Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Chronic Obstructive Pulmonary Disease

Similar presentations


Presentation on theme: "Chronic Obstructive Pulmonary Disease"— Presentation transcript:

1 Chronic Obstructive Pulmonary Disease

2 Ang Ating Baga Ang ating baga ang daanan ng oxygen na kinakailangan ng ating katawan at sa baga din lumalabas ang masamang hangin na carbon dioxide. Kasing importante ang baga sa puso, kung wala tayong baga ay mamamatay din tayo. May mga ibang trabaho ang baga kaya lang, ang paglabas at pagpasok ng hangin ang kanyang pinakaimportanteng trabaho. Ang baga ay maitutulad sa baligtad na puno. Ito ay nahahati sa dalawa, - ang kanan at kaliwang bahagi – na ipinagdudugtong ng trakea o windpipe. Ito ay nagsasanga sa mga sanga o tangkay na paliit ng paliit habang palayo sa trakea. Sa dulo nitong mga sanga, imbes na dahon – ito ay mayroong mga “air sacs” na parang kumpol ng maliliit na lobo. Nababalutan ito sa labas ng mga pinakamaliit na mga ugat na dinadaanan ng dugo.

3 Ang Paghinga ng Tao Ito si Oskee, ang langhap ng hanging mayaman sa oxygen na kailangan ng ating katawan. Siya ay pumapasok sa ating ilong at bibig, at tumutuloy sa trakea. Pagkatapos, ito ay nagdaraan sa dalawang malaking tubo, isa sa kanan at isa sa kaliwa, papunta sa mas maliliit na tubo hanggang siya ay makarating sa dulo ng mga “air sacs”. Dahil sa nipis ng pagitan ng air sacs at mga nakabalot na mga ugat ng dugo, madaling- madaling nahahalo si Oskee(oxygen) sa ating dugo at ito ngayon ay nagagamit na ng iba’t ibang parte ng katawan. Pagkatapos nito, ang maruming hangin naman (carbon dioxide) na galing sa mga iba’t ibang parte ng katawan ay nakahalo sa dugo. Ito ay dinadala ng puso sa mga ugat na nakabalot sa mga air sacs. Linalabas ang carbon dioxide sa air sacs at ito ay dumadaan sa mga tubo bago lumabas sa ilong at bibig.

4 Ano ang COPD? Ano nga ba itong sakit natin? Tinatawag itong COPD – Chronic Obstructive Pulmonary Disease o Pangmatagalang Paninikip ng Daanan ng Hangin. Pangmatagalan dahil permanente ang sira sa daanan ng hangin. Hindi tulad sa hika na kung walang atake ng hika, normal at maluwag ang mga daanan ng hangin dahil walang permanenteng sira. Paninikip ng daanan ng Hangin dahil ito ang nangyayari sa baga sa COPD. Dahil sa paninikip ng mga daanan ay hindi nakakapasok ang kinakailangang oxygen at hindi nakakalabas ang masamang carbon dioxide. At dahil kulang ng oxygen, nakakaramdam ang ating katawan ng hingal o pangangapos sa hininga.

5 COPD o Chronic Obstructive Pulmonary Disease
Ang COPD ay ang pangmalawakang pangalan na binibigay natin para sa maraming uri ng sakit na nagiging sanhi nitong permanenteng paninikip ng daanan ng hangin. Dalawang sakit ang pangkaraniwang bumubuo ng COPD – ito ang “Chronic Bronkitis” at “Empisema”. Mapapansin natin na permanente ang mga sira sa baga na nadudulot ng COPD – hindi katulad sa hika na walang permanenteng sira. Hindi po ibig sabihin na wala ng lunas sa COPD o parati na lang mararamdaman ang pangangapos ng hininga. Sa mga hindi pa grabe ang sira sa baga, ang paghihinto ng paninigarilyo ang pinakaimportanteng solusyon para hindi na tutuloy ang sira sa baga. Sa mga may grabeng sira na sa baga dahil sa COPD, ang mga gamot, exercises at tamang paghinga ay makakatulong sa pagbawas ng pangangapos ng hininga.

6 Dahilan ng COPD: SIGARILYO!!!
Kadalasan, paninigarilyo ang pinagmumulan ng empisema at bronkitis at pareho din silang nagdudulot ng COPD. May mga pasyente din na nagkakaCOPD pero sa tanangbuhay nila ay hindi sila nanigarilyo o hindi naman sila naexpose sa sigarilyo ng pangmatagalan (point out such patients in the group, if any) – ang dahilan nito minsan ay sa pagkabata pa lang, ay kulang na ng isang protina na importante sa baga pero kadalasan, hindi pa talaga alam kung bakit nagkaka-COPD ang iba kahit hindi naninigarilyo.

