)
6
MGA PRINSIPYO NG EDUKASYON
“At ang mga salitang ito na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito ay sasa iyong puso; at iyong ituturo ng buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasalitain tungkol sa kanila pagka ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga at pagka ikaw ay bumabangon.” (Deuteronomio 6:6-7) Paano mo maisasakabuhayan ang mga prinsipyong iyon? Sa paggawa ng sumusunod: Magkintal / Pagsasalita (v. 7) Pormal na pagturo: Pag-aaral sa Biblia sa natatanging pagkakataon (halimbawa, Pampamilyang pagsamba) Di-pormal na pagturo: Pagturo ng mga liksyon mula sa pang-araw-araw na buhay Pagtatali/ Pagsusulat (v. 8-9) Pagdugtong ng katotohanan sa iyong mga kilos (kamay) at pag-iisip (noo) Dapat nakikita ang katotohanan sa parehong pampubliko (frame ng pinto) at pribadong (gate) buhay
7
ANG HANGARIN NG EDUKASYON
“Sapagkat siya’y aking kinilala, upang siya’y mag-utos sa kaniyang mga anak at sa kaniyang sangbahayan pagkamatay niya, na maingatan nila ang daan ng Panginoon, na gumawa ng kabanalan, at kahatulan; upang padatnin ng Panginoon kay Abraham ang kaniyang ipinangako tungkol sa kanya.” (Genesis 18:19) Ang hangarin ng Kristyanong mga magulang ay dapat na maging tunay na mga anak ng Dios ang kanilang mga anak, sa pamamagitan ng pagkintal ng pag-ibig ng Dios sa kanila upang magkasama nilang pagsaluhan ang walanghangan. Pinaliwanag ng Dios kung paano turuan ang inyong mga anak upang makamit ang hangaring iyon: Pagdisiplinang may kabaitan (Colosas 3:21) Pagturo ng Utos ng Dios (Awit 78:5) Pagiging modelo (Genesis 18:19) Tamang pangangasiwa sa tahanan (1 Tim. 3:12) Pagsasaway (Kawikaan 29:17)
8
ANG HANGARIN NG EDUKASYON
Maraming halimbawa sa Biblia ng mga magulang na tapat na nagpalaki sa kanilang mga anak, at halimbawa ng mga nagpakita ng favoritism, kakulangan ng pagsaway na nagpahirap sa pagtuturo sa kanilang mga anak. Pag-aralan natin ang mga halimbawa. Isaac (Genesis 25:28) Elias (1 Samuel 3:13) Samuel (1 Samuel 8:3) David (1 Hari 1:6) Manase (2 Hari 21:6) Enoc (Genesis 5:21-27) Job (Job 1:5) Isaias (Isaias 8:18) Mordecai (Ester 2:7) Eunice (2 Timoteo 1:5)
9
KUNG DI NAABOT ANG HANGARIN
“Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.” (Kawikaan 22:6) Kung iniwan ng anak ang pananampalataya at tinalikuran ang mga itinurong prinsipyo sa kanila, sino ang masisisi? Madaling akusahan ang mga ama na hindi inayos ang pagpapalaki sa kanilang mga anak. Gayunman, maaaring magkamali ang isang anak kahit tama lahat ng ginawa ng mga magulang. May sariling isip ang mga bata at sa huli’y mananagot sila sa Dios base sa kanilang mga ginawa. Ang pagiging mabuting magulang ay nasa pagpili natin; kung ano ang kalalabasan nila ay nasa kanila ang pagpili. Kung magrebelde ang isang anak, dapat na manatiling magkasama ang mga magulang at magtalaga ng malinaw na mga hangganan. Kailangan natin ng taimtim na panalangin, pag-ibig at pagtatyaga. Samahan sila lagi kahit sila’y lumalaban sa Dios. Alalahanin kung paano sila minahal ng Dios.
10
“Mga magulang, gumagawa ba kayo ng walang kapaguran alang-alang sa inyong mga anak? Tinatandaan ng Dios ang inyong pagkamaalalahanin, masugid na paggawa, at maingat na pagbabantay. Dinidinig Niya ang iyong mga panalangin. Turuan ng buong ingat at pagtatyaga ang inyong mga anak para sa Panginoon. Ang buong langit ay interesado sa iyong gawain. Makikiisa sa iyo ang mga angel ng liwanag habang nagsisikap kang pangunahan ang iyong mga anak papunta sa langit. Makikiisa sa iyo ang Dios, na kinokoronahan ng pagtatagumpay ang iyong pagsisikap. Natutuwa si Kristong magparangal sa isang Kristyanong pamilya; dahil ang ganung pamilya ay simbolo ng pamilya sa langit.” E.G.W. (The Review And Herald, "Words to Parents", January 29, 1901)
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.