Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Kayo at ang Batas sa Pangangalagang Pangkalusugan

Similar presentations


Presentation on theme: "Kayo at ang Batas sa Pangangalagang Pangkalusugan"— Presentation transcript:

1 Kayo at ang Batas sa Pangangalagang Pangkalusugan
Magandang araw, ako po si xxx, at ikinagagalak kong makasama kayo ngayon para pag-usapan ang batas para sa pangangalaga ng ating kalusugan, and Affordable Care Act o ang Batas para sa Abot-Kayang Pangangalaga - at kung bakit mahalaga ito sa para inyo, sa inyong pamilya, at sa inyong komunidad.

2 Ang Problema Maaaring samantalahin ng mga kumpanya ng seguro ang inyong sitwasyon at pagkaitan ang 129 milyong Amerikano na dati nang may sakit o kondisyon. Tumaas ang mga premium ng mas mahigit pa sa doble nitong nakaraang dekada, habang pataas ng pataas naman ang itinubo ng mga kumpanya ng seguro. Noon, ang mga milyong-milyon ay nakaseguro sa mas mababang halaga at marami naman sa mga mayroon pangkalusugang seguro ang natatakot na mawala ito. At 50 milyong Amerikano ang walang kahit na anong uri ng seguro noon. Ang unang tanong ng karamihan ay: bakit natin kinailangan ang health care law o batas para sa pangangalagang pangkalusugan? Ang sagot, mayroon tayong merkado ng segurong pangkalusugan subalit mas nakikipagtulungan ito sa mga malalking kompanya kaysa sa Amerikanong pamilya. Ang mga tagapagseguro ang kukuha at pipili kung sino ang pagbibigyan nila ng coverage. Ang mga premium noon ay napakabilis tumaas habang ang mga tagapagseguro ay kumikita ng mga mas malalaki kaysa sa dati. At ang resulta nito, ang milyong-milyon ay natali sa coverage na hindi sumasakop sa mga kritikal na paggamot at pangangalagang pang-iwas sa maaaring maging karamdaman. Marami sa mga nagkaroon ng seguro ang hindi nakaintindi ng mga pangunahing kaalaman ng kanilang plano - at natatakot na mawala ito kung tatanggalin ang coverage ng kanilang mga pinagtatrabahuhan o kung sila ay lilipat sa ibang trabaho o magreretiro. At ang 50 milyong Amerikano ay walang-walang seguro noon. Naramdaman ng mga maraming Amerikano na wala silang magagawa sa kanilang pagpipilian ng pangangalagang pangkalusugan.

3 Ang Batas sa Pangangalagang Pangkalusugan
Noong Marso 2010, isinabatas ni Pangulong Obama ang Affordable Care Act (Batas sa Abot-kayang Pangangalaga). Kaya ipinasa na ng Kongreso at pinirmahan ng Pangulo ang Batas sa Abot-kayang Pangangalaga.

4 4 na Bagay na Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Batas:
Winawakasan nito ang napakagrabeng pang-aabuso ng mga kumpanya ng seguro Ginagawa nitong mas abot-kaya ang segurong pangkalusugan Pinapagtibay nito ang Medicare Nagbibigay ito ng mas magagandang pagpipilian ng coverage Sa totoo lang, naghahangad ang batas ng apat na bagay para sa iyo at sa inyong pamilya: Hahadlangan at wawakasan nito ang napakagrabeng pang-aabuso ng mga kumpanya ng seguro. Ginagawa nitong mas abot-kaya ang segurong pangkalusugan. Pinapagtibay nito ang Medicare. At nagbibigay ito ng mga mas magandang opsyon o pagpipilian sa pagkuha ng coverage na pangkalusugan. Ipapaliwanag ko pa ang mga bagay na ibinanggit ko, at magbibigay din ako ng mga ilan pang pangunahing bagay na dapat ninyong malaman tungkol sa batas.

