Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Fair Labor Standards Act

Similar presentations


Presentation on theme: "Fair Labor Standards Act"— Presentation transcript:

1 Fair Labor Standards Act
Inihahandog ng U.S. Department of Labor Wage and Hour Division

2 Mga Pangunahing Probisyon
Saklaw Minimum na Sahod Bayad sa Overtime Oras ng Pagtatrabaho ng Kabataan Recordkeeping

3 Kaugnayan sa Trabaho Upang mailapat ang FLSA, may ugnayan dapat sa trabaho ang "employer" at ang "empleyado"

4 Saklaw

5 Saklaw Mahigit sa 130 milyong manggagawa sa mahigit sa 7 milyong lugar ang pinoprotektahan o “saklaw” ng Fair Labor Standards Act (FLSA), na ipinatutupad ng Wage and Hour Division ng U.S. Department of Labor

6 Saklaw Dalawang uri ng saklaw
Saklaw ng negosyo: Kung saklaw ang isang negosyo, may karapatan ang lahat ng empleyado sa mga proteksyon ng FLSA Indibidwal na saklaw: Kahit na hindi saklaw ang negosyo, maaaring saklaw at karapat-dapat sa mga proteksyon ng FLSA ang mga indibidwal na empleyado

7 Saklaw ng Negosyo Mga negosyong may
Hindi bababa sa dalawang (2) empleyado Hindi bababa sa $500,000 sa isang taon ang negosyo Mga ospital, negosyong nagbibigay ng medikal o pangangalaga ng nurse para sa mga residente, paaralan, preschool, at ahensya ng pamahalaan (pederal, estado, at lokal)

8 Indibidwal na Saklaw Mga manggagawang nasa: Interstate na komersyo;
Paggawa ng mga kalakal para sa komersyo; Closely-related process o occupation directly essential (CRADE) sa naturang produksyon; o Pangdomestikong serbisyo Paglahok sa "interstate na komersyo" na maaaring kabilang ang: Pagtawag sa ibang Estado Paggawa ng mga sulat na ipapadala sa ibang estado Pagproseso ng mga transaksyon sa credit card Pagbibyahe sa ibang Estado

9 Ang Pangunahing Ideya Sakop ng FLSA ang halos lahat ng empleyado sa Estados Unidos Halimbawa ng mga empleyadong maaaring hindi sakop Mga empleyadong nagtatrabaho sa maliliit na kumpanya ng konstruksyon Mga empleyadong nagtatrabaho sa maliliit na pansariling retail o panserbisyong negosyo

10 Minimum na Sahod

11 Minimum na Sahod: Mga Pangunahing Kaalaman
Hindi dapat bayaran ang mga sakop at non-exempt na empleyado nang mas mababa sa pederal na minimum na sahod para sa lahat ng oras na natrabaho Ang miminum na sahod ay $7.25 bawat oras simula Hulyo 24, 2009 Pera o katumbas - libre at malinaw

12 Minimum na Sahod: Mga Isyu
Kasama ang kompensasyon Mga bawas Mga Nabigyan ng Tip na Empleyado Mga Oras na Natrabaho

13 Kasama ang Kompensasyon
Sahod (suweldo, bawat oras, rate bawat gawa) Mga komisyon Ilang partikular na bonus Mga natatanggap na tip ng mga karapat-dapat na empleyadong nabigyan ng tip (hanggang $5.12 bawat oras Hulyo 24, 2009) Makatwirang halaga ng kuwarto, board at iba pang "mga pasilidad" na ibinibigay ng employer para sa kapakinabangan ng empleyado

14 Paninirahan Hindi maaaring lumampas sa aktwal na halaga
Hindi maaaring magsama ng tubo para sa employer Dapat sumunod sa mabubuting kasanayan sa accounting ang paraan ng employer sa pagtukoy ng makatuwirang halaga Hindi maaaring magkaroon ng kredito ang employer kapag wala itong nagastos

15 Mga Bawas Ilegal ang mga bawas sa suweldo kapag
Ang bawas ay para sa item na pangunahing itinuturing na para sa kapakanan o kaginhawaan ng employer; at Ginagawang mas mababa sa kinakailangang minimum na sahod ang bawas Mga halimbawa ng ilegal na bawas Mga tool na gamit sa trabaho Mga pinsala sa pagmamay-ari ng employer Kakulangan sa cash register

16 Halimbawa ng Minimum na Sahod
Tumatanggap ang empleyado ng $9 bawat oras para sa 40 oras at dagdag na $5 na komisyon at $20 na makatwirang halaga ng paninirahan o iba pang pasilidad Kabuuang kita = $360 + $5 + $20 = $385 Kabuuang kita sa 40 loob ng oras = 385/40 = $9.63 bawat oras

