Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Tekstong argumentatibo:

Similar presentations


Presentation on theme: "Tekstong argumentatibo:"— Presentation transcript:

1 Tekstong argumentatibo:
IPAGLABAN ANG KATWIRAN

2 layunin Matapos ang aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:
Naiisa- isa ang mga katangian ng tekstong argumentatibo; Natatalakay ang mga estratehiya ng mabisang argumento; Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng mabisang argumento mula sa mga clipping ng mga artikulo, lathalain, at iba pa; Nakagagawa ng sariling obserbasyon kaugnay ng binasang tekstong argumentatibo; Nakakabuo ng isang advocacy page sa isang social media site tungkol sa pinaniniwalaang isyu at; Nakapaglalatag ng mahahalagang argumento tungkol sa isang isyu at maisaayos ang mga argumento sa lohikal, masinop, at makabuluhang paraan,

3 Tekstong argumentatibo
Ipaglaban ang katwiran Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na nangangailangan ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga literatura at pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan, at resulta ng empirikal na pananaliksik.

4 Ang empirikal na pananaliksik ay tumutukoy sa pangongolekta ng datos sa pamamagitan ng pakikipagpanayam, survey at eksperimentasyon.

5 Mga elemento ng pangangatwiran
Ang dalawang elemento ng pangangatwiran. proposisyon argumento.

6 Mga elemento ng pangangatwiran
Proposisyon Ayon kay Melania I. Abad (2004) sa “Linangan: Wika at Panitikan.”ang proposisyon ay ang pahayag na inilhad upang pagtalunan o pag- usapan. Ito ang isang bagay na pinagkakasunduan bago ilahad ang katwiran ng dalawang panig. Magiging mahirap anf pangangatwiran kung hindi muna ito itatakda sapagkat hindi magkakaisas sa mga batayan ng isyu ang dalawang panig

7 Mga elemento ng pangangatwiran
` Mga elemento ng pangangatwiran Argumento Ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensya upang maging makatuwiran ang isang panig. Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng pagsusuri sa proposisyon upang makapagbigay ng mahusay na argumento.

8 Katangian at nilalaman ng mahusay na tekstong argumentatibo
Mahalaga at napapanahong paksa Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidesiya ng argumento. Maayos na ebidensya para sa argumento.

9 Mahalaga at napapanahong paksa
Upang makapili ng angkop na paksa, pagisipan ang iba’t ibang napapanahon at mahahalagang isyu na may bigat at kabuluhan. Makakatulong din kung may interes ka sa paksa, ngunit hindi ito sapat. Kailangan mo ring pagisipan kung ano ang makatwirang posisyon na masusuportahan ng argumentasyon at ebidensya

10 Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto.
Sa unang talata, ipinaliliwanag ng manunulat ang konteksto ng paksa sa pamamagitan ng pagtatalakay nito sa pangkalahatan. Tinatalakay rin sa bahaging ito kung bakit mahalaga ang paksa at kung bakit kailangan makialam sa isyu ang mga mambabasa.

11 Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto
Transisyon ang magpapatatag ng pundasyon ng teksto. Kung walang lohikal na pagkakaayos ng kaisipan, hindi makasusunod ang mambabasa sa argumento ng manunulatat hindi magiging epektibo ang kabuuang teksto sa layunin nito. Nakakatulong ang transisyon upang ibuod ang ideya sa nakaraang bahagi ng teksto at magbigay ng introduksyon sa susunod na bahagi.

12 Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidesiya ng argumento.
Ang bawat talata ay kailangan tumatalakay sa iisang pangkalahatang ideya lamang. Ito ang magbibifay-linaw at direksyon sa buong teksto. Tiyakin ding maikli ngunit malaman ng bawat talata upang maging mas medaling maunawawan ng mambabasa.

13 Maayos na ebidensya para sa argumento
Ang tekstong argumentatibo ay nangangailangan ng detalyado, tumpak, at napapanahong mga impormasyon mula sa pananaliksik na susuporta sa kabuuang tesis.

14

15 1.) Ang __________ ay ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pagusapan. Ito ang isang bagay na pinagkasunduan bago ilahad ang katwiran ng dalawang panig A. Argumento b. Proposisyon c. Mahalaga at napapanahong paksa D. maikli ngunit malaman at malinaw na patukoy sa tesis sa unang talata ng teksto E. Matibay na ebidensya sa Argumento

16 2.) angkop na paksa at iba't ibang napapanahong isyu
A. Argumento b. Proposisyon c. Mahalaga at napapanahong paksa D. maikli ngunit malaman at malinaw na patukoy sa tesis sa unang talata ng teksto E. Matibay na ebidensya sa Argumento

17 3.) ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensya upang maging makatwiran ang isang panig
A. Argumento b. Proposisyon c. Mahalaga at napapanahong paksa D. maikli ngunit malaman at malinaw na patukoy sa tesis sa unang talata ng teksto E. Matibay na ebidensya sa Argumento

18 4.) nangangailangan ng detalye,tumpak at napapanahong mga impormasyon mula sa pananaliksik na susuporta sa kabuoang tesis A. Argumento b. Proposisyon c. Mahalaga at napapanahong paksa D. maikli ngunit malaman at malinaw na patukoy sa tesis sa unang talata ng teksto E. Matibay na ebidensya sa Argumento

19 5.) tinatalakay rin sa paksang bahaging ito kung bakit mahalaga ang paksa at kung bakit mahalangang ang paksa at kung bakit kailangan makialam sa isang isyu ang mga mambabasa A. Argumento b. Proposisyon c. Mahalaga at napapanahong paksa D. maikli ngunit malaman at malinaw na patukoy sa tesis sa unang talata ng teksto E. Matibay na ebidensya sa Argumento

20


Download ppt "Tekstong argumentatibo:"

Similar presentations


Ads by Google