5 Pinipigilan ng Batas ang Pagsasamantala sa Inyo ng mga Kumpanya ng Seguro
NGAYON, iligal sa mga kumpanya ng seguro na: Ipagkait ang coverage sa mga bata dahil sa dati nang kondisyon na tulad ng hika o diyabetis. Maglagay ng lifetime cap sa halagang kailangan nilang bayaran kapag kayo ay magkasakit. Kanselahin ang inyong coverage kapag nagkasakit kayo sa pamamagitan ng paghanap ng kamalian sa inyong mga dokumento. At marami pang iba... Ang unang paraang para makatulong ang batas sa inyo ay ang paglalagay ng mga bagong proteksiyon para sa inyo. Dati, maaari kayong pagsamantalahan ng mga kumpanya ng seguro. Maaari nilang ipagkait ang coverage sa mga batang may hika o ipinanganak na may dipirensiya sa puso. Maaari rin silang maglagay noon ng lifetime cap sa halaga na kanilang babayaran. Kaya kung nagkaroon kayo ng malubhang kondisyon tulad ng kanser o kakaibang karamdaman sa dugo, o kaya’y napinsala sa isang aksidente sa sasakyan, saka pa mawawala ang inyong seguro kung kailan ninyo ito kailangang-kailangan.   Ang pinakagrabe sa lahat, maaari nilang kanselahin o ipawalang-bisa ang inyong coverage kung kayo ay nagkasakit sa pamamagitan lamang ng paghanap ng di sinasadyang kamalian sa inyong mga dokumento. Gumagamit pa ng mga programa sa computer ang mga ilang kumpanya ng seguro na sadyang naghahanap ng mga kamalian sa mga rekord ng mga taong may kanser sa suso o HIV.  

6 Pinipigilan ng Batas ang Pagsasamantala sa Inyo ng mga Kumpanya ng Seguro
“Bagong Silang na Sanggol Pinagkaitan ng Coverage sa Segurong Pangkalusugan Ilang Araw Pagkatapos ng Operasyon sa Puso na Nakapagligtas sa Kanyang Buhay” -- ABC News “Mga Mababang Cap ng Segurong Pangkalusugan Iniiwang walang mapuntahan ang mga Pasyente” -- USA Today Ipinagbabawal ng batas ang mga abusong ito at marami pang iba. Bunga nito, ang 105 (sandaa’t limang) milyong Amerikano ay hindi na kailangang mag-alala tungkol sa lifetime cap sa kanilang mga benepisyo. Ang milyong-milyong Amerikano ay hindi na kailangang matakot na makakansela ang kanilang seguro nang walang dahilan. At ang mga magulang ng mahigit na 17 (labimpitong) milyong bata na may dati nang kondisyon ay hindi na kailangang mag-alala na pagkakaitan ng coverage ang kanilang anak. [SANGGUNIAN PARA SA NAGTATALUMPATI: Ang mga proteksiyon ng mamimili ay ipinapairal sa lahat ng mga Amerikano sa mga bagong plano. Kasama sa mga ibang proteksiyon sa mamimili sa batas ang: -Unti-unti nang tinatanggal ang taunang limitasyon sa coverage at ipagbabawal na ito sa 2014. -Makakadulog kayo sa isang independiyenteng proseso ng pag-aapela kung kayo ay may hindi mapagkasunduan ng kumpanya ng inyong seguro. -Hindi makakasingil ang mga tagapagseguro ng karagdagang co-pay kung kayo ay dadalhin sa isang emergency room na di kasali sa network. -Makakapili kayo ng inyong sariling pangunahing tagapangalagang doktor sa network ng inyong tagapagseguro, at maaari kayong magpatingin sa isang pediatrician o doktor ng mga bata o sa isang OB_GYN nang walang rekomendasyon.] “Palagiang Tinatarget ng WellPoint ang mga May Kanser sa Suso para sa Pagpapawalang-bisa o Rescission” -- The Huffington Post

7 Ginagawang Mas Abot-kaya ng Batas ang Segurong Pangkalusugan Sa maraming pagkakataon, makikinabang kayo sa mga libreng serbisyong pang-iwas ng karamdaman : Mga pagpapasuri hinggil sa kanser tulad ng mga mammogram at colonoscopy Bakuna tulad ng para sa trangkaso, beke at tigdas Pagpapakuha ng presyon ng dugo Pagpapasuri ng cholesterol Pagpapapayo at pagpapatulong upang mahinto ang paninigarilyo Pag-iwas sa pagdadalangtao Pagpapasuri hinggil sa depresyon At marami pang iba... Bumisita sa para sa kumpletong listahan. Ang pangalawang paraan na nakakatulong sa inyo ang batas ay ginagawa nitong mas abot-kaya ang segurong pangkalusugan. Nagsisimula iyan sa pangangalagang pang-iwas ng karamdaman. Alam natin na ang pagkakatanggap ng pangangalagang pang-iwas karamdaman tulad ng mga pagpapasuri hinggil sa kanser at mga pagpapabakuna ay isa sa mga pinakamabisang paraan para panatilihin ang ating kalusugan. Ngunit noong nakaraan, masyadong maraming Amerikano ang walang ganitong pangangalaga dahil hindi ito sinasagot ng kanilang mga tagapagseguro o di kaya’y nangangailangan pa ng mga mahal na co-pay. Kung ang pagpipilian ay (limampung dolyar) $50 para sa mammogram o $50 para sa mga pagkain, marami sa mga kababaihan ang kinakailangang makipagsapalaran. Ngayon, hindi na nila kailangang makipagsapalaran pa. Salamat sa batas sa abot-kayang pangangalagang pangkalusugan, marami nang iba't ibang rekomendadong serbisyong pang-iwas karamdaman na libre at magagamit sa lahat ng mga bagong plano. Noong 2011 lamang, ang 54 na milyong Amerikano ay nagkaroon ng hindi kukulangin sa isang libreng serbisyong pang-iwas karamdaman sa pamamagitan ng kanilang pribadong plano ng segurong pangkalusugan.