17 Mga Empleyadong Nabigyan ng Tip
Nasa isang trabaho kung saan regular siyang nakakatanggap ng higit sa $30 na tip bawat buwan Binabayaran ng $2.13 na cash ng employer, na maaaring maghabol ng isang “tip credit” para sa kabuuan ng minimum wage

18 Tip Credit Maaari lang maghabol ang employer ng “tip credit” kung
Ipinapaalam ng employer sa bawat empleyadong binibigyan ng tip ang tungkol sa allowance sa tip credit, kabilang ang halagang ikekredito bago magamit ang credit Maaaring isadokumento ng employer na nakatanggap ang empleyado ng sapat na tip upang mabayaran ng kabuuang sahod ang minimum na sahod o higit pa Maitatago ng empleyado ang lahat ng tip at hindi ito ibabahagi sa employer o sa iba pang mga empleyado, maliban sa empleyadong may bisang kasunduan sa pag-iipon ng tip

19 Mga Oras na Natrabaho: Mga Isyu
Pinaggugulan o Pinahintulutan Oras ng Paghihintay Oras ng On-Call Mga Panahon ng Pagkain at Pagpapahinga Oras ng Pagsasanay Oras ng Biyahe Oras ng Pagtulog

20 Pinaggugulan o Pinahintulutan
Oras ng pagtatrabaho ang pagtatrabahong hindi hiniling ngunit pinaggugulan o pinahintulutan

21 Oras ng Paghihintay Ituturing na oras na natrabaho kapag
Hindi mabisang nagamit ng empleyado ang oras para sa sarili niyang mga layunin; at Kinokontrol ng employer ang oras Hindi ituturing na oras na natrabaho kapag Tuluyang na-relieve ang empleyado sa gawain; at Masyadong mahaba ang oras upang bigyang-daan ang empleyado na gamitin ito nang mabisa para sa sarili niyang mga layunin

22 Oras ng On-Call Mga oras na natrabaho ang oras ng on-call kapag
Kailangang manatili sa lugar ng employer ang empleyado Kailangang manatili ang empleyado sa lugar na malapit na malapit sa lugar ng empleyado kung kaya hindi magamit ng empleyado ang oras na iyon para sa sarili niyang mga layunin Mga oras na hindi natrabaho ang oras ng on-call kapag Kailangang magbitbit ng pager ang empleyado Kailangan ng empleyado na mag-iwan ng mensahe sa bahay o sa employer kung saan siya maaaring maabot

23 Mga Oras ng Pagkain at Pagpapahinga
Ang mga oras ng pagkain ay hindi mga oras na natrabaho kapag na-relieve ang empleyado sa mga gawain para kumain ito Ang maiikling panahon ng pagpapahinga (kadalasan ay 5 hanggang 20 minuto) ay itinuturing na mga oras na natrabaho at dapat bayaran

24 Oras ng Pagsasanay Itinuturing na mga oras na natrabaho ang oras na ginugol ng mga empleyado sa mga pagpupulong, lecture, o pagsasanay at dapat bayaran ang mga ito, maliban kung Hindi takdang oras ng pagtatrabaho ang pagdalo Boluntaryo ang pagdalo Walang kaugnayan sa trabaho ang kurso, lecture, o pagpupulong Hindi nagsasagawa ng anumang produktibong gawain ang empleyado sa oras ng pagdalo

25 Oras ng Biyahe Hindi ininuturing na oras ng pagtatrabaho ang ordinaryong biyahe papuntang trabaho Oras ng pagtatrabaho ang biyahe sa pagitan ng mga site ng trabaho sa normal na araw ng trabaho Nalalapat ang mga espesyal na tuntunin upang maglakbay palayo sa pinagtitirhang komunidad ng empleyado

26 Oras ng Pagtulog Wala pang 24 na oras na duty
Ang empleyadong nasa duty nang wala pang 24 na oras ay itinuturing na nagtatrabaho kahit na pinayagang matulog o gumawa ng anumang iba pang personal na gawain Duty sa loob ng 24 na oras o higit pa Maaaring pagkasunduan ng mga partido na hindi isama ang mga oras ng pagtulog at pagkain

27 Overtime

28 Bayad sa Overtime Ang mga empleyadong saklaw at non-exempt ay dapat makatanggap ng regular na rate ng suweldo na inulit ng isa't kalahating beses para sa lahat ng natrabahong oras na lampas sa apatnapung oras sa isang linggong pagtatrabaho

29 Mga Isyu sa Overtime Bukod ang bilang sa bawat linggo ng pagtatrabaho
Regular na rate Mga suweldong hindi kasama sa rate Mga suweldo bukod sa mga rate bawat oras Mga Nabigyan ng Tip na Empleyado Mga bawas sa sweldo

30 Linggo ng Pagtatrabaho
Nakabatay sa linggo ng pagtatrabaho ang pagsunod, at bukod ang bilang sa bawat linggo ng pagtatrabaho Ang linggo ng pagtatrabaho ay 7 magkakasunod na 24 na oras (168 oras)

