Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
1
EsP5P – Iia – 22 DAY 1
2
Pagmamalasakit sa Kapwa, Gagawin Ko
Ang taong may malasakit sa kapwa, kadalasan ay pinagpapala. Marami na tayong karanasan sa mga kalamidad na dumaan sa ating bansa. Ang pagiging handa ay makatutulong sa atin upang tayo ay makaiwas at makaligtas sa iba’t ibang uri ng kapahamakan. Maging mapagmatyag tayo sa mga nangyayari sa ating lipunan lalo na sa ating mga kalikasan.
3
Day 1 Alamin Natin Tulungan nating maging handa sina Carlo at Carla sa mga sakuna at kalamidad. Ayusin ang mga letra sa loob ng kahon para makabuo ng salita. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. a.Dollin Ahab Goyba Ugson Namitsu Lidesland
4
mga gabay na salita sa paglalaro ng Halo Letra.
Malakas ang pagyanig ng lupa. Labis na pag-apaw ng tubig o paglawak ng tubig na natatakpan ang lupa. Namumuong sama ng panahon na nagdudulot ng kalamidad sa ating bansa. Mabilis na pagkalat ng apoy. Pagguho ng lupa dulot ng labis na pag-ulan at kawalan ng ugat ng puno na kinakapitan ng lup
5
Tumulong sa Kapwa! Ang mabuting Kristiyano ay maawain at matulungin sa kapwa. Ito’y dahil sa ating paniniwala na ang pgamamahal sa kapwa ay pagmamahal sa Diyos. Mahal ng Panginoon ang lahat, kaya Siya tumutulong sa lahat, mahirap o mayaman man.
6
Ang pagtulong sa kapwa, lalo na kapag may sakuna o kalamidad ay likas sa mga Pilipino. Ito’y kaasalang Pilipino na minana pa natin sa ating mga ninuno na dapat gawin at pagyamanin.
7
Hindi natin maiiwasan ang magalit sa kapitbahay o kanayon kung minsan
Hindi natin maiiwasan ang magalit sa kapitbahay o kanayon kung minsan. Ngunit kapag may sunog, baha o anumang pangyayaring nanganganib ang kanilang kaligtasan, hindi natin matiis na sila’y di tulungan at damayan. Naghahandog tayo ng damit, pagkain, at mga gamit sa nasalanata ng kalamidad.
8
Bilang mag-aaral, makatulong din tayo at an gating paaralan sa mga taong nangangailangan. Bukod sa mga pagkain, salapi, at damit na ibinibigay, mabuti rin na turuan natin sila ng mga gawaing mapagkakakitaan upang makapagsarili sa mga darating na araw:
9
Iba pang magagawa natin:
Ibahagi sa mga kabarangay ang anunsyo sa radio kung may parating na bagyo Itawag sa malapit na himpilan ng pulisya kapag may nasaksihan kang krimen, nakawan, at iba pang malubhang pangyayari. Tumawag ng saklolo kapag may emergency na nagaganap.
10
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
Anong damdamin ang nararapat maghari sa ating puso para sa ating kapwa? Bakit nararapat magmalasakit tayo sa isa’t isa? Paano mo ipinakikita ang iyong malasakit sa iyong kapwa? Sino ang dapat nating gawing huwaran ng pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa?
11
Ikaw ba ay may malasakit sa iyong kapwa?
Paano mo ipinakikita ang pagmamalasakit sa kapwa?
12
Day 2 Isagawa Natin Gawain 1
Fact or Bluff: Lagyan ng / kung fact ang isinasaad ng pangungusap at X kung bluff. Ilagay ang sagot sa sagutang papel. _____ 1. Ang taong may malasakit sa kapwa ay kinalulugdan ng Diyos. _____ 2. Huwag pansinin ang mga sakuna o krimen sa paligid.
13
_____ 3. Laging isaisip at isapuso ang pagmamalasakit sa kapwa. _____ 4. Tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo, lindol o lahar. _____ 5. Pabayaang mga pinuno na lamang ng pamayanan ang sumaklolo sa mga mamamayang kailangan ng tulong.
14
Gawain 2 Pangkatang Gawain
Magpagawa ng isang dula-dulaan kung saan ipakikita ang pagbibigay ng kayang tulong para sa biktima ng kalamidad. Pangkat 1- Bagyo Pangkat 2- Baha Pangkat 3- Sunog Pangkat 4- Lindol
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.