8 Ginagawa ng Batas na Mas Abot-kaya ang Segurong Pangkalusugan
NOON, gumagastos ang mga kumpanya ng seguro ng hanggang 40 cents ng bawat premium dollar para sa mga gastusing kaugnay sa pamamalakad ng negosyo, pagbebenta, at mga sahod ng CEO. NGAYON, isinasaad sa bagong 80/20 na tuntunin na dapat gumastos ang mga kumpanya ng seguro ng hindi kukulangin sa 80 cents ng inyong premium dollar ang dapat gastusin ng mga segurong pangkalusugan para sa pangangalaga sa inyo o pagpapabuti sa pangangalaga. Kung hindi, dapat nilang ibalik ang pera. 60% / 40% Tumutulong din ang batas na masulit ninyo ang inyong premium ng pangangalagang pangkalusugan. Bago ang batas, ang ilan sa mga pribadong kumpanya ng seguro ay gumagastos ng halos kalahati ng inyong premium para sa mga gastusin sa pamamalakad ng negosyo tulad ng pagmemerkado at mga sahod ng CEO, kaya ang sinliit ng 60 (siyamnapung sentimo) na lamang ang natitira sa bawat premium dollar na gagastusin para pangangalaga sa inyo. Binibigyan kayo ng kakayahan ng batas sa pangangalagang pangkalusugan na sulitin ang inyong ibinabayad sa pamamagitan ng paglikha ng bagong 80/20 na alituntunin: sa pangkalahatan, hindi dapat kukulangin sa 80 porsiyento ng inyong premium ang dapat gastusin ng mga tagapagseguro para sa mga serbisyong pangangalagang pangkalusugan o sa pagpapabuti ng pangangalaga. Kung hindi nila ito sundin, ay kakailanganin nilang ibalik ang pera. 80% / 20%