31 Regular na rate Nakukuha sa pamamagitan ng paghahati ng kabuuang kita sa linggo ng pagtatrabaho sa kabuuang bilang ng oras na natrabaho sa linggo ng pagtatrabaho Hindi maaaring mas mababa sa naaangkop na minimum na sahod

32 Mga Pagbubukod sa Regular na Rate
Mga perang ibinayad bilang (deleted) regalo Mga suweldo para sa oras na hindi natrabaho Reimbursement para sa mga ginastos Mga discretionary bonus Mga plano sa pagbabahagi ng kita Mga plano sa retirement at insurance Mga premium na bayad sa overtime Mga stock option

33 Regular na Rate (RR) Hakbang 1: Kabuuang Straight Time na Kita (Hindi kasama ang Mga Statutory na Pagbubukod) na Hinahati Sa Kabuuang Oras na Natrabaho = Regular na Rate Hakbang 2: Regular Rate x .5 = Half Time na Premium Hakbang 3: Half Time na Premium x Mga Overtime na Oras = Kabuuang Premium na Due sa Overtime

34 Halimbawa: Rate Bawat Oras + Bonus sa Production
Kabuuang Oras = 48 Rate bawat Oras = $9.00 Bonus = $10 48 oras x $9.00= $432.00 Bonus $442.00 $ / 48 hrs = $9.21 (Regular na Rate) $9.21 x = $4.61 $4.61 x 8 hrs = $ (Due sa Overtime)

35 Halimbawa: Iba't Ibang Rate Bawat Oras
Rate ng Janitor $ Mga Oras ng Janitor 21 Rate ng Cook $ Mga Oras ng Cook 26 21 oras x $ = $178.50 26 na oras x $ = $234.00 $412.50 $ / 47 oras = $8.78 (Regular na Rate) $8.78 x = $4.39 $4.39 x 7 oras = $30.73(Due sa Overtime)

36 Halimbawa: Mga Rate Bawat Gawa
Mga Kita sa Rate Bawat Gawa $ sa loob ng 46 Hrs Rate sa Oras ng Paghihintay $7.25 Bonus sa Production $12.50 46 na oras = $391.00 4 na oras x $ = $29.00 Bonus sa Produksyon = $12.50 $432.50 $ / 50 hrs = $8.65 (Regular na Rate) $8.65 x = $4.33 $4.33 x 10 hrs = $ (Due sa Overtime)

37 Halimbawa: Sinusuwelduhan Para sa Mga Naka-fix na Oras
Mga Kita sa Suweldo $ (para sa isang 40 oras na linggo ng pagtatrabaho) Mga Oras na Natrabaho Regular na rate $ ($420/40 oras) Rate sa Overtime $15.75 Kabuuan ng Suweldo = $420.00 8 oras x $ = $126.00 Kabuuang Due = $546.00

38 Halimbawa: Naka-fix na Suweldo para sa Pabagu-bagong Mga Oras
Naka-fix na Suweldo $ (para sa lahat ng oras na natrabaho) Mga Oras na Natrabaho sa Linggo Regular na Rate $8.57 ($420 / na oras) Karagdagang Half-Time na Rate $4.29 Kabuuan ng Suweldo = $420.00 9 oras x $4.29 = $38.61 (Due sa Overtime) Kabuuang Due = $458.61

39 Halimbawa: Naka-fix na Suweldo para sa Mga Pabagu-bagong Oras
Naka-fix na Suweldo $ (para sa lahat ng oras na natrabaho) Mga Oras na Natrabaho sa Linggo Regular na Rate $10.24 ($420 / 41 oras) Karagdagang Half-Time na Rate $5.12 Kabuuan ng Suweldo = $420.00 1 oras x $5.12 = $5.12 Kabuuang Due = $425.12

40 Halimbawa: Mga Empleyadong Nabigyan ng Tip
Rate na Binabayaran ng Employer $2.13 Tip Credit na Nakuha $5.12 Regular na rate $7.25 Karagdagang Half-Time na Rate $3.63 50 Oras X $7.25 = $362.50 10 oras X $3.63 = $36.30 Kabuuang Due = $ (bawas ang tip credit) Tip Credit 50 x $5.12 = $256.00 Kabuuang Due na Cash na Sahod = $142.80

41 Mga Bawas sa Mga Overtime na Linggo ng Pagtatrabaho

42 Mga Bawas para sa Paninirahan at Mga Pasilidad
Walang limitasyon sa halagang binabawas para sa makatuwirang halaga ng paninirahan at iba pang mga pasilidad Hindi itinuturing na mga pasilidad ang mga kagamitang para sa kapakinabangan o kaginhawahan ng employer Kinakalkula ang regular na rate bago alisin ang bawas