7 Ang Paninigarilyo ay Nakamamatay!

8 Ano ang Emphysema? Ano nga ba muna ang nangyayari sa loob ng baga sa COPD? Kanina, pinag-usapan natin ang mga air sacs. Sa taong may empisema, ang mga dingding ng air sacs at daanan ng hangin ay permanenteng nasisira dahil sa masasamang sustansya sa sigarilyo. Kumikitid ang mga daanan ng hangin at nagiging manipis ang mga dingding ng air sacs. Mahirap tuloy ilabas ang hangin at ito ay naiipon sa air sacs. Lumolobo ang mga air sacs dahil sa naiipong hangin at sa sirang ginawa ng paninigarilyo. Para mailabas ang hanging naipon ay ginagamit ng katawan ang mga masel sa paghinga – tulad ng diaphragm at mga masel sa dibdib – ng overtime.

9 Ano ang Chronic Bronchitis?
Sa bronkitis naman, ano ang nangyayari(show flip chart)? Dahil sa paninigarilyo, naiirita ang mga daanan ng hangin. Panay ang paglabas ng plema ng mga daanan ng hangin bilang depensa laban sa masamang usok ng sigarilyo. Kaya lang, dahil sa panay-panay na paninigarilyo, sobrang dami at nag-iiba na ang anyo ng plema. Hindi na ito nakakatulong kundi ito ay nakakabara na sa daanan ng hangin. Mas malapot itong plema, mas mahirap ilabas, gustung-gusto itong dapuan ng mga mikrobyo at nagiging sanhi tuloy ito ng impeksiyon. Bukod dito, namamaga, nangangapal at naninikip ang mga daanan ng hangin dahil din sa epekto ng usok ng sigarilyo. Kung ititigil ng maaga ang paninigarilyo ay maaring mawala ang mga masamang epekto sa dadanan ng hangin – babalik din ito sa kanyang normal na anyo. Pero kung patuloy ang paninigarilyo, nagiging permanente ang pangangapal, pamamaga at paninikip ng mga daanan ng hangin at ang sobrang paglabas ng plema.

10 Sintomas ng COPD Ang pinakamadalas ninyong nararamdaman ay hingal o pangangapos ng hininga. Nangangapos ng hininga ang may COPD dahil sa kakulangan ng oxygen dahil sa paninikip ng mga daanan ng hangin. Ito ang pinakamaagang sintomas ng mga mayroong COPD dahil sa empisema. Habang sa mga may bronchitis, ang pinakamaagang sintomas nila ay ubong may plema. Madalas nga lang po na magkahalo ang empisema at bronchitis sa isang pasyenteng may COPD (point out such patients in the group). Bakit magkaiba pa ang bronchitis at empisema? Magkakaiba po sila sa pamamaraan ng pagdulot ng paninikip ng hangin pero pareho ang pangkaraniwang sanhi at papapuntahan ng empisema at bronchitis. Kadalasan, paninigarilyo ang pinagmumulan ng empisema at bronchitis at pareho din silang nagdudulot ng COPD. May mga pasyente din na nagkaka-COPD pero sa tananbuhay nila ay hindi pa sila nagsisigarilyo o hindi naman sila na-expose sa sigarilyo ng pangmatagalan (point out such patients in the group, if any) – and dahilan nito minsan ay sa pagkabata pa lamang, ay kulang na ng isang protina na importante sa baga pero kadalasan, hindi pa talaga alam kung bakit nagkaka-COPD ang iba kahit hindi naninigarilyo. Naalala ninyo ang mga air sacs natin? Sa normal na tao, ito ay parang rubber balloon na kusang maglalabas ng hangin kapag nilalagyan ito. Sa taong may empisema, ang mga dingding ng air sacs at permanenteng nasisira dahil sa mga masasamang substansiya sa sigarilyo at nagiging parang papel- nawawala ang kanyang pagka-rubber – at kung nilalagyan ito ng hangin, hindi na kusa itong nilalabas ang hangin – naiipon ang hangin sa loob. Kaya, pinipuwersa tuloy ng ating katawan o ng mga masel sa ating dibdib at ng diaphragm na ilabas itong hangin. Kaya lang, habang pumupuwersa ay sinasara din niya ang daanan ng hangin at lalong naiipon ang hangin sa loob ng air sacs. Ang paghinga na parang sumisipol ay isang paraan para maiwasan ang pagsara ng mga daanan ng hangin pagninilalabas ang hininga. Sa bronchitis naman, ano ang nangyayari (show flip chart)? Kung namumula at panay ang plema sa lalamunan kapag naninigarilyo, ganoon din ang nangyayari sa baga. Ang mga daanan ng hangin ay parating namamaga dahil sa sigarilyo. Panay din ang paglabas ng plema ng mga daanan ng hangin bilang depensa laban sa masamang usok ng sigarilyo. Kaya lang, sobrang dami at nag-iiba na ang anyo ng plema at hindi na ito nakakatulong kundi ito ay nakakabara na sa daanan ng hangin. Mas malapot itong plema, mas mahirap ilabas, gusting-gusto itong dapuan ng mga mikrobyo at nagiging sanhi tuloy ng impeksyon. Dahil sa paninikip ng mga daanan ng hangin – dahil sa maga, pangangapal ng dingding, at plema – ay nasisira din ito at nagkakaroon na rin ng permanenteng paninikip nitong mga daanan. Nakakaramdam na rin ng kakulangan ng oxygen at pangangapos ng hininga ang may bronchitis.