9 Ginagawa ng Batas na Mas Abot-kaya ang Segurong Pangkalusugan
“Dumarating ang mga tseke ng rebate sa kalusugan sa ilalim ng Batas sa Abot-kayang Pangangalaga” -- The Tampa Tribune “Ang mga mamimili ng Missouri, Illinois ay tumatanggap ng mga rebates sa ilalim ng batas sa pangangalagang pangkalusugan” -- St. Louis Post-Dispatch Dahil sa alituntuning ito, 12 milyong Amerikano ang nakatanggap ng higit sa $1 bilyon dolyar na rebate mula sa mga kumpanya ng kanilang seguro noong summer ng Iyan ay nasa humigit-kumulang na $151 para sa bawat pamilya. Dagdag pa rito, ang batas sa pangangalagang pangkalusugan ay nagtatag ng mga bagong alituntunin na nag-uutos sa mga kumpanya ng seguro na ipaliwanag sa publiko ang anumang pagtaas sa singil na aabot ng 10 porsiyento o higit pa. At atin nang nakikita ang magagandang resulta ng mga alituntuning ito sa buong bansa. Mula noong nagsimula ang programang nagsusuri sa mga halagang isisingil noong 2011, bumaba na ang bilang ng mga pagtataas ng double-digits ng isisingil ng tagapagseguro ng kalusugan. Mas bumabagal na ang pagtaas ng mga premium na pangkalusugan. At nagsibabaan naman ang mga premium sa mga ilang lugar. [SANGGUNIAN PARA SA NAGTATALUMPATI: Sa ilalim ng batas ng pangangalagang pangkalusugan, ang mga rebate ay dapat na mabayaran sa Agosto 1 ng bawat taon. Makikita ng mga karapat-dapat sa isang rebate ang isa sa mga sumusunod: -Isang tseke ng rebate sa koreo -Kabuuang pera na pampabalik ng ipinambayad sa parehong account na ginamit sa pagbayad ng premium kung ito ay binayaran sa pamamagitan ng credit card o debit card -Direktang pagbawas sa inyong premium sa hinaharap -Ang kanilang mga pinagtatrabahuhan ay magsasagawa ng isa sa mga pamamaraan ng pag-rebate na nabanggit sa taas, o pagsasagawa ng rebate sa paraang makikinabang ang kanyang mga empleyado. Kasama sa mga kuwento ng mga tagumpay sa pag-review ng rate ang: - Noong 2010, naligtas ang mga taga-California mula sa pagtaas ng mga rate na sa kabuuan ay sintaas ng 87% pagkatapos na iniurong ng isang tagapagseguro sa California ang iminumungkahing pagtaas pagkatapos ng masusing pagsusuri ng State Insurance Commissioner. - Ibinasura ng Insurance Department ng Connecticut ang mungkahing pagtaas ng 20% ng rate ng isa sa mga pangunahing tagapagseguro ng estado. -Noong 2011, sa pangkalahatan, iniulat ng mga estado na ang mga pagtaas ng premium ay bumaba ng 4.5 na porsiento, at sa totoo lang sa mga estadong katulad ng Nevada, ang mga premium ay bumaba.   -Para makita ang mga impormasyon sa pagtaas ng rate para sa inyong estado, maaari kayong pumunta sa: “Ang mga rebate ng segurong pangkalusugan ay ipapadala sa 81,000 na mga policyholder sa Ohio” -- Cleveland Plain Dealer

10 Ginagawa ng Batas na Mas Abot-kaya ang Segurong Pangkalusugan
NOON, mas mataas ang ibinabayad ng mga maliliit na negosyo - nasa average ng 18 porsiyento kung ikukumpara sa ibinabayad ng mga malalaking negosyo. NGAYON, maaaring makakuha ang mga maliliit na negosyo ng mga tax credit para makatulong sa pagbayad ng coverage para sa kanilang mga empleyado. At panghuli, ginagawang mas abot-kaya ng batas ang coverage na pangkalusugan para sa mga may-ari ng mga maliliit na negosyo. Lumilikha ang mga maliliit na negosyo ng dalawa sa bawat tatlong trabaho. Ngunit sa lumang sistema, mas mataas ang ibinabayad ng mga maliliit na negosyo - nasa average na 18 porsiyento ang itinaas kung ikukumpara sa ibinabayad ng mga malalaking kumpanya para sa parehong coverage na pangkalusugan. Iyan ang nagpahirap sa mga maliliit na negosyo na manghikayat at magpanatili ng mga pinakamahuhusay na empleyado. Ang batas sa pangangalagang pangkalusugan ay nagbibigay sa mga maliliit na negosyo ng mga tax credit upang makatulong sa pagbayad ng coverage. Ngayon, nabawasan na ang bilang ng mga maliliit na negosyo ang mangangailangang mamili kung kukuha ng bagong empleyado o ng pangangalagang pangkalusugan.   Noong 2011 lamang, nasa humigit-kumulang na 360,000 pinagtatrabahuhang nagbibigay ng segurong pangkalusugan sa dalawang milyong trabahador ang nakatanggap ng tax credit. At mahalagang pagtuunan ng pansin na walang may-ari ng maliliit negosyo ang inuutusang magbigay ng coverage sa ilalim ng batas. [SANGGUNIAN NG NAGTATALUMPATI: Malinaw na hindi isinama ng batas ang lahat ng mga kumpanyang may mas mababa sa 50 na empleyado – 96 na porsiento ng lahat ng mga kumpanya sa Estados Unidos o 5.8 milyon ng 6 na milyon na kabuuang bilang ng mga kumpanya – sa mga multa ng hindi pagbibigay ng coverage. Maraming kumpanya sa kasalukuyan na hindi nag-aalok ng coverage ang malamang na magbibigay dahil sa mabababang premium at mas maraming mapagpipilian dahil sa batas sa pangangalagang pangkalusugan. Noong nakaraan, ang mga maliliit na negosyo sa Estados Unidos na nag-aalok ng coverage sa mga empleyado ay mabilis na bumababa - mula halos 70 porsiento noong 2000 hanggang halos mas mababa sa 60 porsiento ng mga pinagtatrabahuhan noong 2009 — na nagbunga ng mga milyong-milyong mga pamilyang nagtatrabaho ang walang coverage. Mula nang ipinasa ang batas, ang bahagi ng mga maliliit na negosyo na nag-aalok ng coverage sa empleyado ay napanatili sa 59 na porsiento.]