43 Mga Bawas para sa Mga Kagamitan Bukod sa Paninirahan at Mga Pasilidad
Maaaring magsagawa ng bawas kung Totoo ang bawas, at Isinagawa ito para sa mga partikular na kagamitan sa ilalim ng naunang kasunduan, at Ang layunin ay hindi upang iwasan ang mga kinakailangan sa overtime o sa iba pang mga batas, at Limitado ito sa halagang mas malaki sa pinakamataas na nalalapat na minimum na sahod para sa unang 40 oras

44 Mga Exemption at Pagbubukod
Maraming exemption at pagbubukod sa mga pamantayan sa minimum na sahod at/o overtime ng FLSA

45 Mga “White Collar” na Exemption

46 Mga “White Collar” na Exemption
Ang pinakakaraniwang exemption sa minimum na sahod at overtime ng FLSA -- na kadalasang tinatawag na “541” o “white collar” na exemption -- ay nalalapat sa ilang partikular na Executive na Empleyado Administrative na Empleyado Propesyunal na Empleyado Outside Sales na Empleyado Computer Employee

47 Tatlong Pagsubok para sa Exemption
Antas ng Suweldo Basehan ng Suweldo Mga Gawain sa Trabaho

48 Antas ng Minimum na Suweldo: $455
Para sa karamihan ng empleyado, ang antas ng minimum na suweldo na kailangan para sa exemption ay $455 bawat linggo Dapat mabayaran nang “malinis” Ang $455 bawat linggo ay maaaring bayaran ng katumbas na halaga para sa mga panahong mas mahaba sa isang linggo Bawat dalawang linggo: $910.00 Bawat kalahati ng buwan: $985.83 Buwanan: $1,971.66

49 Pagsubok sa Basehan ng Suweldo
Regular na nakakatanggap ng paunang natukoy na halaga ng kompensasyon sa bawat panahon ng pagbabayad (sa lingguhan o mas madalang na basehan) Hindi maaaring bawasan ang kompensasyon dahil sa pagkakaiba-iba sa kalidad o dami ng trabahong ginagawa Dapat bayaran ang buong suweldo para sa anumang linggo kung kailan naisagawa ng empleyado ang anumang trabaho Hindi kailangang bayaran para sa anumang linggo ng pagtatrabaho kapag walang isinagawang trabaho

50 Mga Bawas Mula sa Suweldo
Hindi babayaran nang suwelduhan ang isang empleyado kung ang mga bawas mula sa paunang tinukoy na suweldo ay para sa mga paglibang itinakda ng employer o ng mga pangangailangan sa pagpapatakbo ng mga negosyo Kung handa at kaya ng empleyado na magtrabaho, hindi maaaring isagawa ang mga bawas para sa panahon kung kailan walang available na trabaho

51 Mga Pinapahintulutang Bawas sa Suweldo
Pitong pagbubukod mula sa panuntunang “no pay-docking” Pagliban sa trabaho sa loob ng isang buong araw o higit pa para sa mga personal na dahilan, maliban sa pagkakaroon ng sakit o kapansanan Pagliban sa trabaho sa loob ng isang buong araw o higit pa dahil sa sakit o kapansanan kung gagawin ang mga bawas sa ilalim ng totoong plano, patakaran, o kasanayan ng pagbibigay ng mga benepisyong kapalit ng sahod para sa mga uring ito ng pagliban Upang tumbasan ang anumang halagang natanggap bilang pagbabayad sa mga pagsingil ng jury, mga bayarin ng saksi, o bayad sa militar

52 Mga Pinapahintulutang Bawas sa Suweldo (ipinagpatuloy)
Pitong pagbubukod mula sa panuntunang “no pay-docking” (ipinagpatuloy) Mga multang ipinataw nang may mabuting kalooban para sa paglabag sa “napakahahalagang” panuntunan ng kaligtasan Mga walang bayad na pagkakasuspinde bilang hakbang pandisiplina sa loob ng isang buong araw o higit pa na ipinataw nang may mabuting kalooban dahil sa mga paglabag sa mga nakasulat na panuntunan sa pag-uugali sa lugar na pinagtatrabahuhan Maaaring bayaran ang wastong bahagi ng buong suweldo ng isang empleyado para sa panahong aktuwal na natrabaho sa mga una at huling linggo ng pagtatrabaho Walang bayad na leave na ginamit alinsunod sa Family and Medical Leave Act

53 Epekto ng Mga Hindi Tamang Bawas
Magreresulta sa pagkawala ng exemption ang isang aktuwal na pagsasagawa ng maling bawas Sa panahon kung kailan ginawa ang mga di-wastong bawas Para sa mga empleyadong nasa parehong kategorya ng trabaho Nagtatrabaho para sa mga manager na may pananagutan sa mga aktuwal na di-wastong bawas Gayunpaman, ang mga hiwalay o hindi sinasadyang maling bawas ay hindi magdudulot ng pagkawala ng exempt status kung babayaran ng employer ang empleyado

