Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Gamit ng Wika sa Lipunan

Similar presentations


Presentation on theme: "Gamit ng Wika sa Lipunan"— Presentation transcript:

1 Gamit ng Wika sa Lipunan
Inihanda ni: Margie R. Nunez, PhD

2 Layunin: Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabas sa telebisyon at pelikula Naipaliliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng presentasyong video

3 Pamantayan sa Presentasyong Video
Pagganap ng mga tauhan -20 puntos Pagkamalikhain (Props/Kasuotan)- 20 puntos Sinematograpiya- 20 puntos Paghahanay ng mga Eksena-20 puntos Partisipasyon sa Pangkat- 20 puntos

4 Paunang Pagtataya Panuto: Tukuyin ang gamit ng wika sa lipunan batay sa pahayag. Litong-lito si Gabrel sa dami ng kanyang takdang-gawain kaya naisipan na lamang niyang pumunta sa Silid-aklatan upang magsaliksik. Naging maayos ang pag-uusap ng Pilipinas at China na humantong sa pagkakaroon ng kasunduan upang malutas ang sigalot sa pinag-aagawang teritoryo ng dalawang bansa sa West Philippine Sea.

5 3. Simula ng maglagay ng babala ang MMDA sa mga kalsada nabawasan ang mga aksidenteng dulot ng hindi pagtawid sa tamang daanan. 4. Marami ang dumalo a panayam ni Pangulong Duterte tungkol sa kanyang layuning masugpo ang kriminalidad sa bansa kamakailan lang.

6 5. Nahirapan si Carla sa pagbabagong nangyayari sa kanyang buhay kaya naman nagsimula siyang magsulat ng mga saloobin niya sa kanyang talaarawan.

7 PAGSUSURI SA LARAWAN

8 Ano-anong wika ba ang nasasalita at nauunawaan mo
Ano-anong wika ba ang nasasalita at nauunawaan mo? Ibigay ang iyong reaksyon sa larawan.

9 Gamit ng Wika sa Lipunan

10 INTERAKSYONAL

11 Interaksiyonal ginagamit ito sa pagpapanatili ng mga relasyong sosyal, katulad ng pagbati sa iba’t ibang okasyon, panunukso, pagbibiro, pang-iimbita, pasasalamat, pagpapalitan ng kuro-kuro tungkol sa isang partikular na isyu.

12 paggamit ng mga salitang pang-teen-ager, liham-pangkaibigan, lenggwahe ng mga bakla, propesyunal na jargon, palitang ritwalistik, at dayalektong rehiyunal.

13 INSTRUMENTAL

14 Instrumental tumutulong sa tao para maisagawa ang mga gusto niyang gawin. tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.

15 magagamit ang wika sa pagpapangaral, verbal na pagpapahayag, pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos, pakikiusap , liham pangangalakal at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto.

16 maisasagawa niya ang ano man at mahihingi ang iba’t ibang bagay sa tulong ng wika.

17 REGULATORYO

18 Regulatoryo May gamit ding regulatori ang wika na nangangahulugang nagagamit ito sa pagkontrol sa mga ugali o asal ng ibang tao, sitwasyon o kaganapan.

19 Kabilang dito ang pagbibigay ng mga patakaran o palisi at mga gabay o panuntunan, pag-aaproba at/o di-pagpapatibay, pagbibigay ng pahintulot at/o pagbabawal, pagpuri at/o pambabatikos, pagsang-ayon at/o di-pagsang-ayon, pagbibigay paalala, babala at pagbibigay panuto.

20 Ang pagbibigay ng direksyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon, direksyon sa pagluluto ng isang ulam, direksyon sa pagsagot ng pagsusulit at direksyon sa paggawa ng anumang bagay ay mga halimbawa ng tungkuling regulatoryo.

21 PERSONAL

22 Personal pagpapahayag ng personalidad at damdamin ng isang indibidwal.
Paglalahad ng sariling opinyon at kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. Pagsulat ng talaarawan at journal at pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.

23 Nasa anyo ito ng iba’t ibang pangungusap na padamdam, pagmumura, paghingi ng paumanhin, pagpapahayag ng mga pansariling damdamin (tuwa, galit, gulat, hinanakit, pag-asa, kagustuhan), at iba pang pansariling pahayag.

24 HEURISTIKO

25 Heuristiko ginagamit ito ng tao upang matuto at magtamo ng mga tiyak na kaalaman tungkol sa mundo, sa mga akademiko at/o propesyunal na sitwasyon.

26 Ito ay ang pagbibigay o paghahanap ng kaalaman.
Kabilang dito ang pagtatanong, pakikipagtalo, pagbibigay-depinisyon, panunuri, sarbey at pananaliksik.

27 Nakapaloob din dito ang pakikinig sa radyo, panonood ng telebisyon, pagbabasa ng pahayagan, magasin, blog at mga aklat kung saan nakakukuha tayo ng impormasyon.

28 IMPORMATIBO

29 Impormatibo Ang wika ay instrumento upang ipaalam ang iba’t ibang kaalaman at insight tungkol sa mundo.

30 Ang wika ay ginagamit upang magbigay ng impormasyon/datos sa paraang pasulat at pasalita.

31 Ang ilang halimbawa nito ay pag-uulat, panayam, pagtuturo, pagpapaliwanag, pagsagot, pagtuturo at pagsusulat ng pamanahunang papel o tesis.

32 IMAHINATIBO

33 Imahinatibo Likas sa mga Pilipino ang pagkamalikhain. Sa pamamagitan ng wika napapagana ang imahinasyon ng tao.

34 Nakasusulat ang tao ng:
> tula > maikling kuwento > atbp.

35 Nakaukit sa isipan ng tao ang kanyang mga pangarap na nagsisilbing gabay sa kanyang hinaharap.

36 EBALWASYON PAGSAGOT SA HULING PAGTATAYA KAUGNAY SA KONSEPTO NG PAKSA
Paano nakatutulong ang mga gamit ng wika sa lipunan sa pang-araw-araw na pamumuhay at sa pagtamo ng isang bansang produktibo/maunlad?

37 Takdang Aralin: Tingnan at basahin ang mga post ng iyong mga kaibigan sa newsfeed ng inyong Facebook account. Pansinin kung anong gamit ng wika ang iyong nakikita sa iba’t ibang post. Base sa iyong obserbasyon, paano ginagamit ng iyong mga kaibigan ang social media? Magbigay ng limang halimbawa (post ng inyong mga kaibigan) bilang suporta sa iyong sagot. Isulat sa inyong kwaderno ang sagot.

38 MARAMING SALAMAT PO!


Download ppt "Gamit ng Wika sa Lipunan"

Similar presentations


Ads by Google