11 Sintomas ng COPD Pito sa Baga/Halak na naririnig sa baga – Pumipito dahil sa pagkakitid ng mga daanan ng hangin. Halak dahil sa madaming plema na tumutunog sa baga. Paglaki ng dibdib (barrel-chested) –Dahil sa paglaki ng mga air sacs sa empisema.

12 Sintomas ng COPD Pamamanas – (show flip chart) Nabanggit po natin noong Biyernes ang koneksyon ng puso at baga. Dahil sa sira ng arkitektura ng baga ay kumikitid din ang mga ugat na dinadaanan ng dugo. Maliban dito, ang kakulangan ng oxygen ang pinakamalakas na nakakapakitid ng mga ugat sa baga. Dahil dito, nababara ang pagdaan ng dugo na galling sa katawan ditto sa baga. Kung may bara sa baga ay naiipon ang dugo sa kanang parte ng puso at ito ngayon ay lumalaki at kumakapal para makayanan niya ang mas malakas na presyur ng nababarang dugo. Tulad ng tubo ng tubig na nababara, aapaw ito sa kanyang pinanggalingan. Ganoon din ang nangyayari sa nabarang dugo sa baga, dahil hindi makakayanan na tanggapin lahat ito sa ating maliit na puso ay aapaw ito sa mga ibang parte ng katawan – makikita natin ito bilang manas sa paa, maga ng atay, at minsan ay naiipon din ang tubig sa tiyan. Pumapayat, hindi tumataba – Nangyayari ito dahil sa: pag-oovertime ng mga masel sa paghinga at naging mataas ang konsumo ng lakas o kaloriya ng katawan walang ganang kumain dahil hinihingal habang kumakain o malungkot wala sa kondisyon ang katawan (lumiliit ang mga masel sa binti at braso) kasi natatakot mag-exercise dahil sa hingal Ninenerbiyos, irritable, balisa, hindi makatulog, malungkot – Dahil nakakaapekto ang pangangapos ng hininga sa lahat ng inyong gawain, hindi na tulad sa dati and inyong buhay ay minsan nagiging malungkot ang may COPD. Ang COPD mismo ay nagiging sanhi ng hirap sa pagtulog (hindi alam kung bakit) pero kailangang masigurado na hindi dahil sa kakulangan ng oxygen o balisa ay puwedeng side effect ng mga gamut sa COPD, kakulangan ng oxygen, babala ng parating na impeksyon o sangkot sa malubhang kaungkutan (depression). Pag-iiba ng anyo ng kuko (clubbing) – Dahil sa kakulangan ng oxygen. Pangangasukal ng kuko at labi – Dahil sa kakulangan ng oxygen. Masamang babala ng mapanganib na atake ng COPD.

13 Gulong ng COPD Ngayon po, nais naming ipakita itong GULONG NG COPD (show flip chart). Ano nga ba ang nangyayari sa COPD? Dahil sa paninigarilyo, nasisira ang mga daanan ng hangin at “hair sacs.” Nagkakaroon na tayo ng mga sintomas tulad ng pangangapos ng hininga, ubo at plema. Dahil din dito sa sira ay madali tayong dapuan ng impeksyon. Dahil sa hingal na nararamdaman kapag gumagalaw o gumagawa ng isang bagay ay natatakot o nababawasan na natin ngayon ang ating mga pangkaraniwang gawain. Kapg binabawasan ang mga gawain, ang mga masel ay lumiliit din at lalo tuloy tayong nanghihina at bumabagsak ang ating katawan. Lalo na ring lumalala ang hingal dahil sa panghihina ng ating katawan. Tuloy-tuloy itong gulong ng COPD kung wala tayong gagawin