54 Safe Harbor Hindi mawawala ang exemption kung ang employer ay:
May malinaw na naipaalam na patakaran na nagbabawal sa mga di-wastong bawas at may kasama itong paraan ng pagrereklamo Magre-reimburse sa mga empleyado para sa anumang di-wastong bawas; at Gagawa ng bukal sa loob na pangakong susunod sa hinaharap Maliban kung kusang-loob na lalabagin ng employer ang patakaran sa pamamagitan ng patuloy na pagsasagawa ng mga di-wastong bawas pagkatapos makatanggap ng mga reklamo ng empleyado

55 Mga Executive na Gawain
Ang pangunahing gawain ay pamahalaan ang negosyo o isang pangkaraniwang kinikilalang departamento o subdivision Regular na idinidirekta ang trabaho ng dalawa o higit pang empleyado Kakayahang mag-hire o magtanggal ng iba pang mga empleyado o magbigay ng mga rekomendasyon patungkol sa pag-hire, pagtanggal, pag-angat o pag-promote o iba pang pagbabago sa katayuan ng iba pang mga empleyado alinsunod sa ilang partikular na sukatan

56 Mga Executive na 20% ang Pagmamay-ari
Kasama rin sa executive na exemption ang mga empleyadong nagmamay-ari na hindi bababa sa 20 porsyentong equity interest sa negosyo aktibong nakikilahok sa pamamahala sa negosyo Hindi nalalapat ang mga kinakailangan sa antas ng suweldo at sa basehan ng suweldo sa pag-exempt sa mga nagmamay-ari ng 20% equity

57 Mga Administrative na Gawain
Ang pangunahing gawain ay ang pagganap ng gawaing pang-opisina o gawaing hindi manu-mano na direktang nauugnay sa pamamahala o mga pangkalahatang pagpapatakbo ng negosyo ng employer o ng mga customer ng employer Kasama sa pangunahing gawain ang pagkakaroon ng sariling desisyon at pagpapasya patungkol sa mahahalagang bagay

58 Pamamahala o Mga Pangkalahatang Pagpapatakbo ng Negosyo
Buwis Pinansya Accounting Budgeting Auditing Insurance Quality Control Purchasing Procurement Advertising Marketing Pananaliksik Kaligtasan at Kalusugan Human Resources Mga Benepisyo ng Empleyado Ugnayan sa Paggawa Mga Ugnayang Pampubliko o Pampamahalaan Pagsunod sa Batas at Regulasyon Computer Network, Internet, at Database Administration

59 Mga Insurance Claims Adjuster
Nakabatay sa mga aktuwal na gawain sa trabaho ang exempt status Maaaring ma-exempt kung kasama sa mga gawain ang Pakikipanayam sa naka-insure, mga saksi at doktor; Pagsisiyasat sa pinsala sa ari-arian Pagsusuri sa impormasyon batay sa katotohanan upang maghanda ng mga pagtatantya ng pinsala Pagsusuri at paggawa ng mga rekomendasyon patungkol sa saklaw ng mga habol Pagtukoy sa pananagutan at kabuuang halaga ng habol; Pag-aayos ng mga settlement Paggawa ng mga rekomendasyon patungkol sa pagdinig

60 Mga Pampinansyang Serbisyo
Maaaring ma-exempt kung kasama sa mga gawain ang Pangongolekta at pagsusuri ng impormasyon patungkol sa kita, mga asset, puhunan o utang ng customer Pagtukoy sa kung aling mga pampinansyang produkto ang pinakamahusay na tutugon sa mga pangangailangan at pinansyal na sitwasyon ng customer Pagpapayo sa customer patungkol sa mga bentahe at disbentahe ng iba't ibang pampinansyang produkto Pagma-market, pagbibigay-serbisyo, o pag-promote sa mga pinansyal na produkto ng employer Hindi kwalipikado para sa administrative na exemption ang isang empleyadong ang pangunahing gawain ay magbenta ng mga pampinansyang produkto

61 Mga Propesyunal na Gawain
Ang pangunahing gawain ay ang pagsasakatuparan ng gawaing nangangailangan ng kadalubhasaan sa larangan ng agham o ng kaalamang karaniwang nakukuha sa pamamagitan ng isang mahabang kurso ng intelektwal na specialized na kurso Ang pangunahing gawain ay ang pagsasakatuparan ng trabahong nangangailangan ng imbensyon, imahinasyon, pagiging orihinal, o kakayahan sa isang kinikilalang larangang artistic o malikhain

62 Larangan ng Agham o Pag-aaral
Mga trabahong may kinikilalang propesyunal na katayuan, na iba sa mechanical arts o mga skilled trade Batas Accounting Actuarial Computation Theology Pagtuturo Mga Physical Science Medisina Arkitektura Mga Chemical Science Parmasya Engineering Mga Biological Science