11 Ginagawa ng Batas na Mas Abot-kaya ang Segurong Pangkalusugan
“Noong 2010, nagbayad kami ng halos $11,000 para sa segurong pangkalusugan ng mga empleyado. Binawasan ng tax credit ang aming gastusin ng mahigit sa $2,000. Para sa isang maliit na negosyong nagsisikap mapanatili ang coverage na pangkalusugan, malaking tulong ito. Sa totoo lang, iniisip na naming alisin ang aming seguro, ngunit dahil sinagot ng tax credit ang balanse at tinulungan kaming panatiliin ang coverage.” --Matt H. in Montana Noong 2011 lamang, nasa humigit-kumulang na 360,000 kumpanya na nagbibigay ng segurong pangkalusugan para sa dalawang milyong manggagawa ang nakatanggap ng tax credit. At mahalagang tandaan na walang pumipilit sa mga may-ari ng maliliit negosyo na magbigay ng coverage sa ilalim ng batas.

12 Pinagtitibay ng Batas na Ito ang Medicare
Libreng mga serbisyong pang-iwas karamdaman na tulad ng mga mammogram, colonoscopy at mga taunang pagpapasuri ng kalusugan.  Diskuwentong 50% para sa mga kasama sa coverage na kilalang tatak (o brand name) na mga gamot na nasa prescription drug donut hole – karaniwang katipiran ng mahigit sa $650 sa bawat tao. Mas mahigpit na mga hakbang laban sa mga pandaraya, pati na rin ang mas mabigat na mga parusa para sa mga kriminal. Ang ikatlong paraan na nakakatulong ang batas sa mga Amerikano ay ang pagbibigay ng mga bagong benepisyo para sa halos 50 (limampung) milyong nakatatandang Amerikano at mga Amerikanong may mga kapansanan na umaasa sa Medicare sa taun-taon. Mas pinapadali nito ang pagkuha ng maraming pangunahing serbisyong pang-iwas karamdaman ng hindi na kinakailangan ng co-pay o bawas (deductible) upang matiyak na walang senior ang liliban sa mga potensiyal na serbisyong makakapagligtas ng buhay tulad ng pagpapasuri hinggil sa kanser dahil lamang sa hindi nila makayanang bayaran ito. Sa ngayon, nasa 32 (tatlumpu’t dalawang) milyon na ang nakinabang sa Medicare para sa libreng pang-iwas karamdaman na benepisyo.   Nagbibigay-ginhawa ang batas para sa mga taong nasa coverage gap ng mga gamot na nangangailangan ng reseta sa Medicare Part D – na kilala bilang “donut hole.” Ngayon, ang mga nasa donut hole ay makakatanggap na ng 50% na diskuwento sa mga kilalang tatak na gamot nila na sakop ng seguro - diskuwento na nagligtas sa mga senior ng average na mahigit sa $650 bawat isa, salamat sa batas. Isasara ang donut hole sa   Nagbibigay lakas rin ang batas para sa makasaysayang suporta sa mga pagsisikap na sugpuin ang pandaraya sa Medicare. Ang mga pagsisikap na ito ang tumulong sa pagbalik ng di mapantayang $5.7 na bilyon sa Medicare trust fund noong 2010 at 2011. At sinasabi ng mga trustee ng Medicare na ang mga katipiran mula sa pagpapahusay tulad ng pagbawas ng pandaraya ang magpapahaba ng buhay ng Medicare Trust Fund ng walong taon.   [SANGGUNIAN NG NAGTATALUMPATI: Bago ang batas, sa ilalim ng Medicare Part D, kinailangan na sagutin ng mga senior sa donut hole mula sa sariling bulsang ang lahat ng gastusin sa gamot na nangangailangan ng reseta (o out of pocket prescription drug costs) na nagkakahalaga ng mula humigit-kumulang na $2700 hanggang $6100.]