14 Paano lalabanan ang COPD?
Tumigil manigarilyo. Ang mga gamot Ang mga bakuna Pulmonary Rehabilitation Program Ang mga lunas sa COPD ay tutukoy sa ibat-ibang bahagi nitong gulong ng COPD (1) Para hindi lalong masira ang mga daanan at “air sacs” ay tumigil dapat manigarilyo. Ang baga ng isang naninigarilyo ay nagiging tulad na rin ng isang normal na taona kasing-edad niya kapag tumigil na sya ng sampung taon. (2) Ang nga gamot naman ay para mabawasan ang hingal, ubo, plema, at mapagaling ang mga impeksiyon. (3) Ang mga bakuna ay para mabawasan ang pagdapo ng impeksiyon sa ating katawan. Karaniwan, ang dahilan ng impeksiyon ay “virus” na kusa lang gagaling at hindi tinatablan ng mga “antibiotics”. Kaya importante ang bakuna upang mabawasan itong mga impeksiyon at lalong pagkarira ng baga. (4) Ang ating Pulmonary Rehabilitation Program ay tutukoy sa iba’t ibang bahagi nitonggulong ng COPD – para mabawasan ang hingal, plema, maalis ang takot, para makagawa ng mas-maraming mga gawain at para lumakas ulit ang katwan.

15 Tamang Pagkain! Ang pagkain ng sapat ay kailangan sa ikabubuti ng ating katawan at kalusugan. Uminom ng tubig at kumain ng mga pagkaing mayaman sa protina tulad ng karne, gatas at keso. Importante po ang tamang pagkain sa mga taong may sakit sa baga. Kadalasan po ay “malnourished” o kulang sa timbang ang mga may sakit sa baga dahil sa : a.walang ganang kumain b.mas malakas gumamit ng “energy” o lakas ang taong may COPD dahil nago –overtime sa trabaho amg mga masel nila sa paghinga c.wala sa kondisyon ang katawan dahil sa mga kulang sa aktibidades. Sa sinabi sa inyo kanina, kinakailangan lalo ng pasyenteng may COPD ang wastong pagkain para mas malakas ang depensa sa mga mikrobyo at dumi at para mas malakas ang mga masel sa paghinga. Ito po ang mga sumusunod na gabay sa pagkain ng mga taong may COPD: 1.Kung ikumpara sa mga walang sakit sa baga, mas marami dapat ang kinakain ng mga may COPD paramapanatili ang wastong timbang. Dahil sa pag-o-“overtime” ng mga masel sa paghinga, mas maraming kaloriya ang nakokonsumo ng taong may COPD kay sa mga walang COPD. Paano ito magagawa? gawing malambot ang pagkaluto ng mga pagkain para mas madali ang pagnguya at hindi hihingalin habang kumakain. Kaunti ang kakainin pero madalas (6 na beses sa isang araw) Kung masyadong maraming kinakain, maaring maiipit ang diaphragm at mahihirapang huminga. Pumili ng mga pagkain na mataas ang kaloriya pero mabab ang carbohydrates (give examples) 2.Ang carbohydrates ay dapat mas kaunti at mas marami dapat ang protina at taba. Nangagagaling ang carbon dioxide sa carbohydrates kaya para mabawasan ang produksiyon nito, nakakatulong ang pagbaba ng kinakaing carbohydrates. Ang mga halimbawa ng mataas na carbohydrates ay kanin, cake, tinapay, pansit, atbp. Ang mga pagkaing mataas sa protina ay mga karne, gatas, at keso. Kailangan ang mataas na protina para sa mga masel ng katawan (sa paghinga, sa paa at braso). Ang mataas sa taba ay kailangan para tumaas ang kaloriya sa pagkain. 3. Siyempre, dapat mataas ang bitamina at mineral sa pagkain tulag ng mga gulay at prutas. Kung kayo ay may allergy o nahihirapan huminga pagkatapos kumain ng mga citrus na prutas (kalamansi, dalandan, orange) ay iwasan po ito. Ito minsan ay nakakapahika sa mga may hika. 4. Marami dapat kayong iniinom na tubig o likido para mas madaling ilabas ang plema. Iwasan nga lang po sana natin ang mga artificial na juice na may yellow na coloring dahil ito din minsan ay nakakapahika. 5. Iwasan ang mga pagkaing nakapagdudulot ng hangin sa tiyab tulad ng kamote, butong gulay, ube, mais, singkamas, mani at softdrinks. 6. Limitahan din po sana ang pagkain ng sobrang matatamis para maiwasan ang lalong masidhing pag-ubo. 7. Limitahan din po ang pagkaing labis sa anghang dahil minsan, nakakapaubo po ito at para maiwasan ang pagkagusto sa muling paninigarilyo.