63 Mga Na-exempt na Medikal na Propesyon
Mga Doktor Mga Rehistradong Nurse Mga rehistrado o may sertipikong medical technologist 3 taon ng pre-professional na pag-aaral sa isang may akreditasyong kolehiyo o unibersidad, na may kasamang 1 taong professional na pag-aaral sa isang may akreditasyong paaralan ng medical technology Mga dental hygienist 4 na taong pre-professional at professional na pag-aaral sa isang may akreditasyong kolehiyo o unibersidad May sertipikong physician assistant 4 na taon ng pre-professional at professional na pag-aaral, kasama ang pagtatapos sa isang may akreditasyong physician assistant program

64 Iba Pang Mga Kadalasang Na-e-exempt na Propesyon
Mga Abugado Mga Guro Mga Accountant Mga Parmasyutiko Mga Engineer Mga Actuary Mga Chef Mga certified athletic trainer Mga lisensyadong funeral director o embalsamador

65 Mga Karagdagang Nonexempt na Propesyon
Mga lisensyadong practical nurse Mga accounting clerk at bookkeeper na karaniwang nagsasagawa ng maraming paulit-ulit na trabaho Mga cook na nagsasagawa ng mga halos paulit-ulit na trabahong mental, manu-mano, mekanikal o pisikal Mga paralegal at legal assistant Mga engineering technician

66 Mga Kinikilalang Larangang Artistic o Malikhain
Musika Mga musikero, kompositor, conductor, soloist Pagsusulat Mananalaysay, nobelista, manunulat ng maikling kuwento, manunulat ng dula Mga manunulat ng screen play na pumipili ng sarili nilang mga paksa Mga naaangkop na posisyon sa pagsusulat sa mga advertising agency Pag-arte Graphic Arts Mga pintor, photographer, cartoonist

67 Mga Trabahong May Kaugnayan sa Computer
Ang pangunahing gawain ay: Ang paglalapat ng mga diskarte at pamamaraan ng systems analysis, kabilang ang pagkonsulta sa mga user, upang tukuyin ang mga functional na detalye ng hardware, software, o system Ang pagdidisenyo, pagpapaunlad, pagdodokumento, pagsusuri, paglikha, pagsubok, o pagbabago ng mga system o program ng computer, kabilang ang mga prototype, na batay at nauugnay sa mga detalye ng user o disenyo ng system; Ang pagdidisenyo, pagdodokumento, pagsubok, paglikha, o pagbago ng mga computer program na nauugnay sa mga machine operating system Kumbinasyon ng nasa itaas na nangangailangan ng parehong antas ng mga kasanayan, and

68 Mga Trabahong May Kaugnayan sa Computer
Dapat ring makatanggap ang empleyado ng Isang tiyak na suweldong $455 bawat linggo o higit pa, o kaya Isang rate bawat oras na hindi bababa sa $27.63 bawat oras

69 Outside Sales Ang pangunahing gawain ay - Pagbebenta o
- Pagkuha ng mga order o kontrata para sa mga maaaring mapiling serbisyo o pasilidad na binabayaran ng customer at Regular na nagtatrabaho malayo sa (mga) lugar ng negosyo ng employer kapag ginagawa ang nabanggit na pangunahing gawain Walang pagsubok ng kompensasyon

70 Pagbubukod para sa Mga Retail Commissioned Sales na Empleyado

71 Pagbubukod sa Overtime para sa Mga Retail Commissioned Sales na Empleyado
Ang mga empleyado ng establisimyento ng retail o serbisyo na binabayaran nang higit sa kalahati ng kabuuan nilang kita sa isang basehang komisyon ay maaaring ma-exempt sa mga kinakailangan ng bayad sa overtime ng FLSA

72 Mga Kinakailangan para sa Pagbubukod
Nagtatrabaho dapat ang empleyado sa isang establisimyentong retail o serbisyo Ang higit sa kalahati ng kabuuang kita ng empleyado sa isang representative period ay mula dapat sa mga komisyon sa mga produkto o serbisyo Ang kabuuang kompensasyon ng empleyado na hinahati sa bilang ng mga oras na natrabaho o ang kanyang regular na rate ay dapat mas malaki nang isa't kalahating beses kaysa sa minimum wage

73 Mga Kinakailangan para sa Pagbubukod
Hangga't hindi natutugunan ang lahat ng tatlong kundisyon, hindi nararapat ang pagbubukod, at dapat bayaran ang premium ng overtime para sa lahat ng natrabahong lampas sa apatnapung oras sa isang linggo ng pagtatrabaho sa rate na isa't kalahating beses na mas mataas kaysa sa regular na rate ng pagbabayad

74 Establisimyento ng Retail
Ang mga establisimyento ng retail at serbisyo ay tinutukoy bilang mga establisimyentong ang 75% annual dollar volume ng benta ng mga produkto o serbisyo (o ng pareho) ay hindi para sa muling pagbebenta at kinikilala bilang retail na pagbebenta o serbisyo sa partikular na industriya