13 Pinapagtibay ng Batas ang Medicare
“Isa akong lolang nagsisikap para tulungan ang aking apo sa kanyang pag-aaral. Ako ay umiinom ng pitong iba't ibang gamot. Sa pagsasara ng donut hole, magkakaroon pa ako ng kaunting karagdagang pera sa aking bulsa.” - Helen R. in Pennsylvania Ang mga pagpapabuti na katulad nito ang nagpapatibay sa Medicare para sa mga senior ngayon at sa mga susunod na taon. [SANGGUNIAN NG NAGTATALUMPATI: Bago ang batas, sa ilalim ng Medicare Part D, kinailangan ng mga senior sa donut hole na sagutin ang lahat ng gastusin para sa gamot na nangangailangan ng reseta (o out of pocket prescription drug costs) na umaabot sa $2700 hanggang $6100.]

14 Nagbibigay ang Batas ng Mas Magagandang Opsyon para sa Pagkuha ng Coverage
Nagbibigay ang batas ng mas magagandang opsyon para sa mga milyung-milyong Amerikanong nagbabayad ng kanilang sariling coverage, nawalan ng coverage o talagang walang- walang coverage. Kung kayo ay may segurong pangkalusugan na nais kunin, iyan ang kahalagahan ng batas sa inyo: nagbibigay ito ng proteksiyon laban sa mga pang-aabuso ng mga kumpanya ng seguro, mas abot-kayang seguro, at mas malakas na Medicare. Ngunit marami pa ring pamilya at mga may-ari ng mga maliliit na negosyo ang may coverage na hindi nakakatugon sa kanilang mga pangangailangan o kaya'y malapit nang magtaas ng singil. Ang iba nama’y nais kumuha ng coverage ngunit hindi nila ito kayang bayaran. Milyung-milyon ang tinatanggihan ng merkato dahil sa datihan nang kondisyon sa kanilang kalusugan. Ang ikaapat na pangunahing bahagi ng batas ay ang pagbibigay sa mga Amerikano ng mas mabubuting opsyon para sa coverage.

15 Nagbibigay ang Batas ng Mas Magagandang Opsyon para sa Pagkuha ng Coverage
Ang mga kabataang nasa edad na 26 at pababa ay maaari na ngayong manatili sa mga planong pangkalusugan ng kanilang mga magulang. “Sa totoo lang, hindi ko siguro alam kung ano ang aming gagawin... Walang paraan para makayanan naming bayaran ito. Wala na siguro ako ngayon dito.” --Kylie L., 23, mula Illinois, na nagpapasalamat sa batas ng pangangalaga ng kalusugan para makayanan niyang bayaran ang heart transplant na nakapagligtas sa kanyang buhay. Sa loob ng maraming taon, ang mga kabataan ang itinaguriang isa sa mga pinakamataas na bilang ng hindi nakaseguro. Karamihan sa mga kabataan ang nawawalan ng coverage ng kanilang pamilya kapag sila ay nakapagtapos ng high school o kolehiyo at madalas noon na may ilang taon muna bago sila makahanap ng trabaho na makakapagbigay ng magandang segurong pangkalusugan. Kaya kung nadamay sila sa isang aksidente ng sasakyan o nagkaroon ng hindi inaasahang diyagnosis sa loob ng panahon na walang seguro, sila o ang kanilang mga pamilya ay mamumulubi para mabayaran ang pangangalagang kinakailangan nila.   Ngayon, sa ilalim ng batas, ang karamihan sa mga kabataan na hindi makakuha ng coverage mula sa kanilang trabaho ay maaaring manatili sa mga plano ng kanilang mga magulang hanggang sa edad na 26 - isang pagbabago na pakikinabangan ng 3.1 milyong kabataang upang magkaroon ng segurong pangkalusugan.  

16 Nagbibigay ang Batas ng Mas Magagandang Opsyon para sa Pagkuha ng Coverage
May mga bagong plano sa bawat estado para sa mga taong tinatanggihan ng merkado ng seguro dahil sa dati nang kondisyon tulad ng kanser o sakit sa puso. “Noong nasuri ako, sinabi sa akin na mayroon akong 60 na porsientong tsansang gumaling. Malaki ang pag-asa kong gumaling pero matindi ang pag-aalala ko sa pera. Ngayon, pakiramdam kong kaya na naming mabayaran ang pagpapagamot.” --Gail O. mula New Hampshire Para sa karagdaragang impormasyon, bumisita sa Nagbigay din ang batas ng mga bagong opsyon sa coverage para sa mga Amerikanong dati nang may kondisyon. Sa ilalim ng lumang sistema, wala nang mas lalala pa sa kasunduang natanggap ng 129 milyong Amerikano na dati nang may kondisyon. Kapag sinubukan nilang bumili ng coverage para sa sarili nila, maaaring pataasin ng kumpanya ng seguro ang kanilang presyo, tanggalin ang mga kinakailangang benepisyo, o kaya’y ganap silang tatanggihan ng merkado ng seguro. Para sa mga taong may potensiyal na nakamamatay na kondisyon na tulad ng kanser, nangangahulugan itong hindi na nila kayang mabayaran ang mga pagpapagamot na nakakapagligtas ng buhay. Nabigyan ng batas sa pangangalagang pangkalusugan ang mga Amerikanong tinanggihan ng merkado ng bagong opsyon ng coverage. Bunga nito, nasa mahigit sa 70,000 na Amerikanong may malulubhang kondisyon sa kalusugan ang nakakakuha na ng segurong pangkalusugan na talagang kinakailangan nila.