16 Tamang Pagkain… Kaunti ang kainin pero madalas (6 na beses sa isang araw) Gawing malambot ang pagkaluto ng pagkain para mas madali ang pag-nguya at hindi hihingalin habang kumakain.

17 Ehersisyo! Ang ehersisyo ay nakakalakas ng katawan at nakakapag-paganda ng pakiramdam!

18 Mga Posisyon para Mabawasan ang Hingal
Ngayon kung ikaw ay atakihin ng hingal, ang una mong dapat tandaan ay WAG MATARANTA! Gayahin ang anumang posisyon dito na pinakakomportable sa iyo.

19 “Bad Days” Mas madalas na ubo at mas maraming plema
mas malalang hingal iritable, di-mapakali hindi makatulog ng mahimbing, matamlay, nanghihina mas walang ganang kumain. Tandaan po natin na kung tayo ay may Bad Day, 1.alamin natin kung anong posibleng nagbigay ng Bad day natin (meron ba tayong kasamang may trankaso, sipon; naexpose ba tayo sa usok o polusyon; mali ba ang ating kinain kahapaon, etc.) 2.kung pagdating ng hapon ay lumala pa lalo ang aking nararamdaman, siguro nagiging Atake na ito at kailangan ko ng magpatingin o tumawag sa aking doctor o sa isang malapit sa aking lugar. 3.susundin ko ang mga payo tungkol sa tamang paghinga o pag-alis ng plema 4.ayon sa ituturo ng aking doctor, maaari kong dalasan ang pagamit ng itong mga gamot 5.ayon sa ituturo ng aking doctor , maaari kong gamitin itong mga gamut (prednisone, antibiotics kung pinapayagan)

20 Dahilan ng “Bad Days” Polusyon o iba pang mga dahilan ang pwedeng makapagbigay sa iyo ng bad day: usok ng sigarilyo pabago-bago ng klima o temperatura Maalinsangan, sobrang init o sobrang lamig Mga impeksyon sa baga Emosyon Pintura o barnis Usok galing sa sakyan o factory Kung mananatili po ang mga pakiramdam na ito at hindi naiwasan o natanggal ang mga dahilan ng Bad Day ay maaring tutuloy na ito sa isang ATAKE NG COPD (write on board). Ano ang mga senyales ng ATAKE: -mga sintomas ng Bad Day nan nananatili: panay panay na ubo at masmaraming plema, masmalalang hingal, irritable, di mapakali, hindi makatulog ng mahimbing, walang ganang kumain -plemang madilaw o berde -may dugo sa plema -nahihilo nanginginig, wala sa sarili, masakit ang ulo, ntukin -may manas sa paa -kailangang mataas ang unan pagnakahiga -nangangasul -lagnat Impeksiyon ang pangkaraniwang dahilan ng ATAKE NG COPD at ang pinakamadalas na uri ng impeksiyon na ating nakukuha ay dahil sa VIRUS. Ang virus ay hindi natatanggal sa anitibiotics, kung nandiyan na ang impeksiyon ay nandyan na talaga at kusa na lang gagaling. Kaya ang pinakamahalaga ay iwasan ang pagkakaroon ng impeksiyon. Ano ang mga pwede nating gawin upang maiwasan ang BAD DAYS at ATAKE NG COPD? (Ask volunteers) a.Iwasan ang mga mauusok na lugar, may usok ng sigarilyo, maraming alikabok b.Gamitin parati ang mga gamut at oxygen (if prescribed) -naturo na po ito sa inyo at ayon dapat ito sa payo ng inyong doctor c.Kumain ng mga tamang pagkain -naturo na po ito d.Sundin ang mga exercises, huwag din magpalabis ng mga gawain -ayon sa payo ng ating mga PT e.Iwasan na magkaproblema, tamang tulog f.Magpabakuna – magkakaroon po tayo ngayong Niyernes o next week

21 Tandaan, kaya natin ang COPD!

22 The Philippine College of Physicians wishes to acknowledge the following for their invaluable efforts in the preparation of this module Lenora Fernandez, MD Camilo Roa, Jr., MD Comprehensive Ambulatory Respiratory Rehabilitation Program (CARE) Pulmonary Section, Department of Medicine Philippine General Hospital


Download ppt "Chronic Obstructive Pulmonary Disease"

Similar presentations


Ads by Google