75 Representative Period
Maaaring kasing-ikli ng isang buwan, ngunit hindi maaaring mas mahaba sa isang taon Dapat pumili ng representative period ang employer upang malaman kung naabot na ang kundisyong ito

76 Isa't Kalahating Beses na Mas Mataas sa Minimum na Sahod
Upang malaman kung ang regular na rate ay mas malaki nang isa't kalahating beses kaysa sa minimum na sahod, hatiin ang kabuuang kita ng empleyado para sa panahon ng pagbabayad sa kabuuang oras na natrabaho ng empleyado sa panahon ng pagbabayad

77 Pagtatrabaho ng Kabataan

78 Pagtatrabaho ng Kabataan
Parehong itinatakda ng pederal na pagtatrabaho ng kabataan ang mga oras at pamantayan sa pagtatrabaho para sa kabataan

79 Pagtatrabaho ng Kabataan
16 Ang mga edad labing-anim (16) hanggang 17 ay maaaring magtrabaho nang walang limitasyon sa oras sa anumang trabaho maliban sa mga trabahong itinakdang mapanganib ng Secretary of Labor 14 Ang mga edad labing-apat (14) at 15 ay maaaring magtrabaho pagkatapos ng oras ng pag-aaral sa iba't ibang trabahong labas sa pagmamanupaktura at hindi mapanganib sa loob ng limitadong tagal ng panahon sa ilalim ng tinukoy na mga kundisyon Wala pang 14 Ang mga batang wala pang 14 na taong gulang ay hindi maaaring magtrabaho sa mga trabahong labas sa agrikultura na saklaw ng FLSA

80 Introduksyon sa FMLA Layunin:
Balansehin ang buhay-trabaho at buhay-pamilya Isulong ang pang-ekonomiyang kasiguraduhan ng mga pamilya at tugunan ang pambansang layunin sa pagpapanatili ng integridad ng pamilya Sama-samang Responsibilidad: Komunikasyon ang susi

81 Saklaw na Employer Mga employer sa pribadong sektor na may (deleted words) 50 o higit pang empleyado Mga Pampublikong Ahensya Mga pampubliko at pribadong Elementarya at Sekundaryang paaralan

82 Pagiging Karapat-dapat ng Empleyado
Nagtatrabaho sa ilalim ng saklaw na employer Nagtrabaho nang hindi bababa sa 12 buwan May hindi bababa sa 1,250 oras ng serbisyo sa loob ng 12 buwan bago magsimula ang leave Nagtatrabaho sa isang lugar ng pagtatrabaho na may 50 empleyado sa loob ng 75 milya

83 Recordkeeping (Pagtatala)
Mahalaga ang tamang pagtatala ng mga oras na natrabaho sa bawat araw at kabuuang oras na natrabaho bawat linggo upang maiwasan ang mga problema sa pagsunod

84 Recordkeeping (Pagtatala)
Inaatas ng FLSA sa lahat ng employer na napapailalim sa anumang probisyon ng Act na gumawa, magtabi, at magpanatili ng ilang partikular na tala

85 Recordkeeping (Pagtatala)
Walang partikular na anyo ang pagtatala Hindi kinakailangan ang mga time clock

86 Recordkeeping (Pagtatala)
Ang bawat saklaw na employer ay dapat magtabi ng ilang partikular na tala para sa bawat non-exempt na manggagawa

87 Kinakailangang (Ipaskil)
Dapat ipaskil ng mga saklaw na employer ang abisong nagpapaliwanag sa FLSA alinsunod sa Wage and Hour Division, sa isang kapansin-pansing lugar

88 Mga Karaniwang Pagkakamaling Dapat Iwasan

89 Mga Karaniwang Pagkakamaling Dapat Iwasan
Pagpapalagay na walang dapat bayarang overtime sa lahat ng pinapasuweldong empleyado Maling paglalapat ng exemption Hindi pagbabayad para sa lahat ng oras ng “pinaggugulan o pinahintulutang” pagtatrabaho ng empleyado Paglilimita sa dami ng oras na maaaring itala ng mga empleyado

90 Mga Karaniwang Pagkakamaling Dapat Iwasan
Pagkabigong isama ang lahat ng bayad na kailangang isama sa pagkalkula ng regular na rate para sa overtime Pagkabigong pagsamahin ang lahat ng oras na natrabaho sa magkakahiwalay na establisimyento para sa parehong employer kapag kinakalkula ang due sa overtime

91 Mga Karaniwang Pagkakamaling Dapat Iwasan
Paggawa ng mga maling bawas sa mga sahod na magreresulta sa kabayarang mas mababa sa minimum na sahod o overtime. Mga Halimbawa: mga kakapusan, pagkadismaya, pinsala, kagamitan, at uniporme Pagturing sa isang empleyado bilang isang hiwalay na contractor Kalituhan sa pagitan ng Pederal na batas at Batas ng estado