17 Nagbibigay ang Batas ng Mas Magagandang Opsyon para sa Pagkuha ng Coverage
Simula sa 2014: Ilegal na ang diskriminasyon sa mga taong may dati nang kondisyon o dahil sa sila ay mga babae. Magkakaroon ng bagong nakabase sa Estado na mga merkado – na tinatawag na Affordable Insurance Exchanges – kung saan kayo ay makakapili ng pribadong plano. Gagawing mas abot-kaya ng mga tax credit ang pagbili ng seguro. Simula sa 2014, magkakaroon na ng mas magagandang pagpipilian para sa lahat ng mga pamilya at may-ari ng maliliit na negosyo na bumibili ng kanilang sariling coverage. Sa wakas, ipagbabawal na sa mga kumpanya ng seguro ang diskriminasyon sa mga taong may dati nang kondisyon o pagsingil ng mas mataas sa mga kababaihan dahil lamang sa sila ay babae. Sabay nito, ang bawat estado ay magkakaroon ng bagong merkado para sa mga pamilya at may-ari ng maliliit na negosyo na bumibili ng sarili nilang segurong pangkalusugan. Sa mga merkadong ito, maaari kayong pumili ng mga segurong pangkalusugan at humanap ng planong angkop para sa inyong badyet. Maaari pa ninyong ikumpara ang mga premium at mga karagdagang bayarin na babayaran mula sa sariling bulsa ng mga plano sa inyong lugar. At kung hindi ninyo kayang bayaran ang mga premium, kayo ay makakatanggap ng tax credit na makakatulong sa pagbayad nito. Magkakaroon rin ng mas madaling access sa Medicaid. May kakayahang baguhin ng mga estado kung paano itatatag ang mga bagong merkado. Paano man nila gawin ito, kukunin din ng Mga Miyembro ng Kongreso ang kanilang coverage sa parehong merkado. [SANGGUNIAN NG NAGTATALUMPATI: Para sa mga Estadong magnanais, papalawakin ng Medicaid ng hanggang 133% ng level ng karukhaan ng federal (o federal poverty level) - mga humigit-kumulang $15,000 para sa indibidwal o $30,000 para sa isang pamilya ng 4. May mga magagamit na tax credit para sa mga nasa mas mababa sa 400% ng level ng karukhaan ng pederal na hindi karapat-dapat para sa ibang abot-kayang coverage – mga humigit-kumulang na $45,000 para sa isang indibidwal o $90,000 para sa isang pamilya ng 4. Sa oras na magiging ganap na ang pagpapairal ng batas sa pangangalagang pangkalusugan, ang mga humigit-kumulang na18 milyong indibidwal at pamilya ay makakakuha ng mga tax credit para sa coverage ng segurong pangkalusugan na karaniwang mga $4,000 bawat isa.]

18 Nagbibigay ang Batas ng Mas Magagandang Opsyon para sa Pagkuha ng Coverage
Kaya, anuman ang mangyayari, magkakaroon kayo ng abot-kayang segurong pangkalusugan. Ito ang ibig sabihin nito, na anuman ang mangyayari sa inyo – kung mawalan man kayo ng trabaho, magbago ng trabaho o magsimula ng negosyo o magretiro nang maaga o magkasakit man kayo –ay magkakaroon pa rin kayo ng mga opsyon sa abot-kayang segurong pangkalusugan. At naririto ang ilan sa mga bagay na dapat ninyong tandaan.