92 Hindi Iniaatas ng FLSA ang
Bakasyon, holiday, separation pay, o sick pay Mga panahon ng pagkain o pahinga, off sa mga holiday, o bakasyon Dagdag na bayad sa pagtatrabaho kapag Sabado, Linggo o Holiday Abiso ng pagtatanggal, dahilan ng pagtatangal, o agarang pagbabayad ng huling sahod sa mga tinanggal na empleyado Anumang limitasyon sa dami ng oras sa isang araw o sa mga araw sa isang linggo kung kailan maaaring atasan o itakdang magtrabaho ang isang empleyadong hindi bababa sa 16 na taong gulang Mga dagdag sa suweldo o dagdag na benepisyo

93 Mga Materyal na Tulong sa Pagsunod - FLSA
Ang Batas Mga Regulasyon ( 29 C.F.R. Part ) Nagpapaliwanag na Gabay (mga opinion letter, handbook sa mga field operation, at mga bulletin sa field) Poster ng FLSA Madaling Gamiting Reference Guide Mga Fact Sheet Impormasyon para sa Mga Bagong Negosyo Home Page ng Department of Labor

94 Pagpapatupad Isinasagawa ng kawani ng Wage and Hour ang FLSA sa buong U.S. Kung sakaling may makitang mga paglabag, pinapayuhan ng Wage and Hour ang mga employer tungkol sa mga hakbang na kailangan upang maitama ang mga paglabag, nagtatakda ito ng kasunduang susundin sa hinaharap at sinusubaybayan nito ang boluntaryong pagbabayad ng back pay ayon sa nararapat Sa pangkalahatan, nailalapat ang 2-taong limitasyon sa yugto ng pagkilos upang makapagbigay ng back pay. Sa kaso ng sinasadyang paglabag, maaaring malapat ang 3-taong limitasyon sa yugto ng pagkilos

95 Pagpapatupad Sa pagkakataong walang boluntaryong kasunduang sumunod at/o magbayad ng back pay ang employer, maaaring gawin ng Wage and Hour Division ang mga sumusunod: Magsampa ng kaso upang magkaroon ng Utos ng Hukuman upang pigilan ang employer sa paglabag sa FLSA, kabilang ang pag-iipit ng tamang minimum na sahod at overtime Magsampa ng kaso para sa back pay at para sa halagang katumbas ng liquidated damages

96 Mga Pribadong Karapatan ng Empleyado
Maaaring magsampa ng pribadong kaso ang isang empleyado para sa back pay at para sa isang halagang katumbas ng liquidated damages, kasama ang mga bayarin sa abugado at gastos sa korte

97 Mga Multa Maaaring sampahan ng kriminal na paguusig ang mga employer na sadyang lumabag sa Act at maaari silang singilin nang multa hanggang $11,000 Papatawan ng civil money penalty ang mga employer na lalabag sa mga probisyon ng pagtatrabaho ng kabataan nang hanggang $11,000 para sa bawat empleyadong makakaranas ng paglabag Ang mga empleyadong sinasadya o paulit-ulit na lalabag sa mga kinakailangan sa minimum na sahod o overtime ay papatawan ng civil money penalty nang hanggang $1,100 para sa bawat nabanggit na paglabag

98 Mga Karagdagang Impormasyon
Bisitahin ang homepage ng WHD sa: Tumawag ng libre sa linya ng impormasyon at tulong ng WHD sa US-WAGE ( ) Gamitin ang interactive na advisor system ng DOL - ELAWS (Employment Laws Assistance for Workers and Small Businesses) sa: Tawagan o bisitahin ang pinakamalapit na Wage and Hour Division Office

99 Disclaimer Ang presentation na ito ay para lang sa pangkalahatang impormasyon at hindi nito katumbas ang kakayahan ng legal na opinyon. Ibinibigay ng Department of Labor ang impormasyong ito bilang serbisyo sa publiko. Inihahandog ang impormasyong ito at ang mga nauugnay na materyales upang bigyan ng access ang publiko sa impormasyon ng mga programa ng Department of Labor. Dapat mong malaman na habang nagsusumikap kaming panatilihing napapanahon at tumpak ang impormasyon, madalas magkakaroon ng pagkaantala sa pagitan ng mga opisyal na paglilimbag ng mga materyal at pagbabago sa mga pahinang ito. Samakatuwid, wala kaming inihahayag o ipinapahiwatig na anumang garantiya. Ang Federal Register at ang Code of Federal Regulations pa rin ang opisyal na pinagmumulan ng impormasyon sa regulasyon na inililimbag ng Department of Labor. Gagawin namin ang lahat ng pagsusumikap upang panatilihing napapanahon ang impormasyong ito at upang itama ang mga kamaliang maipapaabot sa amin.


Download ppt "Fair Labor Standards Act"

Similar presentations


Ads by Google