19 Pinapalawak ng Batas ang Pagkakaroon ng Pangangalaga May mga libu-libong bagong doktor at nars sa mga komunidad sa buong bansa at milyung-milyong pasyente pa ang makatatanggap ng pangangalaga. Alam nating lahat na hindi ginagarantiya ng segurong pangkalusugan na matatanggap ninyo ang pangangalagang kinakailangan ninyo. Noong nakaraan, sa oras na tatawagan ninyo ang inyong doktor madalas ninyong marinig na ang susunod na appointment ay sa apat na buwan pa. O kaya'y kung magpapatingin naman sa inyong doktor ay nasa sampung minuto lang dahil nag-aapura sila para sa kanilang susunod na pasyente. Kaya naman ang batas sa pangangalagang pangkalusugan ay namuhunan din sa pagsasanay at pagtatalaga ng mga libu-libong bagong doktor at nars sa mga komunidad na mas nangangailangan sa kanila. At ito ang lumilikha at nagpapalawak ng mga community health center sa buong bansa.   Ang mga pamumuhunang ito ang magpapadali sa inyong makapagpatingin sa inyong doktor at magkaroon pa ng mas mahabang oras para masuri nila kayo. [SANGGUNIAN PARA SA NAGTATALUMPATI: -Ang mga health center ng komunidad ay mga makinaryang pang-ekonomiya ng lokal na pagbibigay trabaho at kaunlaran sa maraming kulang sa serbisyo at mabababang-kita na komunidad. -Simula ng umpisa ng 2009, ang mga health center ay nagdagdag ng mahigit sa 18,600 na bagong full time na mga posisyon sa marami sa mga naghihirap ang ekonomiyang mga komunidad, at dahil sa batas ng pangangalagang pangkalusugan, inaasahan silang lilikha ng libu-libo pa.]

20 Ang Batas ay Nabayaran Na
Napakaraming independiyenteng eksperto ang nagkumpirma na hindi magdaragdag ang batas ng ni isang sentimo sa deficit. Dagdag pa rito, hindi magdaragdag ni isang sentimo ang batas sa kakulangan o deficit. Ayon sa opisyal na independiyenteng scorekeeper ng Kongreso, ang Congressional Budget Office, ang batas ay ganap nang nabayaran sa pamamagitan ng malawak na iba’t ibang reporma, mula sa paghuli sa mga pandaraya sa pangangalagang pangkalusugan hanggang sa pagwakas ng mga maaksayang tulong na pondo ng gobyerno (o subsidy) sa mga pribadong kumpanya ng seguro. [SANGGUNIAN PARA SA NAGTATALUMPATI: -Babawasan ng batas ang federal deficit ng mahigit sa $1 trillion sa loob ng susunod na dalawang dekada. -Ang pagbabawas ng labis-labis na kabayaran sa mga plano ng Medicare Advantage at pagsisikap para gawin pang mas epektibo ang mga programa ng Medicare at para bawasan ang pag-aaksaya, pandaraya at pang-aabuso ay hahantong sa mga katipiran sa pamamagitan ng mas mababang copayment at premium.]

21 4 na Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Batas
Winawakasan nito ang mga napakagrabeng pang-aabuso ng kumpanya ng seguro Ginagawa nitong mas abot-kaya ang segurong pangkalusugan Pinapagtibay nito ang Medicare Nagbibigay ito ng mas magagandang pagpipilian ng coverage Kaya ano ang kahalagahan ng batas sa inyo? Apat na mahahalagang bagay: Winawakasan nito ang mga napakagrabeng pang-aabuso ng mga kumpanya ng seguro. Ginagawa nitong mas abot-kaya ang segurong pangkalusugan. Pinapagtibay nito ang Medicare. At nagbibigay ito ng mga mas magandang opsyon sa pagkuha ng coverage na pangkalusugan.   21

22 Alamin Pa Ang Tungkol Dito
Ang batas sa pangangalagang pangkalusugan ay trabahong kasalukuyan pa ring pinapabuti. Ngunit malaki na rin ang magandang naidulot nito na makakatulong sa bawat Amerikanong pamilya. Para malaman pa ang tungkol sa batas at anumang mga bagong benepisyo na aking nabanggit, mangyaring pumunta lamang sa healthcare.gov. Doon ninyo makikita ang mga impormasyon at mapagkukunan ng mahahalagang impormasyon na maaari ninyong maibahagi sa inyong mga kaibigan at pamilya. At para mabasa ang mga tunay na kwento kung paano nakakatulong ang batas sa pangangalagang pangkalusugan ng mga Amerikano, pumunta lamang sa healthcare.gov/MyCare. Maraming salamat po.  


Download ppt "Kayo at ang Batas sa Pangangalagang Pangkalusugan"

Similar presentations


Ads by Google